All posts by truthdefender

36 TANDANG SORA AVE.

Para sa marami, ang 36 Tandang Sora Ave., Quezon City ay isang karaniwang address lang. Gayunpaman, para sa INC leadership, ito ang pinagmumulan ng sunod-sunod nilang sakit ng ulo. Ito ang dahilan kaya sa loob ng mahaba-haba na ring panahon ay walang tigil at lalo pa nilang ginigipit ang dalawang anak ng Ka Erdy na sina ka Angel at ka Lottie, ang kanilang mga pamilya at iba pang mga kasama nila. Kabilang dito ang ginawa nilang pagputol sa linya ng kuryente at tubig, paglalagay ng napakatataas na bakod sa paligid ng bawat bahay, pagransack at pagwasak sa tahanan ng Ka Erdy, pagsasampa ng mga kaso laban sa kanila (bagamat hindi naman nila sinusunod ang mga pasya ng hukuman kapag hindi pabor sa kanila), puwersahang pagpasok sa naturang dako at pananakit sa mga nakatira, pagbabawal na magpasok ng mga pagkain at iba pang pangangailangan nila, pagbomba ng sewer pabalik sa bahay, at marami pang iba. Ang isang halimbawa ng hindi sinunod ng mga mapang-api ay ang utos ng Hukuman na ibalik ang kuryente at tubig, at alisin ang nakaharang na guard house at portable toilet sa gate.

36

Ang pinaka-latest sa kanilang panggigipit ay ang ginawa nilang pagwasak sa bakod gamit ang backhoe, pagpasok sa loob ng mga naka-mask nilang mga goons, pagkuha sa mga sasakyan sa loob maging ang hindi nakapangalan sa Iglesia. Upang maisagawa nila ang kanilang hindi makataong layunin ay ginamit nila ang mga guwardiya ng Central at iba pa. Nang dumating si Atty. Trixie na may kasamang isang babae at dalawang “unarmed persons” at hinanap sa kanila ang “court order” at kung mayroon ay kung bakit gabi nila ito isini-served, ay pinasimulan silang saktan ng mga guwardiya na kahit bumagsak na sila sa kalsada ay patuloy pa rin silang pinagtulungan ng mga naka-mask samantalang walang ginawa ang mga pulis kundi ang tumunganga. Hindi man lang tinanong ng mga police ang mga goons kung bakit sa harap nila ay naka-mask ang mga ito. Dinala sa East Avenue Medical Center si Atty Trixie at ang kaniyang mga kasama. Samantala, ang gate sa 36 Tandang Sora Ave., ay iniutos nang i-welding ng mga walang puso at isip na mga mapang-api.

Ang mga pangyayaring nabanggit sa itaas ang dahilan kaya para sa mga defenders, ang 36 Tandang Sora Ave., ay naging simbulo at nagpapaalala ng karahasan at mga panggigipit na nararanasan ngayon hindi lang ng mga nakatira doon kundi ng lahat ng mga inuusig at itinitiwalag ng kasalukuyang mga nangangasiwa sa Iglesia. Ito ay naging sagisag na rin ng pag-aaksaya nila sa mga abuloy at handog ng mga kapatid. Na sa halip na magamit sa pagtatayo ng magagandang gusaling sambahan ay ginagamit sa mga pagsasampa ng mga demanda at pagbabayad ng malaki sa mga kilalang law firm at pagwasak sa maaayos na gusali tulad ng naging tahanan ng Ka Erdy na dapat sana ay ipriniserved at magsilbing tagapagpaalaala ng kaniyang mga pagsasakit sa Iglesia sa loob ng 46 na taon.

Bagamat walang “valid justification” na maibibigay sa anumang gawain ng mga mapang-api, ang pangunahing dahilan ng patuloy nilang panggigipit sa mga anak ng Ka Erdy ay dahil sa iniisip nila na mula nang manawagan ang ka Angel ng tulong dahil sa pangamba sa kanilang kaligtasan ay sila ang nag-uutos sa mga defenders ng mga dapat gawin lalo na ang paghahayag sa mga katiwaliang kanilang ginagawa. Unang-una, sa mga pinaggagagawa ng mga OWE (One With EVM) ay pinatutunayan lamang nila na kayang-kaya nga nilang gumawa ng mga karahasan at mga bagay na labag sa batas kaya may katuwiran ang pamilya ng Ka Erdy na manawagan noon na sila ay tulungan sapagkat sila ay nanganganib. Ikalawa, walang sinuman sa mga defenders na makapagsasabing inutusan sila ng magkakapatid na gawin ang ganito at gawin ang ganoon. Ito ay alam maging ng mga OWE sapagkat sa kabila ng napakahigpit nilang pagsubaybay sa mga nasa Tandang Sora (kabilang na sa kanilang means of communication), ay wala silang mailabas na concrete proof na ang magkapatid ay nag-uutos na gumawa ng mga bagay na makasisira sa Iglesia o sa kanilang panganay na kapatid. Wala rin silang maipakitang patotoo na ipinahayag mismo ni ka Angel o ni ka Mark na sila ang inihalal ng Ka Erdy upang mamahala sa Iglesia. Ang gawain daw ng mga defenders ay naka-focus lang sa Tandang Sora at dahil lang sa magkapatid.

Hindi ba naisip ng mga mapang-api na hindi lang ang mga defenders ang nakatutok sa nangyayari sa 36 Tandang Sora kundi maging ang maraming mga kapatid at mga taga-sanlibutan? Ito ang isa sa tunay na dahilan kaya patuloy ang pagdami ng mga silent defenders. Na kaya nagkakagulo ay sapagkat sila mismo ay lagi ring nakatutok sa mga nasa Tandang Sora, at walang tigil sa papa-plano kung papaano nila sila pipinsalain? Napakadali namang unawain at patawarin ninyo ako kung sabihin kong mga bobo na lang ang hindi makakaunawa at mga bulag o nagbubulag-bulagan ang hindi makakita sa nangyaring panggigipit sa mga nakatira doon. Sabihin nang sa paningin ng mga OWE ay masasama ang mga nakatira doon, subalit, tama ba na palibutan nila ng pagkataas-taas na bakod ang bawat bahay na halos hindi na makahinga ang mga nakatira pagkatapos na sila ay putulan ng kuryente at tubig? Tama ba na pahirapan nila ang pagpapasok ng mga basic supplies tulad ng pagkain at tubig, at lubos na ipagbawal ang pagdedeliver ng diesel at kunin pa ang mga generators? Tama ba ang ginawa nilang pananakit sa abogada na may pahintulot ng batas na dumalaw sa kliyente anumang oras niyang naisin?

Kung sasabihin nila na ang mga nasa Tandang Sora ay hindi na mga kaanib sa Iglesia dahil mga tiwalag na kaya hindi dapat tulungan manapa ay itinuturing na nilang kaaway, ay bakit nagagawa nilang gumastos ng milyon-milyong piso para tulungan at bigyan ng pagkain ang daan-daang libo ring hindi mga kaanib sa Iglesia na ang marami ay mga mang-uusig? Ito ba ay pakitang-tao na lang, o dahil sa Guiness Book of World Records, o para pagtakpan ang kanilang masasamang gawa? Hindi ba’t utos ng Diyos na ibigin kahit ang mga kaaway? Higit sa lahat, ugaling Cristiano pa ba o ugaling tao pa ba ang kanilang ginagawa sa pamilya ng Ka Erdy na minahal niya at inarugang mabuti noong siya ay nabubuhay pa? Ang kaguluhan at kahihiyang dulot ng mga nangyayari sa Tandang Sora ay pilit nilang isinisisi sa mga nakatira doon at sa mga defenders na ang tanging layunin ay makatulong sa mga inaapi. Gayunpaman, …

