All posts by truthdefender

ANSWER TO “Treason against God” of incdefendernomore.org

I was trying my best to hold my peace, avoid social media, and just concentrate in our EGMs or Group meetings, caring for those who were unjustly expelled, displaced members and silent defenders, until, someone sent me a link on this article. What made me affected after reading it, is the thought that after all that happened in the Church, many have remained blind and have not yet learned their lesson. They still don’t see the real picture or the true source of the problems that beset the Church. They keep on putting the blame on others. I’ll try to make my answer as brief and concise as it can be. I will also limit my answers to issues that are known to both the expelled and many members of the Church.

Out of the six issues they raised against the “defender ministers,” only the last three need clarification because (to use their own words), “the first three are fairly straightforward. It’s the last three that require further discussion.” Indeed, they do, and may I say to them, “Your wish is my command.”

Accusation: “They all rebelled against the current Church Administration” (despite their) “pledge of loyalty to, and undying love for, the current Executive Minister.” To validate their point, they extracted a part of my Editorial of the October 2014 issue of Pasugo/God’s Message which states:

“ ‘The whole staff of Pasugo/God’s Message magazine, like the rest of God’s people throughout the world, extend our wholehearted greetings and undying love to our beloved Executive Minister, Brother Eduardo V. Manalo, whose birthday is on the last day of this month. We make this greeting with our solemn vow that we will always be submissive to and united with him in his unceasing effort to present the whole Church to our Lord Jesus Christ “a glorious church, not having spot or wrinkle or any such thing, but that she should be holy and without blemish’ at His second coming (Eph. 5:27, NKJV).”

Answer: But it is so noticeable that when they reiterated the quotation from my article, it was limited to or only up to “his unceasing effort to present the whole Church to our Lord Jesus Christ.” They intentionally omitted the ending part of the statement which states, “a glorious church, not having spot or wrinkle or any such thing, but that she should be holy and without blemish at His second coming.” I am so thankful to God that despite the fact that I made this Editorial in 2014, He willed that the words I have used were complete and easy to understand, with no room for a distorted interpretation.This statement, when read as a whole in its context, says it all—we should be submissive and united with the Church Administrator in his effort to present the Church to our Lord glorious, not having spot or wrinkle, but holy and without blemish. The reason they intentionally omitted this important portion is in order to deceive the readers that ours was “A broken vow” and we have committed “Treason against God.”

But can they honestly say that the Church is being led to glorious state when it is now involved in rampant corruptions and with billions of peso debts? They say, “NO EVIDENCE!” Oh yeah? How then can they explain the fact that the Convention Center has remained unfinished four years after the construction began. I remember vividly what they used to proudly say before launching these multi-construction and multi-billion infrastructure projects, that the Church has sufficient fund to finish them all. What about the plan to get rid of all unsightly and dilapidated houses of worship and replace them with presentable ones before the Centennial of the Church? Isn’t this a case of a mismanaged offering of the Church or better yet, a disappearing fund? JUST ASKING.

Are the members being led to holiness and to a condition that is without spot and blemish when the doctrines and rules of the Church are grossly violated by those who are tasked to prepare the members for salvation?

Since when did it become a practice to list the names of thousands (millions as they previously claimed) of people as “indoctrinees” yet only came to receive “goody bags” during the Church Aid to Humanity (Lingap sa Mamamayan) activities, or to baptize people who have not yet finished receiving the doctrinal lessons or have not received them at all? Now, Who broke their vow? Who committed treason against God who appointed them?”

ACCUSATIONS 5: “They all created division by taking sides in an internal family dispute that pitted the Executive Minister against the expelled family members of Bro. Eraño.”

                           6: “They all preach a distorted version of the gospel taught by the Last Messenger, one that assures those outside the Church of salvation.”

Answer: Defending the family of Brother Eraño G. Manalo from oppression and pointing out the revision he made in the provisions of the Church’s Article of Incorporation, is no way an act of “taking sides in an internal family dispute.” In the first place, this is not simply a matter of “internal family dispute” but more of an issue of widespread corruption and anomalies in the Church. If only those issues were properly addressed and resolved immediately, the problem would have not escalated. What created division is the utter disregard of the doctrines and rules taught and implemented by God’s last messenger and upheld by brother Eraño G. Manalo. Now, let’s see who the true guilty is?

  1. Who distorted the doctrine that the one who should be expelled is “the evil person” and not the one who obeyed the doctrine to expose the works of darkness (I Cor. 5:13; Eph. 5:11)? I am not questioning the doctrines of the Church and the verses used in their article including the doctrine that those who are expelled will be judged by God. But does God approve of the unjust expulsion of those who took the side of the truth and exposed the works of darkness?

2. Who violated the doctrine that we should love each other even our enemies? Who continuously oppress and harass the expelled especially the family of Brother Eraño G. Manalo, cutting off the electrical and water lines, enclosing their houses with high iron fences and barbed wire, disallowing or limiting to smallest quantity the delivery of water, food and other basic necessities, but at the same time spend a great fortune giving aid to the needy as far as Africa? And they have the temerity to accuse us of distorting the words of God. I believe, they are barking at the wrong tree when they used Matthew 7:5 against us, because it clearly applies to them: You hypocrite, first take the plank out of your own eye, and then you will see clearly to remove the speck from your brother’s eye.

They said that instead of “discussing our concerns in social media” we should “offer suggestions and recommendations, always driven by love for the Church and respect for the Administration …” HELLOOO! In making this kind of suggestion, they expose their true color—HYPOCRITES. Why? They are the ones who overused and relied so much in social media. They have formed groups of ministers and warriors (mandirigma ), instructed the ministers to have their own FB accounts to malign and character assassinate the defenders especially the expelled ministers and the family of Ka Erdy.

I am not sure if they are blind, or great pretenders, or simply unaware of what many of us have already done “for the love of the Church and respect for the Administration.” Furthermore, they “suggested” that if we have issues about corruptions in the Church, “let the Executive Minister deal with that. That is his duty, not yours, or ours.”

I myself, at several instances, informed the proper Church authority about the anomalies in the Church hoping for actions that would spare the Administration from blame, and the Church from ruin. To name a few: the case of the most wanted fugitive in South Korea; the $100.00 bills “collection”; the jacked up price of rice for Lingap; the padded number (in the millions) of listed “indoctrinees” issue, and I can name more if need be. I regret to inform you that my loud call for action fell on deaf ears. I was instead accused of being the blogger that exposed the anomalies and corruptions through social media. They interrogated me several times, placed me and my family under house arrest, and when we managed to escape, they expelled and began to harass and hunt us down. With God’s help, we were able to reach the U. S. A., but our ordeal did not end. They continued to harass us (all their actions are in the Police records), and again sued me in the Court of Law, but thank God, they’ve lost.

I do not condone disinformation and mud slinging through social media but they cannot  blame the defenders if they resorted to using social media – FB because no Church authority listens. The least they could have done is to make a transparent and thorough investigations instead of immediately saying “no evidence,” and worse, they showed their being biased by investigating, or more appropriately, interrogating those who made the reports instead of those reported.

Hopefully, you will come to your senses and realize that what you are doing, putting the blame on us, will only force us to answer and reveal the TRUTH (through social media). Its all up to you.


 My people are destroyed for lack of knowledge. Because you have rejected knowledge, I also will reject you from being priest for Me; Because you have forgotten the law of your God, I also will forget your children.”                         (NKJV: Hosea 4:6)

THE TRUTH BEHIND THEIR LIES Part 2 ( Mga Sagot Kay Benito)

ANSWER TO BENITO’s STRAIGHT FROM THE HEART

We are not against sa sinasabi nilang pagtigil sa pagsasagutan sa social media specifically on Facebook dahil noon pa man ay iyan ang aming advocacy. But we believe that the readers, especially the defenders or those who have read postings ng maraming false accusations sa amin should understand o maliwanagan sa totoong pangyayari. Kaya narito po ang kasagutan namin na punto por punto.

Kapag natapos na naming sagutin ang lahat ng kanilang akusasyon ay mananahimik na kami pero kung magpapatuloy ang kanilang mga paninira at malisyosong  postings  na ang labis na nasisira ay ang gawain at nagbubunga ng pagkalito sa marami ay mapipilitan kaming sagutin silang muli.

Benito Affleck:                                                                                                      ” Nagsimula ito ng lumabas na ulit si Boyet Menorca II, noong una po ay maganda ang situation between Ka Bob , sa kanila pong dalawa , ako yung “GITNA”.  Ang pangyayaring tumutugon sa “LEADERSHIP” issue ang naging ugat. Well, tama naman, dahil noong hindi pa nakakalabas si Boyet , Itong si Ka Bob ang gumitna, naging maayos naman nabuo ang mga bagay o nagkaroon ng “pundasyon” ang DEFENDERS , tinutukan naman niya ng kanyang panahon ang maraming bagay-bagay. Pero hindi ito naging sapat, dahil yung nagsisimulang “pressure” sa pagitan nila ay naging “friction” na nag start na ng iba’t-ibang usapan. “

 Our Response/ Sagot :

It is true that Ka Bob led the defenders from the beginning, at marami ang nakakaalam nito including the Ministers.  During that time, patuloy si ka Bob na sumasangguni sa nangangalaga sa atin at sa mga Ministrong nangangasiwa.  Lahat ng communication na galing sa nangangalaga ay dumadaan kay Ka Bob and this can be attested to by the Ministers guiding us.  It is also true na kahit maraming pressure noon ay napangunahan and defenders ng maayos.  At ito po ay during the time na hindi pa nakakalabas or “nare-rescue” si  Lowell ‘Boyet’ Menorca II.

But what really happened? Bakit at ano ba talaga ang naging dahilan or simula ng “friction” between Ka Bob and Boyet? (which Benito didn’t mention on her post kaya misleading ang sinabi niya).  One of the reasons po sa “friction” na alam ni Benito ay, noong nakalabas na si  Boyet ay agad niyang sinabi na walang kinalaman si Ka Bob at Benito sa pagkaka rescue sa kanya.  Ang sinabi niyang tumulong daw sa kanya ay si Sherlock at Vina.  The mere fact na alam na alam ni  Boyet na ang malaking bahagi at nanguna sa coordination ng pagkaka rescue sa kanya ay si Ka Bob, and of course with the help of a lawyer, Benito and Ka Jun Samson. This was proven in one of the meetings with the Ministers where Boyet denied Ka Bob and Benito’s help on his rescue.  Sinita si Boyet ng Ministro doon sa meeting na iyon dahil sinabi niyang walang kinalaman sila ka Bob at ka Benito sa rescue. Para matandaan ng mga dumalo sa pulong ay sa pag-uusap na yaon sinabi ni Boyet na, “hindi totoo yan! mamatay man ang asawa ko” at “mamatay man ang anak ko.” It was also during that meeting that Ka Jun said to Boyet na dapat hindi siya labas ng labas sa safehouse for his own security and his family dahil sa sabi niya ay pinatutugis siya ng “taga-Central” at nanganganib daw sila.  At sa pulong din yon napag-usapan kung bakit nag-text si Boyet sa isang defender na “ipadala na nila sa kaniya ang mga evidences against Jun Santos dahil hinihingi na ni EVM” (bakit niya alam? bakit all along may communication pala itong si Boyet kay EVM na para hindi siya mahalata ay sa iba ibinintang lalo na kay ka Bob at siniraan na mole daw?- paniwalang paniwala naman ang mga naloko nila) Bakit kaya hindi ito binanggit ni Benito sa kaniyang post samantalang alam niya na isa iyon sa pinagsimulan ng tinatawag niya na “friction”? Nabura na siguro sa puso niya ang pangyayari. Sayang, “Straight from her heart” pa naman ang mga ipinost niya.

BENITO AFFLECK  :

” Umusbong ang intriga between Ka LM at Ka Bob, totally nahati na, sa original na kasama ni Ka LM , ako lang ang DISTANSYA sa kanya , bakit ? Kasi , nag sticked ako kay Ka Bob. Maraming kumausap sa akin, pero hindi ako naapektuhan. Lalong tumindi ang “isyu” . SIRAAN dito at SIRAAN dun, may nakakarating na mga “negative” isyu sa akin. PINALABAS pa nga na MOLE kami, si IRENE SERRANO, ANITA KURAKOT, si Ka LORNA , ako at si Ka Bob..sige pa rin , hanggang nahati ang EGM at naging 2 flatforms dahil sa isyu.. “

 OUR RESPONSE :

Totoo po na nagkaroon ng gap between Boyet and Ka Bob and that Benito distanced herself from Boyet and his group – pero bakit nga po ba nagkaroon ng gap at bakit nga po ba siya nag-stick kay Ka Bob?  Dahil siya mismo (Benito) ang nagsabi na marami siyang evidences against Boyet at ito daw si Lowell ‘Boyet’ Menorca ang MOLE (tao ni Babylyn? -ayon sa kaniyang intel) at hindi mapagkakatiwalaan.  Dahil sa mga gatong na rin niya kaya lalo kaming naniwala.  And during one of the zoom meetings  na dinaluhan ng maraming mga defenders (ito ang meeting na hinarap ni Ka Bob ang mga kasama ni Louie Cayabyab at Boyet na maraming bintang kay Ka Bob – lahat ng yon lumabas na puro tisimis lamang pala), Benito turned on her microphone and  threatened that she will show all the evidences against Boyet pero maghintay lang daw at may kakausapin pa siyang mga “agents” then lumabas na siya sa meeting  (parang James Bond movie).  Benito also admitted na si Ka Bob ang talagang target na sinisiraan ng grupo ni Boyet.

Hindi lang dahil dito kaya nahati sa dalawang grupo ang EGM (or sabi nga ni Benito nahati sa “2 flatforms” – i think what she’s trying to say is platforms), at hindi gusto ng EGM team na mahati sa two platforms but because Ka Louie Cayabyab was the one who refused to be a part of the EGM dahil sinabi niya sa mga pagpupulong na dapat ay hindi organized” ang EGM na kagaya ng INC kundi dapat ay mabigyan ng autonomy ang bawat grupo.  When Ka Jun Samson was about to officiate EGM for the first time in California ay nagtext si Ka Louie na hihiwalay na sila ng mga taga Northern California (hindi po ang EGM team ang humiwalay para po sa kaalaman ng lahat – sila po ang humiwalay).  That was the time na siniraan si Ka Jun at Ka Bob at tinawag silang mga mole sa social media, and during that time also na ginawan nila ng kwento at pinakalat nila na si Ka Bob ang dahilan ng pagka compromised ng mga umaattend ng EGM at mga tumutulong sa RTC.

