Wala pong katotohanan ang paratang na ito. Ang impormasyon po na may 300 na ititiwalag daw na 300 na kapatid ay nakita ko lamang po sa mga text blasts na isinagawa ng grupo ni ka Louie Cayabyab, ikinagulat ko po na ibinibintang pala sa akin yon dahil ako daw po ang nagbigay ng mga pangalan ng mga ititiwalag. Dahil daw sa tiwalagan at pakikipag-ugnayan sa Sanggunian ay niregaluhan po nila ako ng isang Lexus na sasakyan.
Isang hayagang paninira ito at kasinungalingan ang mga ito. Hindi po ba at ito ang ating nilalabanan mga gawain ng sanggunian ang magpakalat ng kasinungalingan? Anong nangyari sa grupong ito at naging kapareho na sila sa pag gawa ng paninira at pagsisinungaling? Ito ba ang niisip nila na paraan para makahikayat ng sasama sa grupo nila?
Nakakaawa ang grupong ito umabot na sila sa ganitong karuming gawain, ang magsinungaling at manira ng tao. Narito po ang ilan sa mga taong gumagawa ng paninira sa social media tandaaan po natin ang mga pangalan na ito para hindi kayo madaya.
Ang katunayan po na pagbibintang lamang ang mga ito ay ang sinanasabi nila na ako rin daw ang naging dahilan ng pagkakatiwalag ng mga kabilang sa grupo ng Davao. Samantalang alam na alam po ng lahat ng mga nakadadalo sa EGM na sila mismo ang malimit na nagpapakita at nag papakilala sa kanilang sarili sa zoom sa kabila ng paalala sa kanila na kung hindi sila handang matiwalag ay huwag silang magpakita.
HINDI PO TOTOO na makikita kayo ng Sanggunian kapag dumalo kayo EGM. Kung papanong may nakuhang picture or e-mail daw sa EGM ay masasagot po ng grupo nila ito.
Wala po kaming nakikitang identity or image ng mga attendees sa EGM lalo na po at naka webinar (web seminar) format bawat EGM. Kung ang inaalala nyo ay makilala kayo HINDI po yon totoo. Safe po kayo sa EGM, sa ibang paggtitipon na hindi EGM yon po ang hindi nakakatiyak na safe. Madali lang po ang dumalo type nyo lang po ang webinar ID 836-777-240 ay makakapasok na po kayo naka-set up to 500 na ang dumadalo bawat EGM.