 

panggipit

Ang kitang-kitang mga karahasan at panggigipit na ginagawa nila sa mga nasa 36 Tandang Sora ang dahilan kaya lumaki ang problema at lalong naglagay sa Iglesia sa malaking kahihiyan. Maaari bang hindi makita ang mga nagtataasang bakod, ang guard house, at portable toilet na iniharang nila sa gate at sinasakop na ang bahagi ng kalsada? Sino ang hindi makapapansin sa ginawa nilang ilang ulit na pagra-rally hawak ang mga placards at gamit ang megaphone sa harap mismo ng 36 Tandang Sora upang palayasin ang mga nakatira roon, o ang pagpigil nila sa mga delivery ng basic necessities ng mga nasa loob, pagkuha sa mga generator at diesel at pananakit sa mga babae at batang gustong pumigil sa kanila? Sino ang naglagay uli sa kahihiyan sa Iglesia, at di makapapansin nang buwagin nila ang bakod sa pamamagitan ng backhoe, saktan sila Atty. ng mga naka-masks na goons, basagin ang windshield ng isang sasakyan ng isang defender na nagdulot ng heavy traffic sa naturang kalsada? Marami pa silang ginawa na labag sa batas ng tao at higit sa lahat sa batas ng Diyos na hindi nailingid sa mga mata ng tao.

replacement

Ang mga ganito bang masasamang gawa ang patuloy na ididipensa ng mga nagsasabing sila ay mga Iglesia ni Cristo? Mabuti na lang at hindi na lumalabas sa kanilang bibig ang mga katagang “AKO’Y IGLESIA NI CRISTO,” sapagkat ang bukang-bibig na nila ngayon ay “I AM ONE WITH EVM,” at halos hindi na rin nila ginagamit (lalo na ng mga ministro) ang official seal at gayundin ang flag ng Iglesia, manapa, ang gamit na nila maging sa Pasugo ay ang “thumbprint na OWE.”

Alang-alang sa kapayapaan at upang hindi na lalo pang mabilad sa kahihiyan ang Iglesia, at kung tunay na ito ang hinahangad ng lahat, ay mag-ugaling tao na lang (kahit hindi na ugaling Cristiano) ang lahat. Kung hindi makasusunod sa batas ng Diyos ay kahit sa batas man lang ng gobyerno. Bakit hindi na lang hintayin ng lahat ang final na desisyon ng Hukuman sa mga kaso lalo na ang tungkol sa kung sino ang tunay na may karapatan sa naturang property. Maliban na lang kung totoo na ang 36 Tandang Sora ay kabilang sa mga pag-aari ng Iglesia na nakasangla na at malapit nang mailit ng Bangko.

 

 

 

 

 

 

A Call to All True Defenders and to Those who Have Genuine Concern for the Church

A few days ago it was announced in social media that there would be a vigil or rally in Tandang Sora.  Some Facebook users shared it while others re-posted it thinking that it was an accurate and official announcement. This kind of irresponsible action could result to more harassment against our brethren who live in TS. It is not the first time that quite a few of those who belong to such group have tried to outdo each other in posting and disseminating unverified and false information using the social media. Sad to say, it has become their way of life just as it has become their habit to spread malicious accusations against others, sowing division and animosity among the defenders. There are times when false information are also used to solicit money from the unsuspecting. Because some of them have not yet ceased calling for a vigil despite the cease and desist order they have received, we are forced to inform you that brother Jun Samson and those who are with him have nothing to do with such announcement especially when we feel that holding an untimely vigil may cause harm to the brethren, defenders or not.

We appeal to every defender engaged in social media (Facebook, Twitter, etc…) not to use the said medium to deceive and mislead the brethren, instead, it should be used to provide correct and trustworthy information such as, what is truly happening in the Church, and most of all, Bible based messages in order to defend the truth and the Church against its wayward leaders.We also call on everyone not to readily believe whatever they read in social media and be tempted to share unverified and poisonous postings.

May everyone realize that when a posting intends to destroy one’s image, the one who posted it, most probably, is a reviler and has no good intention, thus, must be rejected. People say that “he who readily believes anything he hears or reads doesn’t really care about others and even about himself.” Most of all, the Bible says that a reviler is like a murderer who will surely not inherit the kingdom of God (I Cor. 6:10).


Panawagan sa mga Tunay na Defenders at Nagmamalasakit sa Iglesia

Nitong lumipas na mga araw ay may mga napabalita sa social media na magkakaroon daw  ng  vigil or rally sa Tandang Sora.  Ito ay ipinakalat ng ilang mga users sa Facebook at naishare naman ng iba sa pag-aakalang ito ay totoo at opisyal na pahayag. Ang ganitong iresponsableng pagbabalita ay nagiging dahilan upang lalong gipitin at pahirapan ang mga kapatid nating nasa Tandang Sora. Hindi ito ang unang pagkakataon na marami sa kabilang sa grupong ito ay nag-uunahan sa pagpapakalat ng hindi pa tiyak o maling impormasyon gamit ang social media. Nakalulungkot na naging ugali na nila na magpakalat hindi lamang ng mga maling impormasyon kundi maging ng mga paninira sa kanilang kapuwa upang maghasik ng pagkakabaha-bahagi at pag-aaway sa kalipunan ng mga defenders at magamit din ang mga ito sa pangangalap ng salapi sa mga walang malay. Dahil sa patuloy pa rin ang iba sa kanila sa pananawagan na mag-vigil sa kabila ng tagubilin na sila ay tumigil na, ay nais po naming liwanagin na walang kinalaman si Ka Jun Samson at ang kaniyang mga kasama sa ganitong panawagan lalo pa nga at sa aming pananaw ang pagsasagawa ng vigil ngayon, ay magbubunga lamang ng kapahamakan sa mga kapatid, defender man o hindi.

Nakikiusap kami sa mga defenders na gumagamit ng social media (FB, twitter etc.), na huwag itong gamitin sa mga pangloloko at pagliligaw sa mga kapatid kundi sa paghahatid lamang ng totoong impormasyon gaya ng mga tunay na nangyayari sa Iglesia, lalo na ang katotohanang nakasalig sa Biblia upang maipagtanggol ang Iglesia laban sa mga tiwaling nangangasiwa dito. Nananawagan din kami na huwag sanang basta kayo maniniwala sa mga social media posting at agad ay matuksong ipakalat ito kahit hindi naman verified at hindi kayo nakakatiyak na ito ay totoo.

Ma-realize po sana ng lahat na kapag ang posting ay tungkol sa paninira, malamang sa hindi, ang gumawa nito ay mapanirang tao at walang mabuting layunin kaya hindi mapagtitiwalaan. May kasabihan, “Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.” Higit sa lahat, sinasabi ng Biblia na ang mapanira ay kahanay ng mamamatay tao at tiyak na hindi magmamana ng kaharian ng Diyos (I Cor. 6:10).

 

Panawagan sa mga Tunay na Defenders at Nagmamalasakit sa Iglesia

Nitong lumipas na mga araw ay may mga napabalita sa social media na magkakaroon daw  ng  vigil or rally sa Tandang Sora.  Ito ay ipinakalat ng ilang mga users sa Facebook at naishare naman ng iba sa pag-aakalang ito ay totoo at opisyal na pahayag. Ang ganitong iresponsableng pagbabalita ay nagiging dahilan upang lalong gipitin at pahirapan ang mga kapatid nating nasa Tandang Sora. Hindi ito ang unang pagkakataon na marami sa kabilang sa grupong ito ay nag-uunahan sa pagpapakalat ng hindi pa tiyak o maling impormasyon gamit ang social media. Nakalulungkot na naging ugali na nila na magpakalat hindi lamang ng mga maling impormasyon kundi maging ng mga paninira sa kanilang kapuwa upang maghasik ng pagkakabaha-bahagi at pag-aaway sa kalipunan ng mga defenders at magamit din ang mga ito sa pangangalap ng salapi sa mga walang malay. Dahil sa patuloy pa rin ang iba sa kanila sa pananawagan na mag-vigil sa kabila ng tagubilin na sila ay tumigil na, ay nais po naming liwanagin na walang kinalaman si Ka Jun Samson at ang kaniyang mga kasama sa ganitong panawagan lalo pa nga at sa aming pananaw ang pagsasagawa ng vigil ngayon, ay magbubunga lamang ng kapahamakan sa mga kapatid, defender man o hindi.