BENITO AFFLECK  :

Problema, dahil sa sobrang sama ng loob nitong si Ka Bob , umaatake na siya ng “Personal” na never kong hahayaan kung alam ko at sasabihin sa akin sinasaway ko. Kaso hindi lang naman ako ang KINAKAUSAP niya, kahit nag uusap kaming madalas, may iba pa siyang nakakausap. Lalong naging MAINIT si IRENE dahil nga sa isyu na sinisiraan siya ng mga  DEFENDERS so yung personality niya na hindi pedeng pakiusapan ng maayos, bumabanat na sila ng wala kaming alam na iba.” 

 OUR RESPONSE  :

At this time na sobrang dami ng lumabas na paninira sa social media kay Ka Bob at sa Ka Jun Samson, sino po ang hindi sasama ang loob?  They vilified him and ruined character assasinated him not only on the social media, dahil gumawa sila talaga ng paraan na isa -isang tawagan pa ang mga defenders (sa pangunguna ni Louie Cayabyab) para lang siraan si Ka Bob.  Is there  no reason for him to be angry at sumama ang loob? It was that Boyet and Louies’ group that started personal attacks against their fellow defenders on social media? Totoong “naging mainit” si Irene Serrano at siya naman ang umatake ng personal kay Boyet at galit na galit sa grupo nila.

During that time totoong maraming kinakausap na defenders si Ka Bob at natural lang iyon dahil siya ang nilalapitan ng mga defenders sa marami nilang katanungan at ang iba ay sa kaniya humihingi ng advice na binigyan naman agad nila ng masamang pakahulugan.


Abangan pa ang mga sagot  sa iba pang mga akusasyon ni Benito.

  To be continued

THE TRUTH BEHIND THEIR LIES (voice of a true defender) Part 1

(By: Honey Hathaway re-post)

Money Matters

I have never thought of myself writing about MONEY. Because the last thing I want to do is declare on social media about who I helped with financially. However, I am left with no choice as their attack on me and Ka Bob keeps coming. I have to do this for everyone’s knowledge – which I tried to avoid discussing, that I PERSONALLY assisted Benito Affleck financially since the day they tried to escape the Philippines until they decided to leave the EGM team. Ka Bob BEGGED me to help her financially (dahil sa awa sa kanya at sa kanyang pamilya). Begged? Because i do not know her personally. But for the sake of the EGM team and knowing of the danger her and her family was facing – i helped them from the time of their escape, payment to get out of jail, accomodation since they left the Philippines and helped with their day to day allowances. (I will NOT go through it one by one but if needed, I WILL with all the receipts).

I DID NOT collect money from anyone (as Network54 said), it all came from my personal account. I DID NOT borrow any money from anyone to help Benito, or the first payment for the new lawyer for #36 TS, etc. etc.  I don’t intend to itemise or divulge on social media every single financial help I have done because I believe it is not appropriate.

What Bless Grace Hernandez aka  Benito Affleck forgot to say on her latest post involving our photo together is the reason why I was there with them. Let me refresh your memory Benito (before you all judge me for that leaked photo), nakalimutan mo ba that the reason why i was there is to PAY US$5,000+ for you and your family’s (including Henry Cabe) airfare tickets to Paris? And BOOKED/PAID online your Hotel accommodation in Paris? (which were all never used – but I was still charged for it). Remember it now? But before that, I have sent you initial US$5K for your escape, then another US$5K before you fled to Malaysia.

Need i say more here? I will not resort to any kind of accounting transparency here but if provoked I WILL NOT hesitate to come out with all the receipts from the time you tried to leave the Philippines.

Ka Bob supervised your escape as you told our team through Ka Bob that your life is in danger because your safe house was compromised courtesy of Boyet Menorca.  Ka Bob and the rest of the EGM team was so worried and you requested Ka Bob NOT TO TELL anyone your whereabouts at kahit saang lupalop ka pupunta. Ka Bob coordinated with me to seek financial assitance for your escape, we kept it secret. Even the EGM Team DID NOT have any idea where you are because Ka Bob was so worried about you and your children’s lives plus your companion Henry Cabe aka KINCHAY.

I am the ONLY one who knew your exact location as I have been there personally to assist you. But never I have spoken or mentioned to anyone about it. How could you of all people attacked me like that on social media after all i have done?!

After all of these help from us EGM team you have the nerve to rant against us, Ka Jun and Ka Bob?? What kind of heart you have you are talking about? This is what you paid us for?

And for you Evelyn Malveda aka Phina Panyet aka Anita Kurakot  and Network54, you all have the nerve to question me where my MONEY is coming from? Accused me of collecting money or coming from Sanggunian? I DID NOT STEAL IT NOR BORROWED IT FROM YOU, SO DON’T YOU EVER QUESTION ME WHERE MY MONEY IS COMING FROM. All I can say is – IT CAME FROM MY BANK ACCOUNT!

I will NOT go down to your trashy level but don’t you all dare me and question my financial capability again because i will make sure that next time you do that, I will have my lawyer make use of my money so that I can take you all to court.

TO BE CONTINUED….

Read the Introduction of this series.

THE TRUTH BEHIND THEIR LIES (voice of a true defender)

(By: Honey Hathaway)

Introduction

A lot has been said during the last course of time before the year ended in 2016. It created hate, confusion and a great deal of divisiveness once again within the defenders. We were branded by small minded people as “bulong brigade” or mapanulsol, not realising that they speak of themselves or para mas maintindihan nila “ang tinutukoy nila ay ang kanilang sarili” gaya ng mababasa sa kanilang mga postings na punong-puno ng accusations and sarcasm. But of course they wouldn’t understand that because they think they are always right – we cannot argue with the self righteous people, right?

Network54 have said so much LIES and twisted stories from their “unreliable” sources, but you would have thought that they will do their job to get their facts straight so as not to create further confusion to everyone eapecially the brethren/defenders who constantly attends the EGM.  And, for Benito Affleck to come up with a story entitled “Straight From the Heart” – what kind of heart does a person have who bit the hand that fed her/him?        

Benito always use the name of the siblings in Tandang Sora just to gain sympathy and justify her anomalies and because we are against of what she is doing – swindling, deceiving and taking advantage of the defenders financially. She has no difference to those who claim they are also defenders but their actions are contradictory to the aim and perspective of our cause. Their intention is to destroy the EGM but in  order to do that, they have to discredit, malign and assassinate the characters of those individuals and the true Ministers behind the EGM.

They all know we are among the people behind the EGM. For them to use those baseless accusations, only proves that they are low enough and desperate to do anything against us. That is the tactic of the decrepit and the evil minded.  We would not be surprised if their intention is not only to malign us, but to cast doubt on the image of our ministers and destroy our EGM – which only intention is to HELP AND NOURISH THE SOULS OF THE DISPLACED BRETHREN.

Let me quote my friend’s Tomas Gordon Ramos (Mang Tomas) – on one of his early posts :

“When we are ready to stand for what is right, we are eager to fight to the end… yet a good teacher once taught: “Look before you jump, for before you might be  a chasm”…”

Since you’ve started your accusations, you’ve been forcing and challenging us to answer. Well, your wish is our command. We will not only answer but will see to it that the truth comes out. We  are ready to break our silence for the TRUTH’s sake (to fight for our right to tell you the TRUTH).

Stay tuned.

THE TRUTH BEHIND THEIR LIES ( Titigil Na Daw Si Benito ….)

Sincere ba si Benito sa sinabi niya na titigil na siya sa kanyang ginagawa ?

Bilib ako sa timing ni Benito Affleck. Pagkatapos na maidown ang FB account ko sa minsan ko pa lang na pagpopost ng sagot at katoohanan ay saka siya nagdeklara ng ceasefire dahil daw sa utos ng “nangangalaga” sa kaniya. Salamat po sa nangangalaga sa kanya dahil sa pagtutuwid niya kay Benito bagamat the damage has been done. 

Pero kapansin-pansin na pakitang tao lang, dahil kung tunay ang pagsunod niya at paggalang sa nangangalaga sa kaniya ay hindi na siya bumanggit ng maraming pasaring dahil binawalan na nga siya. Para siyang anak na binawalan na ng magulang at sumagot ng Opo pero tuloy din sa kaniyang masamang ginagawa. Lagi pa naman niyang sinasabi sa mga posting niya na siya ay masunurin sa kaniyang magulang.

Ok na sana sa akin iyong paawa-effect niya  na parang siya ang inaapi at sumasagot lang daw  pero alam niya at ng mga nakabasa na sila nina Benito at Phina Panyet ang nagdala ng isyu nila sa social media FaceBook gaya ng sagutan nila ni Phina Panyet pero humirit pa rin ng mga pasaring at kinagat naman ng mga kasama rin nila.

Sincere ba ang taong nagdeklara ng ceasefire pero patuloy na bumabaril? Nalimutan na ba niya ang katagang BACK FIRE?

Ang Uri ng Pamamahala sa Iglesia na Dapat

Ang Uri ng Pamamahala sa Iglesia na Dapat Pagpasakupan, Sundin, Pakipagkaisahan at Kilalanin ng Bawa’t Kaanib Ayon sa Pagtuturo ng Biblia

Sa paniniwala ng mga OWE (One With EVM) na lehitimo ang pagiging tagapamahalang pangkalahatan sa Iglesia ni Cristo ni kapatid Eduardo V. Manalo bilang kahalili ng pumanaw na si kapatid na Eraño G. Manalo ay tahasan nilang ginagamit ang mga talata ng Biblia patungkol sa pamamahala upang ang mga kapatid  ay magpasakop, sumunod, makipagkaisa, at kumilala sa kaniya.  Ginagamit nila ang Hebreo 13:17, I Juan 1:3, at I Corinto 6:4 na nagsasaad na:

Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila’y may pananagutang mangalaga sa inyo, at mananagot sila sa Diyos ukol diyan. Kung sila’y susundin ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi, sila’y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo.” (Hebreo 13:17 Magandang Balita); “Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo” (I Juan 1:3); at “Kung may mga usapin kayo, bakit ninyo ito idinudulog sa mga taong hindi kinikilala ng iglesya?” (I Corinto 6:4 MB). Sapagkat mga talata ito ng Biblia na nagbibigay-linaw sa pananagutan ng mga kaanib patungkol sa pamamahala ng Iglesia, tama lang na igalang at sundin ng bawat kaanib o ng lahat ng kapatid ang sinasabi sa mga talatang ito, subalit  ang tanong, lehitimo ba ang pamamahala ni kapatid na Eduardo V. Manalo sa Iglesia? Kung lehitimo, taglay ba naman niya ang uri o mga katangian ng tunay na pamamahalang lagay ng Diyos sa Iglesia?

Hindi na tatalakayin sa akdang ito ang ukol sa legalidad ng pagiging kahalili (successor)  ni kapatid na Eduardo V. Manalo sa pagiging tagapamahalang pangkalahatan pagkamatay ni kapatid na Eraño G. Manalo, bagaman kuwestiyonable iyon batay sa hinihingi ng 2007 Amended By-Laws at 2008 Articles of Incorporation, na pagkamatay ng Tagapamahalang Pangkalahatan ay maghahalal ang General Council ng kahalili. Hindi isinagawa ang gayong halalan nang pumanaw si kapatid na Eraño G. Manalo noong 2009 sapagkat naihalal na raw si kapatid na Eduardo V. Manalo bilang kahalili (successor) noon pang 1994. Iyon na di-umano ang halalang tumutugon sa hinihingi ng 2007 Amended By-Laws at 2008 Articles of Incorporation. Wala namang kumukuwestiyon na inihalal siya bilang II-Tagapamahalang Pangkalahatan at Kahalili noong 1994, subalit ang tanong, “ano ang nag-udyok kay kapatid na Eraño G. Manalo upang ilabas ang mga Amendments na iyon halos dalawang taon bago siya papagpahingahin ng Diyos?” Ang dahilan nito ang hindi hayag sa Iglesia subalit tiyak na hayag iyon sa naiwang pamilya ni kapatid na Eraño G. Manalo at sa pamilya mismo ni kapatid na Eduardo V. Manalo. Subalit upang bigyang-daan ang pagtalakay na ito, ipagpalagay natin na lehitimo nga ang pagiging kahalili ni kapatid na Eduardo V. Manalo sa pagiging tagapamahalang pangkalahatan ng Iglesia, taglay ba naman niya ang uri o mga katangian ng tunay na pamamahalang lagay ng Diyos sa Iglesia. Kung taglay niya ay marapat lamang na magpasakop, sumunod, makipagkaisa at kumilala sa kaniya ang bawat kaanib sa Iglesia. Subalit suriin natin…

Ano ang uri o mga katangian ng tunay na pamamahalang inihalal o inilagay ng Diyos para sa kapakinabangan ng Iglesia, na dapat pagpasakupan at sundin ng bawat kaanib?

Kapag itinuloy ang pagbasa sa kasunod na talata ng Hebreo 13:17 MB, sa talatang 18 ay nilinaw ni Apostol Pablo na: “Ipanalangin ninyo kami. Nakakatiyak kaming malinis ang aming budhi at hinahangad naming mabuhay nang matuwid sa lahat ng panahon.” Samakatuwid ang tunay na pamamahalang halal o lagay ng Diyos sa Iglesia, na dapat pagpasakupan at sundin ay katulad ni Apostol Pablo na tiyak na malinis ang budhi at nabubuhay nang matuwid sa lahat ng panahon (Hebreo 13:18 MB). Paano malalaman kung ang isang tao, lalo na ang namamahala sa Iglesia ay may malinis na budhi? Sa sulat din ni Apostol Pablo sa kamanggagawa niyang si Tito ay sinabi niya na: “Sa malinis ang lahat ng mga bagay ay malinis: datapuwa’t sa nangahawa at di nagsisisampalataya ay walang anomang malinis; kundi pati ng kanilang pagiisip at kanilang budhi ay pawang nangahawa. Sila’y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni’t ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa’y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa’t gawang mabuti. (Tito 1:15-16). Samakatuwid ang tunay na pamamahalang lagay ng Diyos para sa ikabubuti ng Iglesia ay iyong may malinis na budhi, nabubuhay nang matuwid sa lahat ng panahon, hindi malupit, hindi masuwayin, at hindi itinakwil sa bawa’t gawang mabuti. Ganito ba si kapatid na Eduardo V. Manalo? Suriin natin…

Masasabi bang malinis ang budhi ni kapatid na Eduardo V. Manalo nang pagmalupitan niya at patuloy pang pinagmamalupitan ang kaniyang sariling ina at mga kapatid sa laman mula nang pumanaw si kapatid na Eraño G. Manalo, nadamay pa ang kaniyang mga pamangkin at mga kasambahay nila, ang pamilya ng mga ministro, mga maytungkulin at karaniwang mga kapatid na itiniwalag dahil kinuwestiyon ang mga katiwalian at mga maling pagbabagong nasumpungan sa Iglesia at ang panggigipit niya sa kaniyang mga mahal sa buhay?  Masasabi bang malinis ang budhi niya nang suwayin niya ang mga ibinilin ni kapatid na Eraño G. Manalo patungkol kay Antonio “Jojo” de Guzman at patungkol sa kaniyang asawang si Babylyn Ventura Manalo? Kung hindi pagmamalupit at hindi pagsuway ang mga ginawa niyang iyon, ano ang tawag doon? Paglalapat lamang ba iyon ng katarungan at katuwiran, katulad ng ipinipinta ng kasalukuyang pamamahala sa isipan ng mga kapatid sa Iglesia? Makatarungan at makatuwiran ba ang ginagawa niyang panggipit sa sariling niyang mga mahal sa buhay pagkatapos na itiwalag dahil di-umano ay hindi nagpasakop sa kaniyang pamamahala? Mabuting gawa ba na pagkaitan niya ng maayos na tirahan ang naulilang pamilya ni kapatid na Eraño G. Manalo nang ipagiba niya ang tahanan at iba pang tuluyan na ipinatayo o ginugulan ng dating tagapamahalang pangkalahatan para sa kanila sa pagpanaw niya? Mabuti bang gawa na pagkaitan ang kaniyang ina ng pangunahing mga pangangailangan bilang naulila ng dating tagapamahalang pangkalahatan? Mabuting gawa ba na burahin sa isipan ng mga kapatid lalo na ng mga kabataan ang mga alaala ukol kay kapatid na Eraño G. Manalo?