Nakikiusap kami sa mga defenders na gumagamit ng social media (FB, twitter etc.), na huwag itong gamitin sa mga pangloloko at pagliligaw sa mga kapatid kundi sa paghahatid lamang ng totoong impormasyon gaya ng mga tunay na nangyayari sa Iglesia, lalo na ang katotohanang nakasalig sa Biblia upang maipagtanggol ang Iglesia laban sa mga tiwaling nangangasiwa dito.

Nananawagan din kami na huwag sanang basta kayo maniniwala sa mga social media posting at agad ay matuksong ipakalat ito kahit hindi naman verified at hindi kayo nakakatiyak na ito ay totoo. Ma-realize po sana ng lahat na kapag ang posting ay tungkol sa paninira, malamang sa hindi, ang gumawa nito ay mapanirang tao at walang mabuting layunin kaya hindi mapagtitiwalaan. May kasabihan, “Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.” Higit sa lahat, sinasabi ng Biblia na ang mapanira ay kahanay ng mamamatay tao at tiyak na hindi magmamana ng kaharian ng Diyos (I Cor. 6:10).


A Call to All True Defenders and to Those who Have Genuine Concern           for the Church

A few days ago it was announced in social media that there would be a vigil or rally in Tandang Sora.  Some Facebook users shared it while others re-posted it thinking that it was an accurate and official announcement. This kind of irresponsible action could result to more harassments against our brethren who live in TS. It is not the first time that quite a few of those who belong to such group have tried to outdo each other in posting and disseminating unverified and false informations using the social media. Sad to say, it has become their way of life just as it has become their habit to spread malicious accusations against others, sowing division and animosity among the defenders. There are times when false informations are also used to solicit money from the unsuspecting. Because some of them have not yet ceased calling for a vigil despite the cease and desist order they have received, we are forced to inform you that brother Jun Samson and those who are with him have nothing to do with such announcement especially when we feel that holding an untimely vigil may cause harm to the brethren, defenders or not.

 

We appeal to every defender engaged in social media (Facebook, Twitter, etc…) not to use the said medium to deceive and mislead the brethren, instead, it should be used to provide correct and trustworthy informations such as, what is truly happening in the Church, and most of all, Bible based messages in order to defend the truth and the Church against its wayward leaders. We also call on everyone not to readily believe whatever they read in social media and be tempted to share unverified and poisonous postings. May everyone realize that when a posting intends to destroy one’s image, the one who posted it, most probably, is a reviler and has no good intention, thus, must be rejected. People say that “he who readily believes anything he hears or reads doesn’t really care about others and even about himself.” Most of all, the Bible says that a reviler is like a murderer who will surely not inherit the kingdom of God (I Cor. 6:10).

 

 

OUR HEARTFELT CONDOLENCES TO THE LOVED ONES OF SISTER AIDA “TITA AYDS” VILLANUEVA VIÑA

 

tita_ayds

We feel your deep sadness for the passing away of TITA AYDS. Many of us have known her for quite sometime. How can we ever forget her kindness, her being shy, and her controlled but genuine smile? What will linger most in our memory is the fact that she never failed to be on the side of Mommy Tenny assisting her wherever she goes. Although equally many are those who do not know her personally, yet “Tita Ayds” as she is fondly called by many has became a very familiar name because of the good things they hear about her.

We have no doubt that God willed that she be laid to rest, to spare her from further sufferings caused by the miseries that beset the Church and you, her loved ones. We pray to God that her demise will not be used by your oppressors to increase the pain and persecution you are now experiencing, instead, you’ll be given the opportunity to mourn her death. May our loving Father console your grieving hearts. PLEASE ACCEPT OUR HEARTFELT CONDOLENCES.

“For I am already being poured out as a drink offering, and the time of my departure is at hand. I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith. Finally, there is laid up for me the crown of righteousness, which the Lord, the righteous Judge, will give to me on that Day, and not to me only but also to all who have loved His appearing.” (II Timothy 4:6-8)

FROM THE DEFENDERS


TAOS-PUSONG PAKIKIRAMAY SA MGA NAULILA NG KAPATID NA AIDA ” Tita Ayds ”  VILLANUEVA VIÑA 

Dama po namin ang inyong kalungkutan sa pagpanaw ni TITA AYDS. Marami sa amin ang nakakakilala sa kaniya. Hindi namin malilimot ang kaniyang kabaitan, ang kaniyang pagiging tahimik, at ang tipid subalit mula sa puso niyang mga ngiti. Higit sa lahat na mananatili sa aming ala-ala ay ang sa tuwi-tuwina’y pag-alalay niya kay Mommy Tenny saan man sila magtungo. Marami rin ang bagama’t hindi siya kilalang personal ay familiar na sa kanila ang pangalang “Tita Ayds” dahil sa pawang magagandang naririnig nila tungkol sa kaniya.

Wala kaming alinlangan na itinulot na ng Diyos na siya ay pagpahingahin upang di na madagdagan pa ang paghihirap ng kaniyang kalooban dahil sa mga nakikita niyang kaganapan sa Iglesia at labis na paghihirap at pagpapahirap sa inyong mga mahal niya sa buhay. Dalangin namin na ang kaniyang kamatayan ay hindi magamit sa lalong panggigipit sa inyo kundi mabigyan kayo ng pagkakataon na ipagluksa ang kaniyang pagpanaw. Nawa ay aliwin ng kapangyarihan ng Ama ang namimighati ninyong damdamin.

TANGGAPIN PO NINYO ANG TAOS PUSO NAMING PAKIKIRAMAY.

“Sapagka’t ako’y iniaalay na, at ang ang panahon ng aking pagpanaw ay dumating na. Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa Kaniyang pagpapakita.”  (II Timoteo 4:6-8)

MULA PO SA MGA DEFENDERS

SAGOT NI BOB CALEB TUNGKOL SA incdefenders.org

Kay Boyet nga ba o sa grupo niya ang incdefenders.org?

Ang mensaheng sagot po na ito ay ipinadala ko sa grupo nina Ka Louie, Nina at Boyet, na pinadaan ko po sa internal email naka kopya po ang mga kinauukulan sa incdefenders, hindi ko po ito pinadaan sa facebook post para na rin po sana sa loob na lang ng incdefenders , pero dahil sa walang tigil na panloloko sa mga kapatid na walang kaalaman, ay ito na rin po minabuti ko na rin pong mabasa ninyo ang katotohanan sa mga inimbentong paninira nila laban sa akin.
Alang alang sa mga kapatid na nailigaw ng kanilang mga nabasang paninira.

Ka (Nina) Liezl,

Kumusta ka na. Sana itong email na ito ay makapagbigay ng linaw sa iyo at sa mga kasama mong patuloy na naguusap sa FB para idiscredit ako at ang iba pang kasama naming Defenders. Gusto kong linawin ang tungkol sa website at domain name itself, this is for your complete understanding regarding the domain, para hindi tayo naililigaw ng mga speculations.
Attached din dito ang mga usapan nyo sa social media tungkol sa akin, na sana ay tinanong mo nalang ako dahil nakakatawag ka naman, but instead you guys posted it on facebook and it appeared that you guys are ganging up on me!, kaya ito ay paglilinaw lang sa mga gusto ninyong malaman. Kaya tama na sinunod ko ang sabi sa akin ng Ka Angel kahapon na sa halip na sa FB ay dito na lamang sa email ko ipadaan ang mga mga dapat na linawin.

Kung matatandaan mo nung unang nagka contact tayo through e-mail with Boyet, hindi ko pa ginagamit ang incdefenders, pero yon ay nairegistered ko na bago pa man kita nakilala. Nagsimula yan noong mga unang weeks na naguusap kami ni Boyet (na AE noon – may tiwala pa ako sa kaniya) sinabi niya sa akin kung maari ko daw gawing website na ang blog niya sa wordpress (iglesianicristosilentnomore.wordpress) dahil natatakot siyang baka ito ay mahack. Sabi ni Boyet gawin ko daw iglesianicristosilentnomore.wordpress.com. Ang sagot ko kay Boyet, (kinu-kuya ko pa siya noon) sabi ko, “Kuya kapag silentnomore parang hindi magandang pakinggan lalo na kung mabalik na ang malinis na kalalagayan ng Iglesia”.
Ang silentnomore kako ay parang radical ang dating – samantalang ang ultimate goal natin ay ipag-sanggalang (defend) ang Iglesia at ang aral na tinaggap natin sa Diyos, dapat tayo ay to DEFEND! On the other hand, ang silent-no-more is to ngawa o ingay parang mga aktibista lang. Kaya suggest ko sa kanya hahanap ako ng defend or defenders.

That night, nagresearch ako ng pangalan – taken na ang defenders.org – kaya nilagyan ko ng inc kaya naging incdefenders ang domain. Masaya kong ibinalita sa kaniya (kay Boyet) na nakuha ko na ang bagong domain na appropriate sa cause incdefenders.org, nabili ko at naiparegister ko ang incdefenders.org and all toplevel domain/ locked and secured.

Pinagusapan namin ang justification ko, why incdefenders? Dahil sa oath taking form ng officers (kahit anong tungkulin at kahit Ministro) ay ipagsasanggalang ang Iglesia sa mga kumakaaway – to defend the Church against all adversaries. Isa pa ay yong sa awit na 199 na may defend, kung maalala mo may audio pa akong inilagay sa unang design. Na established ko na ang domain at other platform (email and online storage), kaya sabi ni Boyet ay papaano itatawag. Ang sabi ko sa kaniya ay ipaparallel natin habang hindi pa naiba-backup ang silent-no-more at patitibayin ko on the side ang incdefenders na established ko.
Doon ko pa lang naibalita kay Julie na may mga domain na ang cause, ang nakakaalam pa lang noon ay ako si Boyet at si Julie. Ang mga ito ay binanggit ko na rin kay Ka Louie (dahil kaya siya nakasama dito sa cause na ito ay tinawagan ko siya at mula noon ay nakasama na siya hanggang una akong nacompromise dahil sa phone niya – itanong mo yan sa kaniya para naman malaman mo ang totoo).

Si Maggie Noypi – ang unang nag post ng tungkol sa identity ng cause bilang mga INCDEFENDERS sa Facebook. Sabi niya doon ay mula ngayon ay tatawagin na tayong incdefenders hindi kung ano-ano. Pero yong grupo ay nagreact dahil ayaw nila ng bagong tawag (kundi ako nag kakamali yung user names na Xander, at si Katnize pati yata si Aristeo ay nag comment , sabi nila dapat ay “warriors” na palagi nilang mga tawag sa sarili nila o kaya daw “guardians”! Mahabang paliwanagan yan noon kung bakit incdefenders… sabi ko kay Ka Julie nasabi ko na yan kay AE, nabili ko na ang domain, officially registered na, certified and secured na. Kung ayaw nila pwede nilang huwag gamitin at hayaan ko na lang magexpired or kapag maayos na Iglesia pwedeng gamitin ang domain sa website para sa mga debate or kung ano pang pandefend sa Church at doctrines natin.

Tumulong na sa akin si Julie sa expenses ng pagcreate ng mga web design & hosting and tools and some other expenses (NOTE : sa webdesign etc. hindi sa domain). Nagkaroon ako noon ng conference bridge platform para makausap ko kayo. Hanggang sa makatulong na si MJ (Arvin) sa mga pag-create at pag post ng mga images para sa verses at minsan ay pinag eedit ko siya at pinagpupuyatan namin yon. Inoffer ni Ka Louie ang assistance ni MJ dahil alam niyang ako lang mag isa ang gumagawa ng lahat. Nakatulong naman siya noong una, pero ang mga design tools at subscriptions na yon ay nascrap ko na, wala na yong dati. Nagbago na ang layout at itong huli hanggang ngayon, ay may maayos akong mga katulong sa web content.
Kung maalala mo ang video ng panawagan ni Ka Angel yon ang naging pinaka official na launching ng incdefenders.org (naka test link pa nga in the first day (wix.com.bobcarp1o), dahil yong mga unang layout ay hindi appropriate sa event na ilabas ang video) noong July 2015.
Noong makausap ko na ang nangangalaga sa atin ay pinalagyan niya ng Bible verse, sinabi ko kay ka Louie, at kami ng nangangalaga sa atin ang naghanap ng aangkop na verse, may mga pinagpilian kami. Then, napili ng nangangalaga sa atin ang Jude 1:3 mula doon nag karoon na ng talata ang theme natin – kaya and domain as logo ay may subtitle na Defenders of the Truth. Itong mga katotohanan na ito ang paulit ulit kong sasabihin sa tuwing aking ipapaliwanag ang mga ito dahil ito ang totoo. Hindi ako mag babago ng pananaw dahil ito ang totoong nangyari. Alang alang sa Iglesia at sa mga kapatid na nagkaroon ng kalituhan sa mga pangyayari magsisilbing bahagi ito ng katotohanan at history.

Pinagisipan nyo ako ng masama at siniraan sa pamamagitan ng mga tsismis at mga spekulasyong mali!! Pumapatay kayo ng kasama nyo dahil sa inggit? Nananahimik ako at patuloy kong sisikapin maging mahinahon alang alang sa Kapayapaan at Pag-ibig na utos ng Diyos. Kaya panalangin ko maging matatag ako, pero bilang tao ay may hangganan din yon. Kailan man hindi ako papanig sa mali, ang inaakala kong totoong kasama ay hudas pala! May prinsipyo ako, lalaban ako at maninidigan sa tama hanggang sa huli, ang Diyos ang hahatol sa atin.

Ang nakakapagtaka, sino at kaninong kaisipan na sa iyo o kay Boyet ang domain, dumating ka at nakasama ko sa paguumpisa ng incdefenders (pangangalaga) ay established na ang platform. Sino ba si Bong Ponce hindi ko pa siya kilala at hindi ko pa siya nakikita, bakit kung magkwento sya sa Facebook e para bang kilalang kilala ako, kung makapag salita e akala mo may napakalaking utang sa kaniya ang magkakapatid (sirs at mam) at ang cause na ito. Ang lakas ng loob na sabihin na ibalik o iturn over sa inyo ang username at password domain?? Ano bang alam niya dito? Ano bang nagawa na niya sa cause bukod sa magdaldal at manira sa Facebook directly sa akin?? Inaanak daw siya ni Ka Lottie, anong kinalaman ng pagiging inaaanak niya dito sa cause? Pang name drop lang? Natanggap ko at nabasa ang mga usapan nyo tungkol sa akin sa FB maging mga iba pang thread na ipinararating sa akin. Para kayong mga nangbu bully sa FB (di ba pinayuhan na tayo tungkol dyan?)
Kung maalala mo, noong interrogation ko na nakausap ko ang Ka EVM, nang malaman ni Ka Eduardo kung sino ako dahil sinabi daw sa kaniya ni Boyet kung sino ang tunay na Bob at anong role ko. Sinabi din niya na ako ang may-ari ng incdefenders.org at platform. Hindi ba sinabi ko sa inyo na yon ang pilit na hiningi sa akin ng mga huling interrogation at pamimilit sa akin?? Hindi ko ibingay! Una, content at design na lang ang minamanage ko, ang domain access ay ibinigay ko kay Julie. Ngayon sino ang nag uutos kay Bong Ponce na kunin ang domain sa akin? Ikaw ba o si Boyet? Kanino nyo ibibigay.? Matutulad din ba ito saiglesianicristosilentnomore.wordpress.com na ibinigay ni Boyet ang password sa Sanggunian, pati mga email ng lahat defenders ibinigay ni Boyet sa Sanggunian (under duress daw!?)

Ang itinatanong ng mga Defenders ay ito; Alam ba kaya ng nasa #36 (Ka Lottie & Ka Angel) ang mga pinopost ninyong mga paninira sa mga defenders sa Socila Media? Samantalang tuloy-tuloy ang payo nila na huwag mag sasalita ng hindi maganda sa FB! Alam ba ng magkakapatid ang mga TOTOONG nangyayari na paninira ninyo sa akin at sa mga tunay na Defenders? Alam ba nila na pinag-tatawagan ninyo nina ka Louie isa-isa ang mga Defenders sa bawat bansa at east coast para siraan lamang ako? Pinapayagan ba nila ang paghihingi ninyo ng pera sa mga kapatid pasa sa personal na pangangailangan ni Boyet? Alam ba din nila na kayo ang nag initiate ng meeting sa zoom para lang ipahiya daw si Bob? Nasabi mo rin ba sa kanila, na kayo nina Boyet at Ka Louie ang nagumpisa ng pagkalito at pagkabaha bahagi ng incdefenders at alisin ang pagtitipon (EGM)?