Masasabi bang malinis ang budhi ni kapatid na Eduardo V. Manalo nang hayaan niyang malustay ang salaping matagal na panahong tinipon at sininop ng mga naunang namahala, tuloy ay humantong ang Iglesia sa kalagayang may bilyun-bilyong pisong pagkakautang at pagkakasanla ng maraming ari-arian? Hindi ba nagresulta ang paglustay na iyon ng madalas na pananawagan ngayon sa mga kapatid na pagtalagahan ang ukol sa handugan, bagay na hindi nangyari sa panahon ng mga naunang namahala? Sa mga ginawang ito ng pamamahala ni kapatid na Eduardo V. Manalo, masasabi bang taglay niya ang uri o ang mga katangian ng tunay pamamahalang dapat pagpasakupan at sundin ng Iglesia? Iiwan namin sa mga makababasa ang pagsagot sa mga katanungang ito.

Ano naman ang katangian ng pamamahala na dapat pakisamahan o pakipagkaisahan ng mga kapatid ayon sa pagtuturo ng mga Apostol batay sa nakasulat sa I Juan 1:3? Ayon kay Apostol Juan: Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo.” Samakatuwid, ang pamamahalang dapat pakisamahan o pakipagkaisahan ay iyong kung ano ang nakita at narinig sa naunang mga namahala sa kaniya ay iyon ang ibinabalita, katumbas ng iyon ang kaniyang itinuturo at ipinatutupad. Ganito ba si kapatid na Eduardo V. Manalo?  Suriin natin…

Tumalakay tayo ng ukol sa doktrina. Itinuro ba ng kapatid na Felix Y. Manalo at ng kapatid na Eraño G. Manalo na ang “Sugo” o pagsusugo ay “incidental” lamang?  Iyon na kasi ang pagtuturo ngayon ni kapatid na Eduardo V. Manalo na ipinarinig pa sa buong Iglesia sa isang webex. Kung itinuro nila, kailan nila itinuro iyon? Suriin natin, ano ba ang kahulugan ng salitang “incidental”?

in·ci·den·tal (adjective)

  • accompanying but not a major part of something. synonyms: less important,     secondary, subsidiary, minor, peripheral

       source:   https://ca.search.yahoo.com/yhs/search

  • happening or likely to happen in an unplanned or subordinate conjunction with something else.

       source:   http://www.dictionary.com/browse/incidental

Batay sa mga talatinigang ito, ang “incidental” ay nangangahulugang less important o hindi gaanong mahalaga, secondary o segundaryo lamang, accidental o hindi sinasadya, coincidental o nagkataon lamang, o unplanned o hindi ipinanukala o hindi binalak. Hindi ba gaanong mahalaga, segundaryo lamang ba, hindi ba sinadya, nagkataon lamang ba, hindi ba ipinanukala o hindi binalak ang pagsusugo? Hindi ba batbat ng hula sa Biblia ang ukol sa pagsusugo sa mga huling araw na ito (Isaias 41:9-10; 43:5-6; Apocalipisis 7:2-3, at marami pang iba) kaya maling sabihin na ito ay “incidental” o hindi sinadya, nagkataon lamang, at hindi ipinanukala? Nilinaw din sa Biblia na hindi makapangangaral ang hindi isinugo (Roma 10:15),  at kung paanong napakahalaga ng aral ay napakahalaga rin ng kahahalan ng mangangaral na isinugo. Hindi mapaghihiwalay ang kahalalan ng mangangaral at ang dalisay na aral. Kaya maling sabihin na “incidental” lamang o hindi gaanong mahalaga, o segundaryo lamang ang “Sugo” o ang pagsusugo.

Tatanggapin kaya ni kapatid na Eduardo V. Manalo kung sa kaniya sabihin na “incidental” lamang ang kaniyang pagiging tagapamahalang pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo kung ang pag-uusapan ay pangangaral ng ebanghelyo? Kung ang batayan niya sa pagsasabing “incidental” lang ang “Sugo” o ang pagsusugo ay ang sinabi ni kapatid na Felix Y. Manalo sa kaniyang pagtuturo noong siya ay nabubuhay pa na “hindi si Manalo ang mahalaga kundi ito (na ang itinuturo niya ay ang Biblia o ang mga salita ng Diyos) ay mali ang pagkaunawa niya.  Hindi ang tinutukoy ni kapatid na Felix Y. Manalo ay ang pagiging sugo niya, kundi ang kaniyang sarili, ang kaniyang pagiging tao o pagkatao. Pero ang pagkasugo niya, tiyak na hindi niya sasabihing hindi mahalaga sapagkat kaloob ng Diyos sa kaniya ang kahalalang iyon. Kung paanong sa Diyos galing ang mga salita na ipinangaral niya, sa Diyos din galing ang kaniyang kahalalan bilang sugo sa pangangaral ng ebanghelyo tulad din ng Panginoong Jesucristo at ng mga Apostol sa panahong Cristiano. Sa mga huling araw nga lang ang panahon ng pagkasugo niya.  Kapuwa mahalaga ang “Sugo” at ang ebanghelyo o ang mga aral na kaniyang itinuro.

Kung tanggap ni kapatid na Eduardo V. Manalo na “incidental” lamang ang pagiging tagapamahalang pangkalahatan niya batay sa ipinahayag ni kapatid na Felix Y. Manalo at sa talagang ibig niyang ipakahulugan, dapat ay sawayin niya ang mga nakapaligid sa kaniya, ang lahat ng mga ministro at mga manggagawa, at lahat ng mga kapatid na buong kagalakan at pagmamalaking nagpapahayag na “si kapatid na Eduardo V. Manalo ang pinakamahalagang tao sa buong mundo.” Kapag hindi niya sila sinaway ay katumbas iyon na tinatanggap niya ang papuri at pagpaparangal na iyon at para na niyang sinabi na si kapatid na Felix Y. Manalo bilang tao ay “incidental” lamang pero siya ay hindi, na si kapatid na Felix Y. Manalo ay hindi mahalaga, pero siya ay mahalaga, at napakahalaga. Ito ba ang doktrina o aral na narinig niya kay kapatid na Felix Y. Manalo at kay kapatid na Eraño G. Manalo na dapat tanggapin at panghawakan ng mga kapatid ngayon? Ang pamamahala bang nagtuturo ng iba sa itinuro ng mga naunang namahala sa Iglesia ang dapat pakisamahan o pakipagkaisahan ng mga kapatid upang magkaroon ng pakikisama o pakikipagkaisa sa Ama at sa anak?

Tumalakay naman tayo ng tuntunin at patakaran na ipinatutupad sa Iglesia ngayon. Itinuro ba ni kapatid na Felix Y. Manalo at ni kapatid na Eraño G. Manalo na dapat itiwalag ang mga nag-ulat, pumuna, at nanguwestiyon sa nagaganap na katiwalian o anomalya sa Iglesia? Kasi sa pamamahala ni kapatid na Eduardo V. Manalo, ito ang kaniyang ipinatutupad. Hindi na mabilang ang mga ipinatiwalag niya na mga nanguwestiyon sa mga nagaganap na katiwalian sa Iglesia, pami-pamilya pa ang pagtitiwalag, pangunahin nga ang pamilya ng yumaong tagapamahalang pangkahalatan.  Hindi ba ang turo ni kapatid na Felix Y. Manalo at ni kapatid na Eraño G. Manalo ang dapat itiwalag ay ang masasamang kasamahan o kaanib sa Iglesia, sapagkat iyon ang aral na nakasulat sa Biblia (I Corinto 5:13). Masama bang ibunyag o isiwalat ang anomang gawa ng kadiliman kung may masumpungan sa Iglesia? Hindi ba doktrina ito na malinaw na nakasulat sa Biblia? Itinuro ni Apostol Pablo na “ At huwag kayong makibahagi sa mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain (Efeso 5:11) o ibunyag (MB). Sa panahon ng mga unang namahala, sila ang unang nagdaramdam kapag may natitiwalag sa Iglesia dahil nalalagay sa panganib ang kanilang kaluluwa. Ngayon ang mga itiniwalag na inakusahang lumalaban sa pamamahala ay itinuturing nang kaaway at itinatagubilin pa na layuan at kasuklaman, kinakantiyawan, pinanganganlan o binabansagan ng kung anu-ano at ipinapanalangin pa ang kanilang kapahamakan maging sa panahon ng mga pagsamba.  Sa kabila nito ay ipinangangalandakan ng kasalukuang pamamahala na kaisa siya ng mga naunang namahala sa kaniya.

Ano naman ang katangian ng pamamahala sa Iglesia na dapat kilalanin ng bawat kaanib? Balikan natin ang isinasaad sa I Corinto 6:4 at ituloy natin ang pagbasa sa kasunod na mga talata. 4Kung may mga usapin kayo, bakit ninyo ito idinudulog sa mga taong hindi kinikilala ng iglesya? 5Dapat kayong mahiya! Wala bang isa man lang sa inyo na marunong mag-ayos ng awayan ng magkakapatid? 6Bakit nagsasakdal kayo sa hukuman, kapatid laban sa kapatid, at sa harap pa naman ng mga hindi mananampalataya?Ang tunay na pamamahalang galing sa Diyos na dapat kilalanin ng Iglesia ay iyong marunong mag-ayos ng awayan ng magkakapatid (hindi nang-aaway ng mga kapatid). Ganito ba si kapatid na Eduardo V. Manalo? Si Apostol Santiago (Alfeo) na namahala sa panahon ng unang Iglesia ay nagpakita ng kakayahan na umayos ng mabigat na suliranin na bumangon noon.  Nagkaroon ng di kaunting pagtatalo at pagtutuligsaan sa pagitan ng ilang mga kapatid na nanggaling sa Judea at nila Apostol Pablo at Bernabe, dahil may pinuna sila tungkol sa pag-anib ng mga Hentil sa Iglesia. Dahil sa hindi malunasan ang pagtatalo ay ipinasiya nila Apostol Pablo at Bernabe na dalhin ang usapin sa Jerusalem, sa paanan ng mga Apostol. Sa pulong sa Jerusalem ay pinakinggan ang magkabilang panig at pagkatapos ay nagbigay ng hatol si Apostol Santiago na lumutas sa malaking suliranin (Gawa 15:1-19). Ano ang katangian ni Apostol Santiago, kaya kahit na mabigat ang naging suliranin ng Iglesia ay nalunasan niya? Hindi siya nag-iisa sa pagpapasiya, pinatnubayan siya ng Espiritu Santo. Nangagalak dahil sa pagkaaliw ang Iglesia nang matanggap ang hatol o pasiya ng tagapamahalang pangkalahatan (Gawa 15:28-31),  sa ganito ay napanatili ang katiwasayan at kapayapaan ng Iglesia.

Ano ang sinasabi ni Apostol Pablo kapagka ang usapin sa Iglesia ay hindi malunasan o maisaayos? Sa talatang 5 ay sinabi niya na, “Dapat kayong mahiya! Wala bang isa man lang sa inyo na marunong mag-ayos ng awayan ng magkakapatid?” Hindi ba nalagay sa kahihiyan ang Iglesia dahil sa hindi nalunasang sigalot sa Iglesia sa pagitan ng mga pinupuna at pumupuna sa mga nagaganap na katiwalian at iba pang kasamaan sa Iglesia? Ano ang isang nakahihiyang nangyari sa Iglesia ngayon? Iyong sinasabi sa talatang 6 na, “Bakit nagsasakdal kayo sa hukuman, kapatid laban sa kapatid, at sa harap pa naman ng mga hindi mananampalataya?” May pangyayari ba sa panahon ng mga naunang namahala na nakaladkad sa mga hukuman ang usapin ng Iglesia? Hindi ba ngayon lang nangyari ito? Bakit humantong sa hukuman ang mga usapin? Dahil nga hindi nagawa ng kasalukuyang pamamahala na lunasan o ayusin ang naging gusot o sigalot sa Iglesia, sa halip ay napalala pa ng kaniyang naging mga pagpapasiya at paghatol. Itiniwalag ang mga pumupuna at nagtatanong sa pag-aakala na iyon ang tatapos ng sigalot. Sa halip na kausapin, o pagharapin ang mga kapatid na nagkaroon ng pagkakaalit sapagkat iyon naman ang aral ukol sa magkapatid na nagkaalit (Mateo 18:15-17), hindi idinaan sa prosesong ito kundi walang patumanggang iginawad ang hatol na pagtitiwalag.

Nakalulungkot na ipinipinta ni kapatid na Eduardo V. Manalo at ng mga kapanalig niya sa isip ng mga kapatid na ang ginawang pananawagan ng kaniyang ina at nakababatang kapatid sa You tube ay pagdadala ng usaping pang-Iglesia sa labas ng Iglesia, dapat daw ay sa kinikilala sa Iglesia o sa pamamahala dinala, kaya sila itiniwalag. Kapatid na Eduardo, hindi ba nagpilit nga ang inyong ina at mga kapatid na makausap kayo pero hindi ninyo pinansin. Hindi ba sa inyo rin unang idinulog ng mga ministro ang mga napunang mga maling pagbabago sa Iglesia at ang mga katiwaliang nasumpungan? Ayaw lang kasi ninyong makinig sapagkat ang paniniwala ninyo dahil kayo na ang tagapamahalang pangkalahatan kaya kayo na ang masusunod sa anomang nais ninyong ipatupad sa Iglesia, kahit iba at salungat pa sa ipinatupad ng mga naunang namahala. Kung pagsasakdal sa hukuman ang pag-uusapan, hindi ba ang inyong pamamahala ang unang naghain ng reklamong libelo laban kay kapatid na Isaias Samson, Jr. pagkatapos na siya ay itiniwalag ninyo, sa katuwirang hindi na siya kaanib sa Iglesia kaya puede nang idemanda? Ang paghahain ni kapatid na Isaias Samson ng kasong “serious illegal detention” laban sa mga miyembro ng Sanggunian ay bunga ng ginawang panggigipit sa kaniya at sa iba pang mga ministro. Ang malinaw na inihahayag sa mga pangyayaring ito ay wala nang patnubay ng Espiritu Santo ang kasalukuyang pamamahala dahil kung mayroon, katulad ng naganap sa unang Iglesia sa panahon ng mga Apostol, nalunasan kahit pa ang napakabigat na suliraning bumangon dahil pinatnubayan sila ng Espiritu ng Diyos.