Tawagin nyo na lang ang grupo nyong warriors o guardians kung yan ang gusto nyo, dahil yan naman ang mga katawagan  sa mga sarili nyo noon sa silent-no-more.  Baka yan ang aangkop sa inyo dahil humiwalay na nga kayo nina Ka Louie sa incdefenders and we respect your decision at sanay maging malinaw na kami (incdefenders) ay walang kinalaman sa mga pinag gagawa ng grupo ninyo nina Boyet lalo na ang panghihingi ng pera sa mga kawawang kapatid.
Kung ayaw ng grupo nyo sa akin at sa mga kasama namin ay hindi na mahalaga yon, wala akong magagawa kung yon ang abot ng pananampalataya nyo. Pero magpapatuloy ang incdfenders kahit iniwan nyo at siniraan kami. Hindi sila sumsunod sa cause na ito dahil kay Bob ang incdefenders ay hindi si Bob ito ay para sa pag akay sa mga kapatid at makabalik sa malinis na Iglesia, sumusunod sila at nakikipag kaisa at manindigan sa tama! Hindi tatakpan ang mali! Ganyan ang totoong Defender, ang incdefenders!!

Magpapatuloy ang incdefenders.org sa malinis na simula gaya ng iginabay ng nangangalaga sa atin. Pawang katotohanan at aral ng Diyos ang lalabas sa website na yan, hindi paninira, hindi kasinungalingan. Angincdefenders.org ay hindi paglaban o pagsira sa Iglesia, ito ay para sa mga kapatid na naghahanap ng lakas at liwanag ng katotohanan. ibibigay ko lamang ito sa dapat na kau-kulan sa malinis at mapayapang Iglesia.
Ang Diyos ang tunay na Defender ng Iglesia Ni Cristo kagaya ng turo sa atin, tayo ay defenders ng katotohanan sa pamamagitan ng pagsunod sa aral ng Diyos na hindi nagbabago sa pagtakbo ng panahon (Jude 1:3). Sa tulong at awa ng Ama ay patuloy pa na palalakasin itong website na ito para makapag palakas sa mga kapatid, pakinabangan nila at maging daan ng pagkaunawa sa tama, pagpapanatili ng Pag-ibig at magkaroon ng paggalang sa bawat isa.
To sum it up, na establsihed ang incdefenders domains without you and Boyet!

Pasensya ka na kung mahaba ito, pero kailangang masabi ito para sa ikalilinaw ng lahat. Maraming salamat sa oras mo.

Ka Bob

MGA SAGOT SA MGA AKUSASYON KAY BOB CALEB

April 11, 2016                                                                  ENGLISH version

Mga Mahal na Kapatid,
Sa mahaba na rin pong panahon ng pagsisikap namin na mapanatili ang maayos na samahan at nagkakaisang damdamin bilang mga defenders. Sinikap po naming manahimik at alang alang na rin sa kapayapaan ng gawaing ito. Gaya ko po, walang sino man ang pinilit sa atin. Lahat tayo ay narito akay ng pag-ibig, pananampalataya at pasiya ng puso natin na manindigan sa tama nang makita natin ang kalalagayan ng Iglesia ngayon. Hindi tayo narito para maghimagsik o lumaban sa Iglesia kundi manindigan at ipagsanggalang ang katotohanan. Pinag-uusig tayo ng tao pero hindi tayo kailaman tatalikod sa aral ng Diyos.

Ako po ay naniniwala na kaya natin piniling manindigan ay alang alang sa pagmamahal sa Iglesia at pag ibig sa Diyos. Itinuturing ko pong malaking biyaya ang ako’y maging bahagi ng gawaing ito na makatulong sa pangangalaga sa mga kapatid na inaapi, mga itiniwalag at mga patuloy pang ginigipit ng mga tiwaling Ministro. Kung bakit ako napunta sa gawaing ito ay ang Ama lamang po ang nakakaalam dahil Siya po ang nakakatalos ng puso natin. Gaya ng palagi kong sinasabi sa ating mga kasama wala akong kabuluhan, hamak na alipin lamang ako. Ang mahalaga po ay mapangalagaan at mapalakas natin ang mga kapatid  sa mga pagtitipon na ating isinasagawa. Lamang ay nakakalungkot na ang lahat ng dakilang layunin nating ito ay naapektuhan dahil sa ilang mga gumagawa ng baha-bahagi at mga pagsisiraan sa pamamagitan ng pagkakalat ng mga maling impormasyon at napapaniwala ang marami. Marahil ay dala lamang ito ng kakulangan ng pagkaunawa ng iba. Kahit nasa puso nila ang totoong paninindigan ay nasasaktan, nalito at nag-pupuyos ang kanilang damdamin dahil sa maling haka, nababasa at naririnig nilang paninira ng mga taong may ibang layunin.

Bagama’t wala po akong FB ay nakakarating sa akin ang mga issues at paninira sa akin at lahat ng ito ay tinitiis ko na lang at manahimik dahil ito ang inakala kong tamang gawin at ipaubaya na lang sa Ama ang lahat. Ito rin ang  payo ng nangalaga sa atin. Maaring nabasa na po ninyo ang mga paninira at bintang sa aking pagkatao, bagay na nakakasakit at nakakadurog ng puso dahil kung susuriin nating mabuti ay taliwas sa ating tunay na adhikain.
Masasakit man ang mga paratang sa akin ngunit ang lahat ay aking tiniis upang ito ay huwag ng makadagdag pa sa dalahin at tiisin nating lahat na mga Defenders. Hindi po ako matuwid. Tulad po ninyo, ako rin ay nagkukulang at nagkakamali.  Ngunit alang alang sa gawaing ito, sinikap kong gawin ang makakaya sa ikaayos ng pangangalaga para mga kapatid na naninindigan para sa kapurihan ng Diyos at hindi para sa kanino mang tao.

Marami pong mga Defenders ang sumusulat at nagpapaabot ng pagnanais na magpost ng kanilang saloobin na nasasaktan na rin sa mga ginagawang mga kasinungalingan at paninira sa akin. Ngunit sila po ay natatakot na i-bully rin sila sa social media.Akin pong ipinagpapauna sa inyo na sa mga hinaharap ay maaaring marami pang mga paninira ang gagawin ng kabilang panig laban sa akin pero mananatili po ang katotohanan na ito ay hindi laban kung sino si  Bob Caleb Allison (Bernard Garcia), hindi ito pasikatan, kung sino ang matuwid at hindi. Hindi po ito laban ng kung sino man, kundi sa totoong aral po tayo maninindigan na ating tinanggap sa tunay na Iglesia ni Cristo nang tayo’y mabautismuhan at natatakan ng Espiritu Santo at hindi ito dapat na mabago sa pagtakbo ng panahon dahil yon ay tatak natin bilang mga anak ng Diyos, dito tayo hahatulan ng Ama.

Nawa po ang sulating ito ay makapagbigay sagot sa maraming katanungan bunga ng mga paninira. Ang iba naman ay isa- isa nilang tinatawagan para siraan ako at ang mga kasamang nating Ministro para lamang mahikayat na sumama sa grupo nila. Kinailangan po ang pagsagot na ito sapagkat  nakita po natin ang masamang layunin ng mga taong nagpapakalat ng mga paninira, ito ay ang magka bahabahagi ang defenders at sirain ang pagtitipon (EGMs).

Ang layunin po natin ay mawala na ang pagkalito, mawala ang baha-bahagi, mawala ang pagsisiraan sa halip ay magkaisa ang para lahat sa banal na gawain. Ipanalangin natin sila lalo na ang mga nalason nila ang isipan na mabago ang puso nila, maibalik ang banal na adhikain para sa Iglesia at huwag silang mauwi sa pagsusulong ng personal na agenda.

Narito po ang aking paglalahad ng KATOTOHANAN, hindi po ito paninira lakip po ang mga ebidensiya at patotoo. 

Nagpanggap daw po si Bob na siya si Kapatid na Marc?
Kahit kailan ay hindi po ako nagsabi na ako ang Kapatid na Marc Manalo. Noong panahong hindi pa po ako tiwalag ay nangailangan din ako ng pseudonym tulad po ninyo na nasa talaan pa noon.  Kinailangan ko din po ito upang maingatan ang aking sambahayan sa kanilang mga tungkulin at ang akin din pong tungkulin bilang Diakono, Pangulo ng Ilaw ng Kaligtasan at Guro sa Pagsamba ng Kabataan sa lokal ng Elizabeth, NJ.  Hindi po totoong lumipat ako ng Manhattan NY gaya ng sinabi ng isang paninira sa akin. Sa lokal po ng Forest Hills lamang ako natala sa NY noon. Madami po ang nag-akala na ako po si Ka Marc dahil sa malaki daw pong pagkakahawig  ng aming boses noong panahong ako po ay nagsasalita sa mga pagpupulong, EGM at GEM. Tanging boses ko lamang po ang naririnig at ako ay di po nagpapakita ng mukha. Kahit minsan ay hindi po sumagi man lang sa aking isip na sabihin sa mga kapatid na ako si Ka Marc. Hindi ko rin po sariling kalooban ang mga sinasabi ko at ipinaabot sa mga pagtitipon po noon kundi ang mga iyon ay tinatanggap ko at isinangguni sa nangalaga sa atin at sa mga Ministrong gumagabay sa atin. Lahat po ng yon ay pinagkakaisahan at pinag-uusapan muna namin nina Ka Jun, Ka Louie at Ka Joven.  Opo, ako ang palagiang nangunguna sa mga pag pupulong at mga pagpaplano para sa pangangalaga, pero hindi po sa paglaban sa Iglesia, kundi sa mga pagpapahatid lamang ng mga payo batay sa mga talatang ibinibigay sa akin ng nangangalaga.

Alam ito ni Ka Louie Cayabyab. Alam po niya ang totoo na ako ay kausap ng nangalaga sa atin at palagian akong nakaugnay sa nangalaga sa atin dahil sa pagkakatapos naming mag usap ay ipinaabot ko sa kanila ni kaJun Samson ang mga bilin  at aming mga napagusapan tungkol sa pangangalaga. Ang totoo po minsan (1 beses lang) na rin pong naipa-kausap ko si Ka Louie sa nangangalaga noon.

Dumating din po ang panahon na ako’y nahihirapan sa pagtimbang sa pakikisama dahil si Ka Louie ay may mga instruction sa akin na kaibayo sa ipinagagawa ng nangangalaga sa atin. Ayaw din niya na nakikipag usap ako kay Ka Jun Samson, kapag may importanteng bilin at sinabi ko kay Ka Jun Samson ay kinukwestion niya ako na para bang ako ay obligado na sabihin sa kaniya lahat ng sasabihin sa akin ng nangangalaga. Maraming pagkakataon na sinasabi ni Ka Louie na sabihin ko na lang daw sa nangangalaga na hayaan na lamang si Ka Jun Samson sa Pilipinas at siya (ka Louie) ang ilagay na leader sa Amerika. Uulitin ko po, ako po ay sumusunod lamang sa tagubilin ng nangangalaga sa atin.

Ang nakakalungkot, matapos nating mailabas si ka Lowell “Boyet” Menorca II sa kanyang detention daw sa Sentral(??), ay nagbuo na sila ng grupo nila, dito na po nagsimula ang paninira sa akin at sa ilang key defenders, kina Ka Jun at Ka Joven. Ako daw po ay nagkunwari na si Ka Marc.  Makaraan lamang po ang ilang linggo si Ka Louie po  ay humiwalay na noon pa sa defenders at nag grupo sila ni Boyet,  itong grupo nila ang nagpakalat at pinaniwala ang mga kapatid na ako daw ay impostor dahil daw sa pagsasabing ako si Ka Marc. Noon ay tiwala ako sa kaniya dahil alam kong Ministro siya at inakala ko po na hindi siya magsisinungaling, pero umayon siya sa paninira sa akin ng grupo nila samantalang alam niya na hindi ako kailanman nagpanggap na si Ka Marc. Gumawa pa sila ng malisyosong kwento na si Bob daw ay mole o espiya, at iba’t iba pa laban sa akin para masira ang  EGM.

Si Ka Bob diumano ay naibalik na sa talaan?

Hindi po totoong ako po ay naibalik na sa talaan at lalong hindi rin po totoo na ako ay nagbabalik-loob.  Tiwalag pa rin po ako hanggang ngayon.  Bakit po nila alam nakatala na ako samanatalang ako po mismo ay hindi ko alam?  Sa totoo lang po, 12 beses akong na-interrogate bago nila tuluyang itiniwalag.  Naalala ko pa po may isang pagkakataon na sumamba ako, yung pang-siyam na interrogation ko. Pagkatapos po noon ay isinama ako sa kuhanan ng picture ngunit kinabukasan ay may nag text sa akin tungkol sa blog at post sa social media at may nakalagay na, “We Are One With EVM”. – kung alam ko daw po yon?

Nabigla po ako dito at naisip  ko po na maaring gusto nila akong palabasing “mole” (espiya /double agent daw ng Sanggunian) upang siraan ako sa mga defenders  at ang gawaing ito. Kasunod na rin po nito, ang ako’y inilabas sa post ng isang blogspot tungkol sa RTC na ito po ang nag compromise kung sino si Bob na may picture at snapshots ng corporate documents ng RTC.

Ang tanong po, sino ang nagbigay  o nag compromise  sa akin sa Sanggunian? Di yata at kinompromise ko ang sarili ko na noon ay di pa tiwalag? Sino po ang mga matindi ang paghahangad at pagpaplano na maalis  si Bob kaya lahat ng paninira ay palalabasin nila? Bakit sila ay may kaalaman sa mga ititiwalag?

Bully

Sundan po niyo ang mga kasagutan sa bawat akusasyon , pagtiyagaang basahin at unawain, masasagot po ito sa inyong isipan kung sino ang  tunay na nanggugulo sa Iglesia at ngayon naman ay sumisira sa defenders.

vendeta_gago

 

Tiwalag si Bob at hindi kasama ang kaniyang sambahayan?
Nagtataka ako na sa halip na sila’y matuwa  na mayroong hindi mga natiwalag ay ginagamit nila iyon para siraan ang kanilang kapwa defender. Sa nalalaman ko ay hindi lamang ito sa akin nangyari, meron ding ilan na ang pamilya ay hindi kasamang itiniwalag. Kung ano ang dahilan ay hindi ko alam at ayaw kong mag speculate. Walang kinalaman ang aking sambahayan sa aking desisyong maging defender.

Ang 300 daw na natiwalag diumano ay dahil kay Bob?

Wala pong katotohanan ang paratang na ito!  Ang impormasyon po na may ititiwalag daw na 300 na kapatid ay nakita ko lamang po sa mga text blasts na isinagawa ng grupo ni ka Louie Cayabyab, ikinagulat ko po na ibinibintang pala sa akin yon dahil ako daw po ang nagbigay ng mga pangalan ng mga ititiwalag.  Dahil  daw sa tiwalagan  at pakikipag-ugnayan sa Sanggunian ay niregaluhan po nila ako ng isang Lexus na sasakyan.