Mga kapatid ang panghawakan nating matibay ay ang mga aral na itinuro o narinig natin kay kapatid na Felix Y. Manalo at kay kapatid na Eraño G. Manalo upang huwag tayong maligaw (II Tesalonica 2:15). Hindi nakapagtataka  na sa ating panahon ay may mga humiwalay sa mga wastong katuruan upang sundin ang kanilang hilig, at ang hinahanap na mga tagapagturo ay iyon lamang ibig nilang marinig sapagkat ipinagpauna na iyon ng mga Apostol (II Timoteo 4:3-4). Kung ang panghahawak natin sa aral na itinuro ng sugo at ng kapatid na Eraño G. Manalo ay magiging dahilan ng pag-uusig at panggigipit sa atin ng kasalukuyang mga namiminuno, tularan natin ang ginawang paninindigan ng mga apostol nang ipinahayag nila sa harap ng mga  umuusig sa kanila na, “dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao.” (Gawa 5:29).

– Minister of the Gospel

HUWAG TAYONG PUMAYAG NA MALIGAW

” AKING IPINAHAHAYAG NA AKO AT ANG AKING MGA KASAMANG MINISTRO SA EGM AY WALANG KINALAMAN SA GRUPONG HUMIWALAY NA SA TUNAY NA IGLESIA. NANININDIGAN KAMI SA NAKASULAT SA BIBLIA NA IPINANGARAL NG KAPATID NA FELIX Y. MANALO AT NG KAPATID NA ERAÑO G. MANALO NA ANG IGLESIA NI CRISTO SA MGA HULING ARAW AY HINDI NA MATATALIKOD (bagamat may mga tatalikod), SUBALIT ITO’Y MAGDARAAN SA MATINDING PAGSUBOK NA ITO NGA ANG MATINDING KASAMAAN NA NAGAGANAP NGAYON SA IGLESIA NA DULOT NG MGA MASASAMANG NANGANGASIWA. ” 

Alam ng nakararami na iniiwasan ko ang paggamit ng social media lalo na kung ito ay tungkol sa pagsisiraan at pagbibintang sa akin. Gayunpaman, may mga tunay na defenders na nagmamalasakit sa akin na nagpapadala ng mga FB screen shot ng mga postings ng paninira sa akin. Sa pagkakatanda ko ay minsan lang akong napilitan na sumagot, at ito ay noong ako ay pinagbintangan na “mole” daw ng Central upang sirain at maghasik ng pagkakabaha-bahagi sa mga defenders. Bagamat may ilan na di tumigil agad ng paninira sa akin ay minarapat ko nang huwag nang sumagot pa sapagkat sapat na sa akin na naihayag ko ang katotohanan at ang pawang katotohanan lamang. Sa awa ng Diyos, marami ang naliwanagan at ang paninira ay unti-unting napawi subalit ngayon ay muling bumangon ang paninira sa akin sapagkat ako naman ngayon ang pinagbibintangan na sumisira sa H20. Marahil, kaya nila ako pinagbibintangan ay sapagkat nagkataon na bago uminit ang isyung ito ay pinagsabihan ko ang mga nangangasiwa sa H20 na huwag itong ikampanya sa panahon ng mga pagpapanata sapagkat ang pakiramdam ng maraming dumadalo ay parang nasa pagsamba sila na walang ginawa ang mga Owe na ministro kundi ikampanya ang abuluyan at handugan. Sinabi ko pa na ang ginagawa nilang paggamit sa 36 TS sa paghingi nila ng donation ay gagamitin ng mga Owe upang pagbintangan at sisihin ang magkapatid na naninirahan doon. Sinabi ko rin sa kanila na bagamat ayaw kong makialam sa pondo ng H20 ay gawin sana nilang transparent ang paghawak nito at makatutulong kung bibigyan nila ako ng information tungkol sa mga pinaggugugulan nito upang masabi ko sa mga nagdududa na maayos ang pangangasiwa sa naturang pondo. Subalit sa halip na sila ay makinig sa payo ay pinag-usapan nila sa kanilang group chat na hindi raw ako dapat humingi pa ng information at pinalabas pa nila ang isang isyu na ang “magkakapatid” raw mismo ang nag-o-audit nito. Gayunpaman, minarapat ko pa ring hindi patulan ang mga paninira manapa ay pinagbilinan ko pa ang mga defenders na huwag nang makisawsaw at sumama sa pagsasagutan. Gayunpaman, ang layunin ng artikulong ito ay hindi upang pahabain pa ang isyu tungkol sa H20 ni upang ipagtanggol ang aking sarili mula sa mga mapanira, manapa ang tatalakayin ko ay ang nangyayari ngayon na lalong malaking panganib sa kaluluwa ng mga defenders.

Sa isang posting ni Liezl Diaz Deocampo ay sinabi niya na, “It’s time for us to leave the OWE Church behind (ang tinutukoy ay ang INC) and (to) move on towards the true service expected from us by our Lord and by our God.” Sa isa naman nilang text blasts ay ganito ang kanilang ipinakakalat: “It is better for the silent defender to leave OWE because their worship service is abomination to God.”

attachment-1-1

Ito na rin ang dati nang ipinakakalat at ngayon ay patuloy na ikinakalat ng mga ministrong nangunguna at nangangasiwa sa kanila sa ginagawa nilang pagtatatag ng mga live na pagsamba (at may Sta. Cena pa), at maging sa ilan nilang FB postings. Sinasabi nila na ang mensaheng ito ay ang mismong nilalaman ng “tagubilin” sa kanila. Kung ito ay totoo ay kapansin-pansin ang isang napakalaking pagkakaiba sa “tagubilin” at sa kanilang ipinakakalat. Sa “tagubilin” ay walang karugtong na “Church” ang “Owe” samantalang sa kanilang ipinakakalat ay na-emphasized nila na dapat ay layuan o iwan na ang “Church” o ang Iglesia. Ang paghikayat na ginagawa ng grupong ito sa mga kapatid na paghiwalay sa Iglesia ay pagtuturo ng pagtalikod. Samakatuwid, ang dati nilang ipinangangalandakan na restoration ay naging separation.

Ang nangyayari ngayon, kung sinasabi man nila na sila ay sa restoration pa rin ng Iglesia ay may contradiction sa kanilang sinasabi at nabigyan nila ng ibang pakahulugan ang salita sapagkat ang restoration (na nangangahulugang to repair or renovate) ay dapat sa Iglesia o sa loob gawin at hindi sa labas na gaya ng kanilang ginagawa ngayon. Ito ang dahilan kaya sama-sama tayong lahat sa paglalantad ng mga maling gawain sa Iglesia sa layuning magkaroon ng pagbabago at ito ay maibalik sa kaayusan at kabanalan (restoration). Ang dahilan ng mga nagsusulong ng “separation” ay, “the services they (the OWES) do is an abomination … (thus) members should get out of the untrue and the abominable.” Totoong maraming mga ministro at mga kaanib na OWE ang “untrue” at ang kanilang mga gawain ay “abominable” o kasuklam-suklam, subalit ang Iglesiang katawan ni Cristo ay namamalaging “true” o tunay at hindi kasuklam-suklam sa Diyos sapagkat ito ay nilinis ng dugo ni Cristo. The premise they use to justify their action is extremely faulty, unscriptural and dangerous. Faulty, because the abomination of the OWE ministers and members does not necessarily render the only true Church false. For hundreds of years, Israel was led by many evil leaders and kings many of whom have tried to mislead the Israelites, but they remained as God’s chosen people until the time that the whole Israel turned away from God. Tandaan natin ang doktrina na ang Iglesia ay ang “kulungan” ng mga tupa. Ang kumukulong sa mga tupa ay ang mga aral ng Diyos. Bagamat maraming mga tupa na nailigaw (owe members) ng mga “upahang pastol” (OWE ministers) ay di nangangahulugan na ang kulungan ay wala nang kabuluhan at lahat ng naiwang mga tupa sa loob ng kulungan ay dapat na ring palabasin. Ang itinuturo ng grupong ito na ang buong Iglesia ay naitalikod na ay “unscriptural,” sapagkat ito ay tahasang paglabag sa doktrinang itinuro ng Sugo, ang Kapatid na Felix Y. Manalo, at ng Kapatid na Eraño G. Manalo. Nakasulat sa mga hula ng Biblia na ang Iglesia Ni Cristo ang huling grupo o bahagi ng Iglesia, (wala nang ika-apat), na aabutan na ng Araw ng Paghuhukom kaya hindi na ito matatalikod (Zech. 13:7-9; Gawa 2:39; Apoc. 14:12-15). Ito ang dahilan kaya maging ang grupong ito ng mga tinatawag na mga “defenders” ay dating bukang bibig ang katagang “Restoration” subalit ngayon, sa aminin man nila o hindi, ay hinihikayat na nila ang kanilang mga kasama at ang iba pang mga kaanib na humiwalay (separation). Ito ay “dangerous” sa mga napapaniwala (nadaya) nila sapagkat ang pagsunod sa maling aral ay mangangahulugan ng kapahamakan sa Araw ng Paghuhukom.

Kaya raw kailangan ang live na pagsamba na may kalakip na salaping handog at pagbabasbas ay dahil kulang raw at di maituturing na pagsamba sa Diyos o pagtitipon ang ginagawang EGM ng mga defenders kung wala ang mga ito. Mali ba ang sinabi ng mga apostol sa I Cor. 14:26 at 15 na ang pagkakatipon ay binubuo ng pag-awit, pananalangin, at pagtuturo ng mga salita ng Diyos? Ang nakakatulad ng ating pagsamba ngayon ay ang pagsamba ng mga kauna-unahang lingkod ng Diyos na bagamat walang handog na salapi ay may handog naman sila na mga hayop na susunugin. Ang atin namang handog ngayon ay ang ating sarili na buhay at kaaya-aya “na siyang katampatan nating pagsamba” sa Diyos (Roma 12:1). Hindi man itinataas ng ministro ang kaniyang mga kamay sa pangangasiwa ng EGM ay tinatanggap pa rin ng mga dumadalo ang basbas ng Diyos lalo na sa panahon ng pananalangin at ito’y pinatutunayan ng malakas Niyang kapangyarihan na nararanasan ng mga dumadalo.

Sa pamamagitan ng artikulong ito ay

AKING IPINAHAHAYAG NA AKO AT ANG AKING MGA KASAMANG MINISTRO SA EGM AY WALANG KINALAMAN SA GRUPONG HUMIWALAY NA SA TUNAY NA IGLESIA. NANININDIGAN KAMI SA NAKASULAT SA BIBLIA NA IPINANGARAL NG KAPATID NA FELIX Y. MANALO AT NG KAPATID NA ERAÑO G. MANALO NA ANG IGLESIA NI CRISTO SA MGA HULING ARAW AY HINDI NA MATATALIKOD (bagamat may mga tatalikod), SUBALIT ITO’Y MAGDARAAN SA MATINDING PAGSUBOK NA ITO NGA ANG MATINDING KASAMAAN NA NAGAGANAP NGAYON SA IGLESIA NA DULOT NG MGA MASASAMANG NANGANGASIWA.

Sinasampalatayanan namin na ang Diyos ang magbibigay wakas sa mga masasamang lider nito at sa kanilang masasamang mga gawa upang ang Iglesia ay maibalik sa kaayusan at kabanalan. Sumasampalataya rin kami na itinulot ng Diyos na malagay kami sa ganitong kalagayan na itinakuwil ng kasalukuyang pamamahala upang pangalagaan ang mga  tunay na defenders upang sila ay mamalaging masunurin at namumuhay ng ayon sa mga aral ng Diyos at pagdating ng araw na ang Iglesia ay maibalik na sa kaayusan at kabanalan ay pangungunahan namin ang mga tunay na defenders na itinakuwil ng kasalukuyang pamamahala sa pagbabalik sa tunay na Iglesia upang patuloy na maghanda para sa kaligtasan.

 Sa lahat ng mga “silent defenders,” hindi po namin kayo hinihikayat na kusang humiwalay sa Iglesia. Hinihikayat namin kayong ipagsanggalang ang Iglesia sa paraang manindigan kayo sa tama at huwag sumunod sa maling itinuturo ng mga naligaw na ministro. Kung kayo’y itiwalag at alisin sa talaan ng Iglesia dahil sa inyong paninindigan, so be it. Sampalatayanan ninyong iyon ay itinulot na ng Diyos gayunpaman, hindi Siya ang nagtiwalag sa inyo sapagkat labag sa Kaniyang aral na ang itiwalag sa Iglesia o alisin sa talaan ay ang naninindigan sa tama at sumasalungat sa masama I Cor. 5:13  Ang dapat alisin o itiwalag ay ang gumagawa ng masama. Dahil dito, manalig kayo na hindi Niya kayo pababayaan.

 Sa lahat ng mga defenders, maging matiyaga tayo at huwag mawawalan ng pag-asa. Ang pakikibaka natin sa kasamaang naghahari sa Iglesia ay gawain ng Diyos kaya ilagak natin sa Kaniya ang ating lubos na pagtitiwala. Inaasahan Niya na ipagsasanggalang natin ang Iglesia kaya patuloy natin na ilalantad ang masasamang ginagawa ng mga ministro at mga kaanib na OWE na sumisira sa Iglesia subalit huwag tayong pumayag na ito ay mauwi sa paghiwalay o pagtatatag ng panibagong Iglesia. KAAWAAN NAWA NG ATING PANGINOONG DIYOS ANG ATING MGA KALULUWA.


LET US NOT BE DECEIVED

” I SOLEMNLY DEPOSE AND SAY THAT WE THE MINISTERS IN-CHARGE OF EGM HAVE NOTHING TO DO WITH THE GROUP OF THE SO-CALLED DEFENDERS THAT PROMOTES SEPARATION FROM THE TRUE CHURCH.         WE FIRMLY STAND BY WHAT IS WRITTEN IN THE BIBLE AND PREACHED BY BROTHER FELIX Y. MANALO AND BY BROTHER ERAÑO G. MANALO THAT THE IGLESIA NI CRISTO IN THESE LAST DAYS WILL NO LONGER BE TURNED AWAY (although there are members who did and who will), BUT IT WILL UNDERGO EXTREME TRIALS LIKE THE WICKEDNESS THAT NOW PREVAIL IN THE CHURCH BROUGHT ABOUT BY ITS EVIL LEADERS. 

Most of those who know me are aware of the fact that I avoid indulging in social media especially when it involves bashing each other and accusations against me. Nevertheless, there are defenders who truly care and send me screen shots of FB postings that intend to malign me. As far as I remember, there was only one instance that I was forced to answer allegations primarily the accusation that I am a “mole” planted by the Central administration to sow division among the defenders. Although there were bashers who did not stop immediately, I decided to ignore them for I considered it sufficient  that I was already able to expose the truth and nothing but the truth. With God’s help, many were enlightened by my answer and the false accusations slowly died down until the H20 issue became a hot issue, with the same group of the so-called defenders accusing me of wanting to destroy the H20 fund. Perhaps, it is because before this issue came out, I have told those handling the H20 fund not to campaign for it during the online devotional prayers because many attendees feel that as if they are attending the worship services officiated by Owe ministers who relentlessly campaign for monetary offerings. I also told them that using 36 TS in asking for donations will create a ripple among the defenders and will be used by the OWES to accuse the TS occupants of being behind the solicitation campaign. Likewise, I told them that although I don’t want to get involved with the fund raising, there is a need for them to be transparent in handling it and that it would help their campaign if they will at least provide me with the information on how and where the fund is being used so that I can assure the donors that everything is alright. But instead of heeding my advice, they began to question my intention telling everyone in their group chat that I should not ask for a report on the expenses claiming and spreading an issue that the “siblings” themselves are the ones auditing it. Nevertheless, I decided not to answer back and even told the defenders not to get involved with the issue and and answer back the accusations. Thus, the main purpose of this article is neither to prolong the H20 fund issue nor to defend myself from accusations, but to discuss a more pressing subject that once not addressed will truly endanger the souls of many defenders.

In one of the FB postings of Liezl Diaz Deocampo, she said, “It’s time for us to leave the OWE Church behind (referring to the INC) and (to) move on to the true service expected from us by our Lord and by our God.” In one of their text blasts, they said: “It is better for the defenders to leave OWE because their worship service is abomination to God.” This is what the ministers leading them have all along been spreading, be it in their live worship services or in establishing them, and even in their FB postings. They claim that this message is an “instruction” given to them.

attachment-1-1

If what they claim is true, why is there a glaring difference between the “instruction” and what they actually say? Why is there no mention of “Church” after the word OWE in the instruction yet in their postings they emphasize that the defenders and members should leave the Church behind? What they’re doing is equivalent to apostasy. Their long cry for Church restoration has become separation from the Church. If they insist that they are still after the restoration of the Church, then they have given a new meaning to the word. Restoration (which means to repair or renovate) should be done to the Church or inside and not outside it. This is the reason we used to be united in exposing the wickedness in the Church because we all wanted changes for the Church to be restored. The reason they give for openly advocating separation is that, “the services they (the OWES) do is an abomination … (thus) members should get out of the untrue and the abominable.” Indeed, many church leaders, ministers and members are untrue and their works are abominable, but the Church which is Christ’s body remains true and clean in the sight of God having been cleansed by Christ’s blood. The premise they use to justify their action is extremely faulty, unscriptural and dangerous. Faulty, because the abomination of the OWE ministers and members does not necessarily render the only true Church false. For hundreds of years, Israel was led by evil leaders and kings who tried to mislead the Israelites, but they remained as God’s chosen people until the time that the whole Israel turned away from Him. We need to remember the doctrine that the Church is the fold or the sheep pen and what enfold the sheep are the words of God. Although there are now many “lost sheep” (the owes) led astray by their shepherds who are “hirelings” (owe ministers), it does not mean that the fold or the sheep pen has lost its value and that the remaining sheep within should be led or driven outside. What this group claim that the whole Church has been turned away from God is “unscriptural” because it goes against the doctrine of God taught by God’s last messenger, Brother Felix Y. Manalo and by Brother Eraño G. Manalo. It is written in the prophecies that the Iglesia Ni Cristo is the third group or the last of the three groups (no more 4th group) that will comprise the whole Church, thus, it will last until Judgment Day and will no longer be turned away (Zech. 13:7-9; Acts 2:39; Rev. 14:12-15). This is they reason, even the said group of defenders used to advocate restoration but now, whether they accept it or not, promotes separation. “Dangerous” indeed, because the members they have convinced (or deceived) are in danger of eternal destruction on the Day of Judgment.

They say that “Live worship service” with monetary offerings and benediction is needed because our EGMs lack these portions, thus, could not be considered a true worship or meeting of true Christians. Does it mean then that the apostles were wrong in teaching that the true Christian meeting is composed of hymn singing, prayers and preaching of God’s words (I Cor. 14:26 & 15)? Our worship of God now is like the worship rendered by the very first servants of God who did not have monetary offering yet had unblemished animals offered in their worship of God. Because of our present situation and condition, we offer to Him “our bodies as living sacrifices, holy and pleasing to God—which is (our) spiritual worship” (Rom. 12:1). We, the ministers, may have not been raising our hands for benediction during our EGMs but we receive God’s blessings especially during our prayers as evidenced by the outpouring of His immense power felt by the attendees.

Through this article of mine, I SOLEMNLY DEPOSE AND SAY THAT WE THE MINISTERS IN-CHARGE OF EGM HAVE NOTHING TO DO WITH THE GROUP OF THE SO-CALLED DEFENDERS THAT PROMOTES SEPARATION FROM THE TRUE CHURCH. WE FIRMLY STAND BY WHAT IS WRITTEN IN THE BIBLE AND PREACHED BY BROTHER FELIX Y. MANALO AND BY BROTHER ERAÑO G. MANALO THAT THE IGLESIA NI CRISTO IN THESE LAST DAYS WILL NO LONGER BE TURNED AWAY (although there are members who did and who will), BUT IT WILL UNDERGO EXTREME TRIALS LIKE THE WICKEDNESS THAT NOW PREVAIL IN THE CHURCH BROUGHT ABOUT BY ITS EVIL LEADERS.

We firmly believe that it is God who will put an end to these wicked leaders and their wicked deeds to restore the Church. We also believe that the reason God allowed us to be displaced by the present Church administration is for us ministers to take care of the spiritual welfare of the true defenders and see to it that they remain obedient and live by God’s teachings so that when the time of restoration has come, we will lead them back to the true Church to continuously prepare for salvation.

To all “silent defenders,” we do not enjoin you to separate from the Church but to defend it by means of standing by what is right and to never follow instructions from evil ministers that go against the true doctrines we have received. If you will be delisted or expelled by them for defending and standing by the truth, so be it. Believe that God allowed it to happen, however, it wasn’t Him who expelled or delisted you because it is against His law to expel those who expose the wicked and the wickedness, but only those who are evil, I Cor. 5:13. Thus, believe that He will never forsake you.  

To all defenders, be patient and never lose hope. Our struggle against the wickedness in the Church belongs to God, thus, we should put our complete trust in Him. He expects us to defend the Church which is why we should continue to expose the works of darkness that destroys the Church committed by the OWE ministers and members but we should never allow our actions to lead us to separation or to establishment of a separate Church. MAY OUR LORD GOD HAVE MERCY ON OUR SOULS. 

 

– Isaias T. Samson Jr.

 

 

THE DEFAMATION CASE FILED AGAINST BROTHER ISAIAS T. SAMSON, JR

It is a known fact that filing cases of libel has become the very  tool of the Church leadership to silence the defender-ministers and intimidate the rest from continuously exposing the very reason the Church is now in a state of disarray. They have tried everything to arrest what is considered the most serious problem that has ever beset the Church, from intimidation, interrogation, harassment, and the worst, expulsion. As if all these oppressive actions are not sufficient, they have also used and continue to use the pulpit and the sanctity of the place of worship and the worship service itself to denounce the defender-ministers calling them names like “fallen angels,” “enemies of the Church,” etc., intended to discredit or demonize them. But all these desperate moves have failed miserably to dampen the spirit of the defenders, thus, these church leaders have resorted to filing libel cases against their intended victims at various places in the Philippines. Having convinced themselves or more appropriately, fully disillusioned  that their action is effective, they have started exporting such action to the United States of America and one of their main targets has been your humble servant.

They saw an opportunity and found a flimsy excuse to file a Defamation case against me when I tried to obtain a Restraining Order against Regalado delos Reyes to stop him from harassing and inconveniencing us and those whom they suspect are helping us by ordering some zealots members to stalk me and my family. Although the neighborhood where we are has only one Filipino family residing and that’s us, there were several occasions that we saw Filipinos with their cars parked nearby watching our place and then hurriedly leaving when seen. There was also an occasion when our newly installed gate was forcibly opened and destroyed (all these are in the local Police records). They also took our pictures without permission like what Anthony Darling of LA locale and Jewel Tonggol (previous minister of Riverside locale) did in two separate venues and occasions. Although my lawyer and I knew that the application for a restraining order would not prosper, we still pushed through with it for the sole purpose of letting the OWE ministers realize that what they’ve been doing in the Philippines, harassing their targets, cannot be pursued in USA because there are laws that give protection to everyone. However, they immediately filed what is considered a “Retaliatory case” (Defamation case) against me. They were so much in a hurry that even before my application for a Restraining Order was heard, while we were at the Courthouse and right before the very eyes of many people, they handed me the summon to apparently embarrass me.

In an apparent attempt to mislead the Court, they used as their basis a short portion of the article I wrote which was published by the incdefenders.org entitled “WHAT THE CONTINUED HARASSMENT EMPLOYED AGAINST THE EXPELLED MEANS.” It is the portion where I said: “Now, he continues his oppressive work here in America by using resident ministers and fanatic members to harass us so that he can boast of his ‘accomplishments’ and bring joy to those who are in the Central Office.” This statement is what they claim defamatory in nature. They also took advantage of the case to threaten WORDPRESS and GO DADDY to reveal informations on incsilentnomore and incdefenders or else, face legal actions. This led me to file a Special Motion To Strike Plaintiff’s Complaint (Anti SLAPP Motion) which was upheld by the Riverside Court that led to their humiliating defeat.

HERE IS THE FULL ARTICLE I WROTE WHICH                                                                        THEY TRIED TO USE AGAINST ME:


WHAT THE CONTINUED HARASSMENT EMPLOYED AGAINST THE EXPELLED MEANS (Originally posted in incdefenders.org)

Recently, District Ministers, three from the Philippines (two from Luzon and one from Mindanao), and two from USA sent me a disturbing information. I will not mention which part of the US they are currently assigned so as not to compromise them for there are but a very few ecclesiastical district in America. I thank God that until now, they still care for me and for the defenders despite the fact that they’ve been placed in high positions in the Church. I also thank God for they are able to hide from their superiors their being silent defenders. It’s also from them that I learned that the number of the District Ministers and ministers who are silent defenders is increasing rapidly because they could no longer stomach what they are instructed to do especially the harassment of brethren who are being investigated and the “threats” they employ on ministers who fail to make their suspects admit their “guilt.” They say, the only thing that prevents them from exposing themselves is their fear of harassment like what they did to me and to other ministers who were unjustly expelled and are continuously hunted, persecuted and oppressed.

They informed me that a Webex participated by all the District ministers was held where they received instruction that all those who are and had been close to me, ministers who were “positioned” when I was still the head of the Foreign Mission Office, those who made me their wedding sponsor, my close friends and acquaintances, must all be harshly questioned (interrogated), and expelled if need be. They should also be asked, whose side they’re on, the Administration’s or Jun Samson’s? While I was finalizing this write up, a minister teaching at CEM gave me a call and told me that the reason I and those whom they suspect are helping me, are continuously harassed, is in order to force me into a most difficult situation, that will lead to my “surrender.”

WHY DO THEY INTENSIFY THE OPPRESSION OF THE EXPELLED AND THOSE WHO ARE CLOSE TO THEM?

What the continues oppression of the expelled mean:

  1. That, they no longer believe in the doctrine that expulsion is the gravest punishment that could ever be meted out to a member of the Church. That, they believe that to hunt, intimidate, bring their targets to the judicial court for various fabricated cases and have them imprisoned, are more grievous punishments. That, they no longer consider expulsion as a disciplinary and corrective action, but a potent tool to intimidate, and control the members of the Church, to make them slaves to all their whims.
  1. That, they no longer believe that it is a biblical doctrine to love the brethren, even the enemies.
  1. That, the family relationship is no longer important to them which is why they coerce the loved ones of the expelled members to neither extend them any help, nor communicate with them.
  1. That, by bullying those whose eyes were opened to the truth, they can suppress their feelings or stop them from rebelling.

Note: Is there no one among them capable of understanding that no amount of intimidation and oppression can suppress rebellious feelings, instead, it only creates more defiant members? What their doing is like trying to contain a raging flow of water in a dam to avoid flooding and devastation only to burst at the end, thus, cause a much larger destruction.

  1. MOST OF ALL, IT MEANS THAT, their administration of the Church is a disaster or a great failure, and that they themselves have lost confidence in their own leadership. They are aware that there are now more and more brethren especially from the ranks of ministers and Church workers, who may still be following their instructions but not because of love and faith, but because of fear. If the members still have faith and trust in them, they would not result to invading the privacy of their homes as if they own the place, or call them to their office, only to be interrogated, intimidated, and forced to write a dictated statement and to make empty promises, and exclaim, “I AM ONE WITH XXX.” As those who had experienced intimidation say, “We had to tell them lies even in our written statements, anyway, they can easily be fooled. They themselves are worse liars than their father, the devil.” Come to think of it, what they say is true. Do these executioners and henchmen (soul slayers) truly believe that by simply making their victims write a “salaysay,” they have succeeded in completely capturing their hearts and loyalty? Don’t they realize that their actions only show that they no longer have the guidance of the Holy Spirit, because if they still do, members would wholeheartedly follow them? There would be no need to threaten and intimidate them because they have been trained by the Church Administration since the time of Brother Felix Y. Manalo, the last messenger of God, to be obedient and submissive.

A further proof that God’s spirit is no longer with them could be seen in the so-called advisers of the Executive Minister who “tirelessly” tour the whole world to hunt the defenders. An example of these is Regalado delos Reyes, one of those branded as Executioners and Persecutors of those suspected of speaking against the Administration, and has been made a District Minister in Southern California. Rey delos Reyes was formerly very vocal against the anomalies in the Church. You can ask the local leadership of Central especially Ed Pelayo, and the ministers who became close to him. But due to power tripping, he surrendered the sacred principle that should govern the life of a true minister of God, thus, he became a persecutor. He is now called the “720 degrees” minister because when he turned around, it was not just 360 degrees but double. Now, he continues his oppressive work here in America by using resident ministers and fanatic members to harass us so that he can boast of his “accomplishments” and bring joy to those who are in the Central Office. What he does not understand is that they are leading them to his ruin. Let’s see where his unlawful acts will take him. It is so sad that there are many ministers now who like Judas Iscariot, are willing to betray others and sell their souls to gain wealth and power.