Isang hayagang paninira ito at kasinungalingan. Hindi po ba at ito ang ating nilalabanan mga gawain ng sanggunian ang magpakalat ng kasinungalingan? Anong nangyari sa grupong ito at naging kapareho na sila sa pag gawa ng paninira at pagsisinungaling? Ito ba ang niisip nila na paraan para makahikayat ng sasama sa grupo nila? Nakakaawa ang grupong ito umabot na sila sa ganitong karuming gawain, ang magsinungaling at manira.

lorelaylay

Ang katunayan po na pagbibintang lamang ang mga ito ay ang sinanasabi nila na ako rin daw ang naging dahilan ng pagkakatiwalag ng mga kabilang sa grupo ng Davao. Samantalang alam na alam po ng lahat ng mga nakadadalo sa EGM na sila  mismo ang malimit na nagpapakita at nag papakilala sa kanilang sarili sa zoom sa kabila ng paalala sa kanila na kung hindi sila handang matiwalag ay huwag silang magpakita.

Ang Lexus po na binabanggit ay isang second hand na biniyaya po ng Ama sa akin at buwan-buwan ko pong hinuhulugan galing sa aking suweldo (hindi ko hiningi kanino mang tao).  Madali lang pong makakuha ng sasakyan dito sa Amerika basta po may pang down payment at may trabaho ay mabilis maaprubahan ng financing agency.  Eto po ang proof ng aking receipt of car purchase/loan. Ipinalabas po ng grupo ni Boyet sa social media ang paninirang ito sa layunin na masira ako at mapaniwala ang mga inosenteng kapatid na huwag ng  dumalo sa EGM.

lexus_soc_med

lexus

Sa EGM daw diumano nanggaling ang mga natiwalag at ititiwalag pa?

Kung nanggaling man po yon sa Ecclesiastical Group Meeting (EGM), wala po akong kinalaman doon.  Bakit nasabi po nila na sa EGM galing yun?  Dahil po ba ang kanilang grupo (GPM) ang nagbigay? Noong panahon po na ako ang host, ay hindi ko po nakikita ang mga pangalan ng users at hindi rin po totoo na napi-picturan ang mga dumadalo, maliban na lamang po kung ang kabilang grupo po ang nag-screenshot noong hindi pa po webinar format ang ginagamit.  Noong panahon na hindi pa po webinar ang format ay hindi po ako ang palaging host kundi ang anak ni ka Louie Cayabyab na si Arvin at siya ring Admin ng panahong yon.  Sila lamang po ang makakasagot kung ano ang kanilang ginawa at anong nangyari doon dahil sa ang kanilang platform po ang ginamit.

Noong ginawa ko na po na webinar format ng EGM, naisip ko po na mas maayos ito upang hindi po ma-compromise ang mga hindi pa tiwalag na mga kapatid na dumadalo ng EGM, dahil sa webinar format po ay hindi nakikita ang dumadalo at inalis na rin po namin ang ‘meet and greet portion’ pagkatapos ng leksiyon.  Ngunit si ka Louie po ay nagreklamo na hindi daw masaya kung walang ‘meet and greet‘ kaya’t ito po ay ibinalik pero naging daan ito upang ang mga kapatid natin na bumabati ay makita at makilala ( at maaring na screen shot).  Agad ko po itong ibinalik sa webinar format at inalis ang ‘meet and greet’ portion mula pa noon hanggang sa kasalukuyan. Hanggat webinar format po ang ating pagtitipon ay nakakaatiyak po kayo na hindi  kayo mako compromise o makikilala at maging sanhi ng ikatitiwalag.

Note:  Ang tinatawag po na webinar ay seminar po on the web, na ang mga dumadalo ay para lamang nanonood ng telebisyon.  Hindi po namin nakikita ang viewers.  Ang nakikita lamang ay ang mga usernames ng mga dumadalo na karamihan ay mga pseudonyms lamang.  Kahit po ang Ministrong nagtuturo ay hindi rin po nakikita ang mga dumadalo.  Malaman nyo lamang po ang webinar ID ay malaya na pong makakapanood ang viewers.  Hindi po totoo na nakikilala namin ang mga dumadalo na may viewing capacity na 500 attendees sa bawat EGM.

Ganito lamang po ang tipikal na larawan ng webinar format na amin pong ginagawa sa EGM via  ZOOM.

EGMview

Nang-hack  daw si Ka Bob ng mga emails sa EGM at ibinenta sa Sanggunian, pumunta sa Texas  at nakipagkita sa isang tagapangasiwa (01 -ka L. Castilliones?), kaya daw hindi safe ang EGM? 

Nakarating po sa akin ang balitang ito noon pero hindi ko na lang po pinansin, subalit alang alang sa mga kawawang mga kapatid na napapaniwala ng mga mapaghatid dumapit, ay sasagutin ko po.

Ang totoo po marami na akong napuntahang states pero  hindi pa po ako nakakarating sa Texas. Ang panahon po na sinasabi nila na ako daw ay bumili ng mahal na plane ticket ay Thanksgiving (turkey) Day. HINDI PO TOTOO ANG IBINIBINTANG NILA dahil  nang araw pong yon ay nasa bahay kami ng isang inaanak ni Ka Louie C. at nakikipag celebrate ng Thanksgiving, tinitiyak ko po sa inyo hindi po yon sa Texas.

marrieAbbie

 

WALA pong katotohanan na nakipagkita ako sa kung sino man  ang sinabi nila na kinatagpo ko doon na Sanggunian at HINDI po totoo na may hawak akong emails at wala rin akong ipinakuhang email sa EGMs. Si ka Arvin Cayabyab ang admin noong mga panahon na yon at nakakaalam ng mga emails ng mga defenders.

Ang layunin lamang po ng pagtitipon ay pagpapasigla, pangangalaga at pagpapayo sa mga natiwalag na mga kapatid na naghahanap ng ikalalakas ng kanilang pananampalataya sa kabila na sila ay natiwalag na, hindi para siraan o sirain ang sino man.

Kailangan daw ni Ka Bob na ibigay ang domain sa kabilang grupo dahil wala daw siyang kaparapatan sa domain ng website?

Ang sagot ko po tungkol dito ay nasabi ko na sa email  kay Nina , at doon ay malalaman kung ano po ba talaga ang layunin bakit po may incdefenders.org  Please click here

Ano ba ang Restore The Church Fund (RTC) sino ang nagpanukala nito?

Ang pagbuo ng RTC ay kaisipan at panukala ng Ka Louie Cayabyab na pilit niyang ipinasasabi sa akin sa nangangalaga na akin namang ginawa. Dahil sa pagpupumilit ni Ka Louie, ang sabi ko na lang ay  dapat maiiwas na madamay sa rehistro ang mga Ministro para maingatan ang kanilang tungkulin. Si Ka Louie Cayabyab ang nagbigay ng pangalan na Restore The Church sabi ko ay lagyan ng Fund dahil ang purpose nito ay para  fund management at baka isipin nila na ito ay isang religion. Naipareserve na daw ang pangalan at  ready na for registration at ayon Kay Jermaya  may tagubilin daw mula sabi ni Ka Louie na ang ilagay na president ng RTCF ay si Arvin C.  Sinabi ko po ulit sa kanila na hindi dapat yong may kaugnayan sa Ministerio. Iniingatan  natin  si Ka Louie dahil Ministro tapos ang anak niya ang magiging president? Kaya sabi ko kay Jermaya ay siya na ang mag president, si Nina ang treasurer at si Julie ang secretary,  hindi pumayag si Julie dahil asawa siya ng Ministro, kaya ako ang naisama sa signatories as secretary. Nang marehistro na ito ay nagtulungan na kami para isaayos dahil naroon na. Nilagyan na lang ng kaayusan sa tulong nina Ka Joven at  Ka Jun Samson. Umalis na rin po ako sa RTC noong ma compromise ako sometime Nov. 2015.

Ang RTC po ay binuo at pinarehistro para po sa ikaaayos ng pananalapi para mapigilan at maiwasan ang mga pagsasamantala ng iba sa sitwasyon na ginagamit ang pangalan ng mga magkakapatid lalo na po ang mga nasa Tandang Sora.  Nawala po ang RTC dahil ayaw po nina ka Lowell Menorca II at Ka Louie Cayabyab ng “too organized” pero bumuo sila ng bago (H2O).
Dito na po nagsimula ang lahat ng paninira sa akin dahil sa mga maaayos na pamamalakad na isinagawa natin sa gawain.