I do understand what many ministers say that they have to close their eyes to the anomalies in the Church because of their love, care and loyalty to the Administration. But is it truly love, care and loyalty to the Administration? What I learned from ministerial lessons is different. That to prove my loyalty and love for the Administration, I’m duty bound to inform him of the evils committed in the Church regardless of the one(s) involved so that the Executive Minister can take the necessary action, thus, saving the Church and the Administration from destruction. This is precisely what I’ve done several times only to fail and be accused of going against the Administration. This is the reason they persecuted and harassed me in the Philippines which they have now resumed in this country.

When will they realize that the solution to the problems besetting the Church is not the unrelenting persecution and expulsion they employ against the suspected defenders, which only create more defiant members? When will they notice that almost all the members they had expelled and continue to oppress are active officers and brethren who have spent so many years in the Church which is why they could not withstand the anomalies they see and do not want the Church to be destroyed. When will they realize that the whole Church awaits for the BIG change?

When will they see the tears not only of the oppressed and the expelled but of all the brethren whose hearts are bleeding because the Church is now being destroyed which has never happened during the administration of Brother Felix Y. Manalo and Brother Eraño G. Manalo? When will they learn to swallow their pride and accept the truth that what is happening to the Church is the result of their own wickedness and that unless they mend their ways, the Church will continue to suffer. When will they stop putting the blame on those who question the corruptions instead of on those who are corrupt? When will they learn to sacrifice their own interest for the welfare of the Church? When will they ever learn? or Will they ever learn? 

PLEASE, HAVE MERCY ON GOD’S PEOPLE!

TAGALOG Version

ANG KAHULUGAN NG PATULOY NA PANGGIGIPIT NG PAMAMAHALA SA MGA ITINIWALAG

Kamakailan lamang ay ibinalita sa akin ng ilang Tagapangasiwa ng Distrito, tatlo sa Pilipinas, (dalawa sa Luzon, isa sa Mindanao), at dalawa dito sa Amerika. Hindi ko na babanggitin kung saan dito sa Amerika sapagkat kakaunti ang distrito rito at baka maidentified sila. Salamat sa Diyos sapagkat hindi nawawala ang kanilang pagmamasalakit sa akin at sa mga defenders sa kabila ng katotohanan na binigyan sila ng mga posisyon sa Iglesia. Salamat din sa Diyos sapagkat naikukubli nila sa kanilang mga “superior” ang kanilang pagiging silent defenders. Sa kanila ko rin nalaman na mas marami ang mga 01 (Tagapangasiwa ng Distrito), at mga ministro na silent defenders at halos masuka na dahil hindi nila masikmura ang maraming ipinagagawa sa kanila lalo na ang pangigipit sa mga kapatid na pinaiimbistigahan ng Central at ang pagbabanta nila sa mga nasasakupan nilang mga ministro kapag hindi nila mapaamin ang mga “suspect.” Hindi lang daw sila makalantad sapagkat baka matulad sila sa akin at sa iba pang mga natiwalag na ministro na patuloy na tinutugis, inuusig at ginigipit.

Sinabi nila sa akin na may isinagawang Webex para sa mga 01 (Tagapangasiwa), na doon ay itinagubilin na lahat ng mga naging malapit sa akin, mga ministrong nakasama at “naipuwesto” noong ako ay nasa Foreign Office pa, mga inaanak sa kasal, mga kaibigan, at matagal na nakasalamuha ay dapat kausapin ng masinsinan at maging marahas kung kinakailangan. Itanong daw sa kanila kung kangino sila panig, sa Pamamahala o kay Jun Samson? Habang sinusulat ko ito ay may tumawag sa akin na ministrong tagapagturo sa CEM na kaya raw patuloy akong hinaharass at maging ang mga kapatid na pinaghihinalaan nilang tumutulong sa akin, ay upang ako ay gipitin hanggang sa ako ay sumuko.

BAKIT WALANG TIGIL, MANAPA AY LALO PANG PINAG-IIGTING NG MGA MAPANG-APING MGA MINISTRO ANG PANGGIGIPIT SA MGA NATIWALAG AT MAGING SA LAHAT NG MGA MALALAPIT SA KANILA?

Ang mga kahulugan ng patuloy na panggigipit ng Pamamahala sa kanilang mga itiniwalag:

  1. Hindi na sila sumasampalataya sa doktrina na ang Pagtitiwalag ang pinakamabigat na parusang maaaring igawad sa isang kaanib sa Iglesia. Ang paniniwala nila ay mas mabigat na parusa ang sila’y habulin, takutin, idemanda, at ipakulong. Ito’y nagpapatunay rin na ang pagtitiwalag ay hindi na isang uri ng disiplina at pagtutuwid sa isang inaakusang nagkasala kundi isang kasangkapan sa pananakot upang mahawakan nila sa leeg ang mga kapatid at mapasunod sila sa kanilang balang maibigan.
  1. Hindi na rin sila sumasampalataya sa aral ng Biblia na ibigin ang kapatid, maging ang kaaway.
  1. Hindi na mahalaga sa kanila ang relasyon ng magkakapamilya kaya pilit nila itong sinisira sa paraang inaatasan nila ang mga mahal sa buhay ng mga natiwalag na huwag na silang tutulungan ni kakausapin man..
  1. Iniisip nila na ang kanilang mga ginagawang pangbubully at pag-uugaling sindikato ang makasusugpo ng paghihimagsik ng kalooban ng mga gising sa katotohanan.

 Note: Wala na ba kahit isa sa kanilang marunong umunawa na ang paghihimagsik ng damdamin ay hindi kayang pigilan   ng pananakot at panggigipit kundi lalo lamang nilang itinutulak ang marami upang lalong maghimagsik at matutong lumaban? Para silang pumipigil ng malakas na agos ng tubig sa isang dam sa layuning maiwasan nila ang baha at hindi sila mapinsala subalit dahil sa bugso at dami ng tubig ay hindi na nito makakayanan pa kaya biglang sasabog at mas malaki ang idudulot na kapinsalaan.

  1. HIGIT SA LAHAT, ITO AY NANGANGAHULUGAN na isang napakalaking kabiguan ang kanilang pangunguna sa Iglesia at sila mismo ay wala nang tiwala sa kanilang pangangasiwa. Alam na rin nila na napakarami nang mga kapatid, lalo na sa hanay ng mga ministro at mga manggagawa, na ang pagsunod sa kanila ay hindi na buong puso, manapa ay napipilitan na lamang o dahil sa takot at hindi na udyok ng pag-ibig at pananampalataya. Sapagkat kung ang mga kapatid ay tunay na naniniwala at nagtitiwala pa sa kanila ay hindi na sila kailangang puntahan o ipatawag pa upang imbestigahan, takutin, pangakuin, pagsalaysayin, at piliting magsabi ng, “I AM ONE WITH XXX.” Sabi nga ng mga ininterrogate nila, “Nagsinungaling na lamang kami maging sa ginawa naming mga salaysay, tutal sila’y mga ‘uto-uto’ at madaling maniwala sa kasinungalingan at mas sinungaling pa sa diablong ama nila. Plastikan na lang ngayon.” Oo nga naman, iniisip ba ng mga “berdugo at mga hitmang” ito (pumapatay ng kaluluwa), na kapag nagawa nilang papangakuin at pagsalaysayin ang mga kapatid ay hawak na nilang lubusan ang kanilang tunay na damdamin at katapatan? Hindi kaya nila naiisip na ang ginagawa nila ay lalo lamang naghahayag na wala na sa kanila ang patnubay ng Espiritu Santo sapagkat kung ito’y nasa kanila pa ay dapat sanang kusa at buong puso ang pagsunod ng mga kapatid sa kanila? Hindi na kailanganing daanin sila sa pagbabanta at pananakot lalo pa at ang mga kapatid ay sinanay ng Pamamahala mula pa sa panahon ng Sugo ng Diyos sa mga huling araw na maging masunurin at mapagpasakop.

Ang lalong malaking katunayan na wala na sa kanila ang patnubay ng Diyos ay ang nakikita sa mga naturingang tagapayo ng namamahala na walang ginawa kundi ang magpunta sa iba’t ibang bansa upang manugis ng mga defenders. Ang isang matibay na halimbawa nito ay si Regalado delos Reyes, isa sa mga tinaguriang berdugo o taga-usig sa mga pinaghihinalaang nagsasalita ng laban sa Pamamahala, na agad nilang ginawang tagapangasiwa sa Southern California. Si Rey delos Reyes ay dating kalaban at very vocal sa mga nangyayaring katiwalian sa Iglesia. Tanungin ninyo ang Pamunuan ng Central lalo na si Ed Pelayo at ang mga nakasama niyang mga ministro. Subalit dahil sa paghahangad ng kapangyarihan ay isinuko na ang wasto at banal na prinsipyo ng buhay at naging pangunahing tagausig. Kung tawagin nga siya ay si “720 degrees” dahil hindi lamang 360 degrees ang naging pag-ikot o pagbaliktad niya. Hanggang dito sa Amerika ay patuloy siya sa pag-uusig at paggamit sa mga ministro at mga kapatid para lamang makapagpasikat at makapagbigay kasiyahan sa  mga nasa Central. Ang hindi niya alam ay dinadala nila siya sa tiyak na kapahamakan. Hintayin natin kung ano ang ibubunga ng kaniyang pagiging maangas at ng kaniyang mga ginagawa na labag sa batas dito sa Amerika. Nakalulungkot na maraming mga ministro ngayon na halos ipagbili pati ang kanilang kaluluwa makamit lamang ang kanilang matayog na pangarap sa buhay—ang magtamo ng kayamanan at kapangyarihan.

Nauunawaan ko kung sinasabi man ng maraming mga ministro na kaya nila ipinipikit na lang ang kanilang mga mata sa nangyayaring katiwalian sa Iglesia ay dahil sa kanilang pagmamahal, pagmamalasakit at katapatan sa Pamamahala. Subalit  pagmamahal, pagmamalasakit at katapatan nga ba sa Pamamahala ang pagsasawalang kibo sa nakikitang kasamaan sa Iglesia? Ang alam kong pagmamahal, pagmamalasakit at katapatan sa Pamamahala ay ang ipaalam sa kaniya ang mga kasamaang nagaganap sa Iglesia kahit sino pa ang masagasaan upang ito ay maaksiyunan at hindi makasira sa kaniyang Pamamahala at higit sa lahat sa Iglesia. Ito nga ang ilang ulit kong ginawa subalit nabigo lamang ako sa aking ginawang pagmamalasakit sa halip ay pinagbintangan pang lumalaban sa Pamamahala. Ito ang dahilang kaya nila ako inusig ng husto sa Pilipinas at hanggang ngayon ay inuusig pa.

Kailan kaya nila maiisip na ang lunas sa mga suliraning bumabalot sa Iglesia ay hindi ang patuloy na mga pag-uusig at pagtitiwalag sa mga pinaghihinalaang mga defenders, na ang ibinubunga ay lalo lamang dumarami ang natututong maghimagsik? Kailan sila matatawagan ng pansin na halos lahat ng kanilang itinitiwalag at inuusig ay ang mga masisiglang mga maytungkulin at mga matatagal nang kaanib at nagmamalasakit sa Iglesia kaya hindi nila matiis ang mga anomalyang nagaganap sapagkat ayaw nilang masira ang Iglesia? Kailan nila maiisip na ang buong Iglesia ay naghihintay ng pagbabago?

Kailan nila makikita ang pagluha hindi lamang ng mga naapi at natiwalag kundi ng buong Iglesia na nagdurugo ang puso dahil sa nakikita nilang pagkasira sa Iglesia na hindi nangyari kailanman sa panahon ng Pamamahala ng Kapatid na Felix Y. Manalo at Kapatid na Eraño G. Manalo?  Kailan kaya nila matututong lunukin na lamang ang kanilang pride at tanggapin na nasa kanila ang mas malaking pagkukulang na hangga’t hindi nila itinutuwid ay lalong malulubog sa gulo ang Iglesia? Kailan nila mauunawaan na ang nangyayari ngayon sa Iglesia ay hindi dulot at dapat isisi sa mga nagtatanong at pumupuna sa mga kurapsiyon kundi sa mga ministrong gumagawa ng mga anomalya? Kailan nila matututuhang isakripisyo ang kanilang pansariling kapakinabangan at ipagpauna ang kapakanan ng Iglesia? Sabi nga sa english, “When will they ever learn?” or “Will they ever learn?”

MAAWA NA PO KAYO SA BAYAN NG DIYOS!

 

I thank all the defenders who showed me in one way or another, their moral support, especially the ones who never left my side praying with me and for me, giving me encouragement, and my lawyer who has been very patient and determined to defend what is right. But most of all I thank God who gives the victory and who has never left us alone since the beginning of our ordeal. May this God-given triumph inspire and make all the true defenders realize that God does not forsake His servants who stand by His truth and defend the Church.  ALL THE GLORY BELONGS TO HIM!   

 

BAKIT DAPAT TAYONG MAGTIWALA SA DIYOS AT MANINDIGAN SA PANIG NI CRISTO

Kinasangkapan ng Diyos ang Sugo sa mga huling araw na ito upang maiparating sa atin ang katotohanan ukol sa tunay na Diyos at sa Kaniyang bugtong na Anak.  Naunawaan din natin ang kaparaanan upang magkaroon tayo ng karapatan sa paglilingkod sa Diyos at sa pagtatamo ng kaligtasan.  Hindi tayo nag-atubili na pumasok sa Iglesia ni Cristo, ngunit hindi sapat ang pag-anib lamang.  Kailangan ay taglay natin ang pananalig ng isang tunay na Iglesia ni Cristo – sa Diyos lubos na itinitiwala ang buhay at kapalaran.

Bakit sa Diyos natin dapat ipagkatiwalang lubos ang ating buhay at kapalaran?

Job 12:9-10 MB

Alam nila na ang Diyos ang sa kanila ay lumalang.  Ang Diyos ang nagpapalakad sa lahat ng bagay, Ang buhay ng bawat isa ay hawak ng kanyang kamay.”

Ang Panginoong Diyos ang lumalang sa atin at Siya ang may hawak ng ating buhay.  Alam Niya kung ano ang makabubuti sa atin.  Ayaw Niya na tayo’y mapahamak.  Ang ibig ng Diyos ay mapabuti tayo.  Samakatuwid ay mapapanuto ang ating buhay kung sa Diyos natin ilalagak ang pag-asa at pagtitiwala.

Sinong naglagak ng pag-asa at pagtitiwala sa Diyos ang hindi Niya pababayaan?

Job 8:20 MB

Hindi pababayaan ng Diyos ang taong matuwid, Ngunit ang masasama, tulong niya’y di makakamit.”

Hindi sapat na napaanib lamang sa Iglesia ni Cristo.  Ang dapat ay mamuhay ng matuwid at sumunod sa mga utos ng Diyos upang makamtan ang Kaniyang mga pangako at pagpapala.

Nangangahulugan ba na pinabayaan ng Diyos ang matuwid kung siya ay nakararanas ng kalungkutan?

Job 8:21-22 MB

Balang araw, pupuspusin ka niya ng galak.  Hihiyaw ka sa tuwa, sasayaw at lulundag.  Mga kaaway mo’y malalagay sa kahihiyan, at ang masasama sa mundo ay mapaparam.”

Kung nakararanas man tayo ng kalungkutan at kapighatian sa ating buhay ay hindi nangangahulugang pinabayaan na tayo ng Diyos.  Mayroong pangako ang ating Panginoong Diyos at kailanma’y hindi Siya lilimot sa Kaniyang pangako.  Pupuspusin Niya tayo ng kagalakan.  Iingatan at lilingapin Niya ang mga naging tapat sa Kaniya.

Ano naman ang hantungan ng masama pagdating ng araw?

Job 20:5-8

Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli, At ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang?  Bagaman ang kaniyang karilagan ay napaiilanglang hanggang sa langit, At ang kaniyang ulo ay umaabot hanggang sa mga alapaap;  Gayon may matutunaw siya magpakailan man, na gaya ng kaniyang sariling dumi: Silang nangakakita sa kaniya ay mangagsasabi: Nasaan siya?  Siya’y mawawala na gaya ng panaginip, at hindi masusumpungan.  Oo, siya’y mawawala na parang pangitain sa gabi.

Magtagumpay man sa buhay na ito ang masasama, makamit man niya ang buong sanlibutan, kung hindi naman niya sinusunod ang mga dalisay na aral at utos ng ating Panginoong Diyos ay wala rin itong kabuluhan.  Ang lahat ng tinatamasa niya sa mundo ay walang patutunguhan sapagkat ang tagumpay ng masama ay sandali lamang.

Bakit dapat tayong manindigan sa panig ni Cristo at ng kaniyang Iglesia?

Efeso 1:5-8 MB

tayo’y kanyang itinalaga upang maging mga anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.  Iyan ang kanyang layunin at kalooban.  Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak!  Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at sa gayo’y pinatawad na ang ating mga kasalanan.  Gayon kadakila ang pag-ibig na ipinadama niya sa atin!”

Dito tayo itinalaga ng Panginoong Diyos kaya manindigan tayo sa pagsunod sa Kaniyang mga aral at utos.  Bilang katawan ng ating Panginoong Jesucristo, dapat nating tularan ang pagiging tapat at masunurin niya sa ating Panginoong Diyos.

Ano naman ang kapalarang naghihintay sa mga tinubos ni Cristo ng kaniyang dugo?

Roma 5:6, 8-10 MB

Sapagkat noong tayo’y mahihina pa, namatay si Cristo sa takdang panahon para sa mga makasalanan.

Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa. At ngayong napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng kanyang dugo, lalo nang tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos sa pamamagitan niya.  Dati, tayo’y mga kaaway ng Diyos, ngunit ngayon, tinatanggap na niya tayong mga kaibigan alang-alang sa pagkamatay ng kanyang Anak.  Kaya’t tiyak ang pagkaligtas natin sa pamamagitan ng pagiging buhay ni Cristo.”

Ibinigay ng Diyos sa atin ang Kaniyang bugtong na Anak upang tayo’y ariing walang sala.  Si Cristo ang namatay para sa ating mga kasalanan.  Dahil kay Cristo ay tinanggap tayong muli ng Diyos.  Natitiyak natin ang ating kaligtasan dahil sa kaniyang muling pagkabuhay kaya huwag natin itong sayangin.   Pakaingatan at pakamahalin natin ang kahalalang tinanggap mula sa Panginoong Diyos.  Patuloy nating sundin at lakaran ang Kaniyang mga kautusan.  Manatili tayo sa paggawa ng mabuti, sa pagluwalhati at pagpupuri sa ating Panginoong Diyos upang magtamo ng buhay na walang hanggan.

Ano ang pagkakaugnay ni Cristo sa kaniyang Iglesia?

Efeso 5:23, 31-32 MB

Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang  asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito.

Dahil dito,  iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina at magsasama sila ng kanyang asawa;  at sila’y  magiging isa. Isang dakilang katotohanan ang inihahayag nito – ang kaugnayan ni Cristo sa iglesya ang tinutukoy ko.”

Ang Iglesia ang katawan at si Cristo ang ulo at Tagapagligtas nito.  Ito ay isang dakilang katotohanan.  Kaya napakalaking biyaya at kapalaran ang pagiging kaanib sa tunay na Iglesia.  .  Pakaingatan at mahalin natin ang ating kahalalan na tinanggap sa Panginoong Diyos

Ano ang ginawa ni Cristo para sa kaniyang Iglesia?

Efeso 5:25-27 MB

Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Cristo sa iglesya.  Inihandog  niya ang kanyang buhay para rito.  Upang ang iglesya’y italaga sa Diyos matapos linisin sa pamamagitan ng tubig at ng salita.  Ginawa niya ito upang maiharap sa kanyang sarili ang iglesya, marilag, banal, walang batik at walang anumang dungis o kulubot.”

Ang Iglesia ni Cristo ang inibig ng ating Panginoong Jesucristo.  Inihandog niya ang kaniyang buhay para sa Iglesia na kaniyang katawan niya.  Ang Iglesia ay nakatalaga para sa Diyos.  Marapat naman na ihandog natin ang ating buhay sa paglilingkod sa Diyos at kay Jesus.  Kaya dapat na masumpungan sa atin ang malinis na pamumuhay, walang bahid ng anomang kasamaan.  Kaya maging tapat tayo sa pagsunod sa mga utos ng Diyos.

Paano naninindigan ang tunay na nakakakilala kay Cristo?

Filipos 1:20 MB

Ang aking pinakananais at inaasahan ay huwag akong magkulang sa aking tungkulin, kundi magkaroon ako ng lakas ng loob sa lahat ng panahon upang, sa mabuhay o sa mamatay, mabigyan ko ng karangalan si Cristo.”

Ang isang tapat na lingkod ni Cristo ay hindi dapat na magkulang sa tinanggap niyang tungkulin.  Kailangan nating mabigyan ng karangalan ang Diyos at si Cristo.  Kaya dapat tayong gumawa nang ayon sa nasa puso at isip ng Diyos.  Maging tapat tayo at manindigan din sa pagtupad ng ating mga tungkulin sa Kaniya.  Huwag tayong magpahadlang sa mga problema at alalahanin sa buhay.  Hilingin natin sa Ama na bigyan Niya tayo ng lakas upang makayanan natin ang pagsubok at malampasan ang mga balakid sa pagtupad natin ng kalooban Niya.  Huwag nawa tayong magkulang sa ating mga tungkulin.

Anu-ano ang iba’t ibang tungkulin at ano ang inaasahan sa mga tumanggap ng tungkulin?

Roma 12:4-8 MB

Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi, at hindi pare-pareho ang gawain ng bawat isa.  Gayon din naman,tayo’y marami ngunit nabubuo sa iisang katawan ni Cristo, at isa’t isa’y bahagi ng iba.  Yamang mayroon tayong mga kaloob na magkakaiba ayon sa kagandahang-loob ng Diyos sa atin, gamitin natin ang mga kaloob na iyan.  Kung paghahayag ng kalooban ng Diyos ang ipinagkaloob sa atin, ipahayag natin ito ayon sa sukat ng ating pananampalataya;  kung paglilingkod, maglingkod tayo.  Magturo ang tumanggap ng kaloob na pagtuturo at mangaral ang may kaloob na pangangaral.  Kung pag-aabuloy, mag-abuloy nang buong kaya; kung pamumuno, mamuno nang buong sikap.  Kung nagkakawanggawa, gawin ito nang buong galak.”

Katulad din ng katawan na binubuo ng maraming sangkap, tayong lahat ay mga sangkap na iba-iba ang kaukulan.  Kaya iba’t iba man ang tungkuling ating taglay – pagtuturo ng mga salita ng Diyos, pakikiisa sa pagpapalaganap ng mga aral ng Diyos, pamamahagi ng pananampalataya, pagkakawanggawa, kalihiman, pangangalaga sa kapatid, mang-aawit, atbpa. – dapat nating tuparin ito ng buong puso at ng buo nating makakaya sa ikaluluwalhati ng ating Ama.

Ano pa ang tungkulin sa Iglesia na dapat tuparin?

Roma 12:9-12 MB

Maging tunay ang inyong pag-ibig.  Kasuklaman ninyo ang masama, pakaibigin ang mabuti.  Mag-ibigan kayo na parang tunay na magkakapatid.  Pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.  Magpakasipag kayo at buong pusong maglingkod sa Panginoon.  Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa.  Magtiyaga kayo sa inyong kapighatian, at laging manalangin.”

Ang isa pang mahalagang tungkulin ay pagtataglay ng dalisay na pag-ibig.  Kaya hindi nakikiisa kundi kinasusuklaman niya ang kasamaan.  Kaya tama ang paninindigan ng marami nating mga kapatid na taos pusong nililingap ang mga naulila ng Ka Erdy.  Matiyaga nila itong ginagawa, hindi alintana ang banta ng mga mang-uusig at panggigipit kahit pa pagbantaan na sila ay ititiwalag nang walang katarungan.  Sapagka’t natitiyak nilang ang sinusunod nila ay ang dalisay na mga aral ng Diyos.  Ito ang nagtutulak sa kanila upang manatiling nagmamalasakit sa pamilya ng Ka Erdy.

Malulugi ba ang mga nagpakasakit sa pagtupad ng tungkulin?

Filipos 1:20-21 MB

Ang aking pinakananais at inaasahan ay huwag akong magkulang sa aking tungkulin, kundi magkaroon ako ng lakas ng loob sa lahat ng panahon upang, sa mabuhay o sa mamatay, mabigyan ko ng karangalan si Cristo.  Sapagkat para sa akin si Cristo ang buhay at dahil dito’y pakinabang ang kamatayan.”

Napakalaking karangalan kung tayo ay hindi lang basta kaanib sa Iglesia.  Kung tayo ay pinagkatiwalaan pa ng pananagutan ay lalo tayong mapapalapit sa Diyos lalo’t iniingatan natin at tinutupad natin ng buong katapatan ang ating tungkulin.  Hindi lilimutin ng Diyos ang ating mga pagpapagal.  Sapagka’t sa pagtupad natin ng  ating  tungkulin ay nabibigyan natin ng karangalan ang Panginoong Diyos at ang ating Panginoong Jesucristo.

Anong pakinabang ang maaasahan ng mga tumupad ng tungkulin hanggang kamatayan?

Apocalipsis 14:13,12 MB

At narinig ko ang isang tinig mula sa langit na nagsasabi, “Isulat mo ito: Mula ngayon, mapapalad ang naglilingkod sa Panginoon hanggang kamatayan!” “Tunay nga,” sabi ng Espiritu.  “Magpapahinga na sila sa kanilang pagpapagal; sapagkat susundan sila ng kanilang mga gawa.”

Kaya’t kailangang magpakatatag ang mga hinirang ng Diyos, ang mga sumusunod sa utos ng Diyos at nananatili sa pananalig kay Jesus.”

Sa Bayang Banal ang kapahingahang tinutukoy.  Mapapalad ang mga nagtapat at nanindigan sa Kaniyang mga aral hanggang kamatayan.

Kaya, ano ang dapat pagsikapan ng mga nagnanais makarating sa Bayang Banal?

Filipos 3:12,14 MB

Hindi sa nakamtan ko na ang mga bagay na ito.  Hindi rin sa ako’y ganap na, ngunit sinisikap kong maisakatuparan ang layunin ni Cristo Jesus nang tawagin niya ako.Nagpapatuloy nga ako tungo sa hangganan upang kamtan ng gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na hahantong sa langit.”

Nagpapatuloy hanggang sa hangganan.  Kaya hindi sila uurong ni magpapabaya man sa kanilang sagutin.  Maraming kapatid at maytungkulin ang ganito.  Sana’y ang bawa’t isa sa atin ay magkaroon ng mataas na uri ng pagsunod sa mga utos ng Diyos.  Kaya ang pagtupad ng tungkulin ay hindi dapat iiwan.  Hindi dapat magpadala sa anomang pagsubok na dumarating sa ating buhay.  Dapat ay matatag na naninindigan at sumusunod sa mga utos ng Diyos.

Ano ang sinasabi ng Diyos sa mga inaabot ng panghihina?

II Corinto 12:9 MB

ganito ang kanyang sagot, “Ang tulong ko’y sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.” Kaya’t buong galak na ipagmamapuri ko ang aking kahinaan upang palakasin ako ng kapangyarihan ni Cristo.”

Sapat ang tulong ng Panginoong Diyos para sa lahat ng ating pangangailangan.  Hindi Niya tayo pababayaan.  Siya ang ating gabay at kanlungan, kaya lubos tayong manalig at magtiwala  sa Kaniya.

Makasisira ba sa paninindigan ang dinaranas na kahirapan?

II Corinto 12:10 MB

Dahil kay Cristo, walang halaga sa akin kung ako ma’y mahina, kutyain, pahirapan, usigin, at magtiis.  Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako malakas.”

Para sa isang tunay na lingkod ni Cristo, walang halaga kung siya man ay magdanas ng paghihirap, pag-uusig, at tiisin.  Kung dinaranas man natin ito ngayon, nakakaramay lang tayo sa naging paghihirap ng ating Panginoong Jesucristo.  Ang ating Panginoong Jesucristo ang patuloy na aalalay sa atin upang makayanan natin ang mga tiisin.  Ang mga pagsubok na ating nararanasan ay malalampasan natin dahil sa tulong ng ating Panginoong Jesucristo.

Ano naman ang tagubilin kung tayo’y may suliranin?

I Pedro 5:7,10 MB

“Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga kabalisahan sapagkat siya ang kumukupkop sa inyo.

Pagkatapos ninyong magtiis ng maikling panahon, ang Diyos na bukal ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kaganapan, katatagan, at isang saligang matibay at di matitinag.  Siya rin ang humirang sa inyo upang makihati kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo.”

Sa Panginoong Diyos natin ilagak ang lahat ng ating kabalisahan.  Sapagkat Siya ang magbibigay sa atin ng katatagan at ng kaganapan.  Patunayan natin ang lubos na pagtitiwala sa ating Panginoong Diyos.  Magpakatatag tayo at magpakatapang.  Sunding mabuti ang mga kautusan na tinanggap natin.  Tiyakin nating hindi tayo sumusuway sa anomang utos na iniwanan ng ating Panginoong Jesucristo sa atin, upang magtagumpay tayo sa lahat ng ating  gagawin.

Tulungan nawa tayo ng ating Panginoong Diyos upang makatawid tayo sa mga pagsubok na ating nararanasan.

-Minister of the Gospel

 

 

 

MARAPAT BANG IHAMBING SI KAPATID NA EDUARDO V. MANALO (EVM) KAY MOISES?

MARAPAT BANG IHAMBING SI KAPATID NA EDUARDO V. MANALO (EVM) KAY MOISES? LABAG BA SA BIBLIA NA MANAWAGAN SA LIDER NG BAYAN NG DIYOS KUNG NAHUHULOG SIYA SA PAGKAKAMALI?

Kapansin-pansin na ang binibigyan na lang ng diin ng mga One With EVM (OWE) ministers sa isip ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay si kapatid na Eduardo V. Manalo (EVM) ang pinakamahalagang tao sa mundo. Kung bakit ay upang mahikayat nila ang lahat na “walang sinomang maaring pumuna o magtuwid sa kaniya kahit siya ay nakagawa na ng pagkakamali kundi ang Diyos lamang.” Ginagamit ng mga OWE ministers na panakot ang nakatala sa Biblia na nangyari sa mga pumuna o nagsalita laban kay Moises upang magbigay babala o takutin ang mga hindi makatiis pumuna o magsalita ngayon kay Ka EVM. Ipinapapansin nila na hindi sila palalagpasin ni  pagpapaumanhinan ng Diyos.

Walang pag-aalinlangan na pinatawan ng Diyos ng mabigat na parusa ang mga pumuna o nagsalita laban kay Moises kabilang ang mga kapatid niya sa laman. Subalit hindi dahil sa ginawa ng Diyos iyon ay makatuwiran nang ipalagay na gayon din ang gagawin ng Diyos sa mga pumupuna o nagsasalita udyok ng pagmamalasakit kay Ka EVM at sa Iglesia. Maling ipanakot ang pangyayari sa panahon ni Moises dahil sa nakikitang malaking pagkakaiba ni Ka EVM kay Moises. Si Moises ay isang lider na may pagkasi ng Diyos sa buong panahon ng pamamahala niya sa bayan ng Diyos. Bagaman may mga naging pagkakamali rin siya bilang tao ay maituturing siyang isang matuwid at makatarungang lider sapagkat hindi niya kinunsinti ang anumang uri ng katiwalian, hindi niya inapi ang sinuman sa halip ay ipinagtanggol niya ang mga inapi at mga pinagkaitan (Exodo 2:11-12, 16-17).  Ganito po ba si Ka EVM?

Nang parusahan ng Diyos ang mga kapatid niyang si Miriam at Aaron ay hindi niya sila kinasuklaman ni itinaboy sa halip ay kinahabagan at ipinamanhik pa sa Diyos na pagalingin ang kapatid niya na binigyan ng Diyos ng sakit na ketong (Blg. 12:13).  Bakit sa kabila ng pinagsalitaan siya ng kaniyang mga kapatid ay hindi niya sila pinaghigantihan ni pinagmalupitan? Sapagkat maamong-loob si Moises kaya siya ang pinili ng Diyos na manguna sa Kaniyang bayan (Bilang 12:3). Bakas na  bakas sa aksiyong ito ni Moises na siya ay isang lider na mapagpahinuhod.  Ganito po ba si Ka EVM? Bakit ang nakita lang ng mga OWE ministers sa pangyayaring iyon ay ang pagpaparusa ng Diyos pero hindi nila nakita ang napakagandang katangian ni Moises bilang lider sa bayan ng Diyos. Siya’y isang mapagmahal at mapagmalasakit sa bayan maging sa kaniyang mga mahal sa buhay. Pinagtanggol niya ang mga naaapi at ang mga pinagkakaitan.

Marahil ay inip na inip na ang mga OWE ministers at mga kapanalig nila dahil matagal na nilang itinuturo sa buong Iglesia na masama ang paglaban sa pamamahala ay wala pang kapatid sa laman si Ka EVM na tinubuan ng ketong o nasumpa. Wala pa ring mga ministro, mga may tungkulin, at mga kapatid na  tumindig laban sa mga nagaganap na katiwalian sa Iglesia ang binukahan at nilamon ng lupa. Marami-rami na ang mga Defenders ngayon at patuloy pang dumarami. Kung talagang itinuturing ng Diyos na paglaban kay Ka EVM ang pagpuna o panawagan sa kaniya ng mga kapatid niya, ng mga ministro, ng mga maytungkulin at iba pang mga kapatid na nagsalita laban sa katiwalian sa Iglesia, bakit  pagtatagalin pa ng Diyos na igawad sa kanila ang pagpaparusa? Noong pagsalitaan si Moises ng mga pumuna sa kaniya kaagad ay ipinataw ng Diyos ang Kanyang pagpaparusa (Bilang 12:9-10; 16:20-21).

Dahil sa wala silang nakitang pagpaparusa ng Diyos sa mga itinuturing nilang kaaway kahit abot-abot pa ang kanilang panalangin maging sa panahon ng pagsamba na  sumpain, parusahan at lipulin sila, ang tinatanaw nila ngayon ay ang kaparusahan sa dagat-dagatang apoy. Iyon diumano ang tiyak na sasapit sa mga tinatawag nilang fallen angels, mga makabagong Judas, Restore Tenny Church, at kung anu-ano pang mapanglait na katawagan.  Doktrina na ba sa Iglesia ngayon ang humatol sa kapuwa? Ito na kasi ang karaniwang nasusumpungan maging sa mga ministro, kaya tinutularan naman sila ng mga kapatid sa pag-aakalang ito ang tama.  Ano ang tinitiyak ng Panginoong Jesucristo sa mga palahatol sa kapuwa? Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan. 2 Sapagka’t sa hatol na inyong ihahatol, ay hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo. (Mateo 7:1-2). Hahatulan ng Diyos ang palahatol sa kapuwa.

Magkagayonman, kapansin-pansin na pati ang pagdating ng araw ng paghuhukom ay kinainipan na nila. Hindi na nila mahintay ang pagpaparusa ng Diyos. Si Ka EVM na at ang mga kasangguni niya ang nagpapataw ng mabigat na parusa sa mga pumupuna at nagsasalita sa kaniya dahil sa hindi niya pagkilos laban sa mga katiwalian sa Iglesia. Upang palabasing makatarungan ang ginagawa nilang pagpaparusa ay gumagamit din sila ng mga talata ng Biblia (I Corinto 5:13; II Juan 1:10-11 Amplified), mali naman ang aplikasyon.  Ilan na ang mga itiniwalag nila sa Iglesia? Ilan ang itiniwalag na ay  ginigipit pa, kabilang ang kaniyang sariling ina at mga kapatid sa laman? Nariyang idinemanda, tinakot, binabalaan, at kung anu-ano pang hindi makataong hakbangin, kasama ang patuloy na pananakit ng damdamin. Hindi pa nakuntento roon,  sinira ang mga alaala ng kapatid na Eraño G. Manalo, pati mga tahanan ay winawasak para pasakitan ang naiwang pamilya. Ang lalong masahol ay ang pagtataboy o pagkukulong sa kanila upang siguruhing magiging miserable ang kanilang buhay, at pagkaitan sila ng mga pangunahing pangangailangan.

Sa dami ng mga pagkakamaling nagawa at patuloy pang nagagawa ni Ka EVM at ng mga kasama niya sa pamamahala sa Iglesia ay hahaba ang pagtalakay na ito kung iisa-isahin pa. Ang pagtuunan na natin ng pagtalakay ay ang ikalawang tanong sa paksa na,  LABAG BA SA BIBLIA NA MANAWAGAN SA LIDER SA BAYAN NG DIYOS KUNG NAHULOG SIYA SA PAGKAKAMALI? Paglaban bang maituturing kung ang layunin ng pumupuna ay magtuwid?  Kung masama o mali ang pumuna o magtuwid  kapag ang lider o nangunguna ay nakagawa ng pagkakamali, hindi na sana nagsalita si Apostol Pablo at hinayaan na sana niya Apostol Pedro sa maling ginawa niya noong magtungo siya sa dako ng mga Hentil. (Galacia 2:11-15).

Si Apostol Pedro ay mas matanda sa karapatan o mas nauna sa ministerio kaysa kay Apostol Pablo. Kapuwa sila namahala sa Iglesia, si Apostol Pedro sa dako ng mga Judio, at si Apostol Pablo naman ay sa dako ng mga Gentil. Nakasama ba kay Apostol Pedro ang pagpuna o pagsasalita ni Apostol Pablo sa kaniya? Hindi, kundi siya ay naituwid at hindi na lubusang nakahawa pa sa iba, bagaman may mga nahawa rin sa maling ginawa niya. Hindi minasama ni Apostol Pedro ang pagpuna at pagsasalita sa kaniya ni Apostol Pablo sapagkat iyon ay pagtutuwid ng isang kapamatok na nagmamalasakit, hindi lamang para maingatan ang imahe niya bilang Apostol kundi para maingatan ang imahe ng Iglesia.

Kung masama ang magsalita o manawagan sa lider sa bayan ng Diyos ay hindi na sana pinagsalitaan ni David si Saul na hari ng Israel nang siya ay nakagawa ng malaking kasalanan laban kay David (I Samuel 24:9-12,16-22).  Bagama’t hari si Saul, hindi nangiming magsalita si David sa kaniya upang ipakilala ang kaniyang pagkakamali, subalit naroon ang paggalang.  Kung nagtikom ng bibig si David ay hindi makikilala ni Saul ang kaniyang malaking kamalian o kasalanan laban sa kaniya. Bagaman maituturing na masamang hari si Saul sa bayan ng Diyos, gayunman ay napahinuhod siya kay David nang ipakilala sa kaniya ang kaniyang mga pagkakamali. Hindi niya minasama ang ginawa ni David na pagsasalita at pagtutuwid sa kaniya.

Bakit minarapat ng may akda na paksain ito? Sapagka’t bago pa nalantad ang mga katiwalian sa Iglesia ay mayroon nang mga kumausap, nagpayo at nagpaabot ng mga puna kay Ka EVM sa pag-asang gagawan niya ng kaukulang hakbang. Pangunahin sa kanila ay ang mismong pinanggalingan niyang pamilya, ang kaniyang ina at mga kapatid, mga ministro, mga maytungkulin, mga kamag-anak, malalapit na kaibigan  at iba pa na tunay na nagmamalasakit sa Iglesia subalit sa halip na pakinggan ay minasama at itinuring pang pakikialam sa pamamahala niya iyon,  na para sa kaniya ay katumbas din ng hindi pagpapasakop at paglaban pa sa kaniya.

Kung nakinig lang si Ka EVM sa mga tunay na nagmamalasakit sa kaniya at sa Iglesia, lalo na sa sariling niyang ina at mga kapatid sa laman, di sin sana ay tiwasay at payapa ang pamamahala niya ngayon sa Iglesia. Di sin sana ay napanatili niya ang katatagan, katiwasayan at kabanalan ng Iglesia.

Ang Ama ang tanging nakababatid kung may nalalabi pang pagkakataon si Ka EVM para ituwid ang kaniyang mga pagkakamali. Si Saul bagaman kinilala ang kaniyang mga pagkakamali ay tuluyan na ring inalis ng Diyos sa pagiging hari (I Samuel 13:13-14), at sa bandang huli ay nagpakamatay siya (II Samuel 1:6-10). Si David na isang matuwid at mapagmalasakit na lingkod ng Diyos ang ipinalit Niya upang pangunahan ang bayang Israel.

Sa mga OWE ministers at mga kapanalig nila na pilit pinagtatakpan ang mga katiwalian sa loob ng Iglesia at ipinamumukha pang naninira lamang sa Iglesia at kumakalaban sa Pamamahala ang mga naghahayag ng katiwalain, sana makapagbukas sa inyong kaisipan ang mga katotohanang inihayag sa akdang ito.

Totoong kay Kapatid na Eduardo V. Manalo nakalaan ang kahalalan  bilang Tagapamahalang Pangkalahatan sa pagpanaw ni kapatid na Eraño G. Manalo dahil siya ang inihalal noong Mayo 6, 1994 at inihanda sa loob ng mahigit 15 taon bilang kahalili. Katumbas sana iyon ng ginawang paghalal kay kapatid na Eraño G. Manalo noong Enero 28, 1953 bilang kahalili ni kapatid na Felix Y. Manalo. Subalit ang mga pangyayari sa loob ilang taon bago pumanaw si kapatid na Eraño G. Manalo at sa halos pitong taon na ngayon mula sa pagpanaw niya ay napatunayang hindi naitaguyod ni Ka EVM ang kahalalang dapat sana ay para sa kaniya. Ang pangunahin sanang makapagpapatotoo ng mga pangyayaring nakapaloob sa mga panahong iyon ay ang naiwang pamilya ni kapatid na Eraño G. Manalo subalit hindi niya sila binigyan ng pagkakataon, sa halip ay pilit na pinatahimik sa pamamagitan ng pagtitiwalag, pagtatakwil at patuloy na panggigipit. Kung nakinig lamang sana si Ka EVM sa mga mahahalagang payo na ipinadala sa kaniya ng Diyos sa pamamagitan ng mga nagsalita at nanawagan sa kaniya ay napanatili sana niya ang katatagan, katiwasayan at kabanalan ng Iglesia.

Wala sanang mga Defenders ngayon na nananawagan sa pagbabago o restoration ng Iglesia. Subalit hindi siya nakinig manapa ay nagsawalang-kibo na lamang sa harap ng mga katiwalian at winalang halaga ang mga pagpapayo at pagtutuwid sa kaniya. Kaya sa loob lamang ng halos pitong taon ng pamamahala niya ay ibang iba na ang kalagayan ng Iglesia  kaysa sa panahon ng mga naunang namahala. Ang Iglesia ngayon ay pinaghaharian ng pagkakabaha-bahagi, mga paglalabanan, kapatid laban sa kapatid, pagsusumpaan at pagtatakwilan. Marami ang nalilito sa mga nangyayari at labis na nagdaramdam. May sinasabi ang Biblia tungkol sa uri ng lider pagka ganito na ang kalagayan ng Bayan:

Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama.”                              (Kawikaan 29:2 MB).

Sana ay hindi pa huli ang lahat kay Ka EVM, sa mga kasangguni niya, sa mga OWE ministers at mga kapanalig nila para sa isang ganap na pagbabago, iyong tunay na “restoration” ng Iglesia. Labis na ang pinsalang dulot sa Iglesia ng hindi maayos na pamamahala. Pinakahahangad ng mga Defenders at ito ang lagi naming ipinagpapanata sa Diyos na ang Iglesia ay makabalik sa banal, tiwasay, at maluwalhating kalagayan at matapos na rin ang mga panggigipit sa mga itiniwalag lalo na sa pamilya ni kapatid na Eraño G. Manalo.

Minister of the Gospel