Si Bob daw ang nakinabang sa Restore The Church (RTC) Fund.  Diumano si Bob daw ay tumatanggap ng $3,000/ month bilang kabayaran sa pag-aasikaso sa organisasyon at sa    website ?

3k_depSlip

Ako po ay isa sa mga natulungan ng RTC ng halagang may kabuuan na $3,000 lamang at ito ay sa IISANG pagkakataon lamang kung kaya’t HINDI PO TOTOO ang usaping binabato nila sa akin na ako diumano ay nagpasuporta sa RTC sa mahabang panahon hanggang sa kasalukuyan.  Dahil po sa aking sitwasyon na nawalan ng trabaho at natapos na rin po ang consulting project ko, ngunit nakakuha naman po ako ng panibagong trabaho na napasabay naman sa kasagsagan ng pag-aayos ng  operasyon ng INCDEFENDERS. Ako lamang po ang nag-iisang fulltime na nakatutok sa pagbuo ng gawain at mga grupo, at tumutulong po sa pagsasaayos ng mga pagpupulong.  May mga nakatulong naman po ako pero paminsan-minsan lamang at hindi nila magawang tumutok sa gawain.  Dahil po doon, ay natuon ang lahat ng aking panahon sa cause na naging sanhi ng pagkakatanggal ko sa trabaho.
Noong panahong iyon, ako ay kasama pa sa RTC pero umalis na ako bilang Corporate Secretary nang ako ay mailagay sa blogspot at ako po ay na-compromised.

Gusto ko pong linawin sa inyo na hindi ko po nahahawakan per sé ang pondo dahil ito po ay nasa pag-iingat nina Jermaya at Liezl Diaz Deocampo a.k.a Nina Aguiluz, na siyang nagbibigay ng mga panggastos lalo na sa mga pangangailangan ni ka Lowell Menorca II at ka Joy Yuson.  Ipinagpapaalam lang po sa akin kung sino at saan gagastusin ang pondo at maliban po doon ay wala na po sa akin ang control ng funding.  Hindi po totoo na may dalawang RTC.  Iisa lamang po ang RTC na may dalawang bank accounts (isa po para sa operations at ang isa po ay para sa cause and expenditures). Hindi na po ito natupad dahil umalis na po ako sa RTC.  Wala na po ang RTC ngayon, pinalitan na nila ito ng ibang pangalan.  Kung paano po nila ito pinatatakbo ay hindi ko na po alam.

Email ko kay Nina Aguiluz (Liezl Deocampo- treasurer ng RTC)  click here => email about 3K
Ebidensya/ Proof ng naibalik ang perang naitulong sa akin.

3k_depSlipReceipt4KVF

Note:  ang email ko pong yan kay ka Liezl ay wala pong naging tugon sa aking mga katanungan dahil alam po niya na totoo po lahat ang nakalahad doon.

Totoo bang umasa na lang sa RTC si Bob?

Ang totoo po nito ay hindi ko naman dapat kailangang  ipaliwanag pa ang aking buhay kanino man, ngunit dahil sa hinihingi ng pagkakataon at alang alang sa mga napaniwala ay kinailangan ko pong gawin ito.

Matapos po akong matiwalag noong December 2015, ay biniyayaan po ako ng Ama ng bagong trabaho at nagsimula po ako noong 2nd week ng January sa isang global organization based sa New York, matapos kong makipag-meeting sa mga investors sa Paris, France para sa aking technology venture.

Kaagad ko pong nabalik ang naitulong sa akin ng RTC na halagang $3,000 sa pamamagitan din ng pagtulong sa nangangailangan.  Dahil nawala na nga po ang RTC, ay direkta kong pinadala sa isang Ministro na nangangailangan din ng tulong para sa legal case na isinampa laban sa kaniya ng Iglesia.  Kung susukatin po ninyo yung panahon ng aking pagkakawala ng trabaho hanggang sa makakita ako ng panibago, ay napakaikling panahon lamang ito kung kaya’t naging self-sufficent naman agad ako sa pangangailangan.

Hindi rin po totoo na humingi ako ng suweldo sa RTC kahit ito ay naging bahagi ng mga plano dahil hindi po nito kakayanin ng pondo.  Ito rin po ang ibinato nilang paninira sa akin na ako daw po ay isang “swindler”??.   Napakasakit na paratang at kasiraan yan sa aking pagkatao ngunit hinarap ko po sila sa isang conference (zoom), wala naman po silang napatunayan ukol sa bagay na yan kaya yon ay paninira lamang.

May mga Ministro daw sa Sentral na kausap si Ka Bob kaya siya daw ay mole (espiya ng Sanggunian)?

Totoo po na may mga nakausap akong mga Ministro sa Sentral, USMO, Distrito at Lokal. Ito ay dahil sa na nalaman na nilang ako ang Bob Caleb ng incdefenders. Ito po ay sa panahon na ako ay inuusig at ininterrogate at sa huli ay  itiniwalag.

Bago po ako itiniwalag ay may mga Ministro na tumawag sa akin mula Sentral sa opisina ng Ka EVM. Sila ang mga inutasan na kausapin ako  na sundin ang sinasabi ng Ka EVM na ako ay tumestigo laban sa RTCF (Restore The Church Fund), at ituro ang mga kasama sa incdefenders. Sinabi ko po na hindi ko kilala ng personal ang mga taong kasama sa incdefenders, may ilan lamang gaya nina Ka Louie at Ka Jun Samson at lahat ng iba ay pseudonyms at nasa social media, kaya, ang sagot ko ay sa FB sila maghanap.

Ang totoo po ay hindi naging magaan sa akin ang mga sitwasyon mula ng ako ay mai-compromise na nagmula sa cellphone ni ka Louie hanggang sa blog dahil nakilalang ako si Bob Caleb Allison kaya ang naging kasunod ay ang mga pag-atake nila sa akin sa social media (FB). Ilang buwan din po yon na linggo-linggo  ay paulit-ulit akong pinabalik balik sa opisina ng Destinado sa lokal para tanungin, insultuhin, takutin (hanggang sa inalisan nila ako ng lahat ng tungkulin) at paulit ulit na paratangan. May pagkakataon na kahit hating gabi ako ay ipinatatawag,  may sitwasyon din na hindi lamang isa ang susundo sa akin sa aking tirahan para kausapin, mentally  tortured and harassed pero awa ng Diyos at pagpapayo ng mga ministrong kasama ko ay nalampasan ko po yon.  Madalas  kapag tinatawag ako ay sasabihin na Desitinado ang kakausap  sa akin pero pagdating ko magugulat na lang ako na naroon ang taga Sentral, minsan ay 01, at  may pagkakataon pang galing sa U.S. main office, pero ang nakakapagtaka, hindi naman  ako itinitiwalag. Kaya ang totoo hindi lamang Ministro sa Sentral ang mga kumausap sa akin.

Dahil sa ako ay na compromised na, marami pong pangyayari na hinarap tayo alang alang sa mga adhikaing ito ng defenders na makatulong sa ikaayos ng Iglesia. Pero hindi ko alam na may mga kasama tayo na pinag-isipan na ng masama ang matagal at maraming interrogations sa akin (12 total). Ginawan na ako ng kwento na ako daw ay bumaliktad na at naging tao ng Sanggunian.  Noon din ay may isang pagkakataon na kinausap ako ng isang defender para makipagusap daw ako kina Ka Bienvenido Santiago, Ka Jun Santos at sa Ka EVM  para sa kapakanan ng Pamilya, para daw sa ikaayos ng lahat. Siguro po ito ay dala ng matindi niyang pagmamalasakit kaya inakalang ang pagkakasundo ng Pamilya ang magiging lunas sa problemang ito ng Iglesia.

Matindi ang panunuyo sa akin ng nabanggit na defender at siya daw ay may access at madalas na nakakausap ng isa sa mga senior member ng Sanggunian. Araw -araw ang pamimilit sa akin ng taong ito at sa pakiramdam ko ay dala ng totoong pagmamahal sa Pamilya at sa Iglesia. Matindi daw ang paghahangad ng Ka EVM na malunasan ang suliranin sa Iglesia. Ipinahanap daw ako at gustong makausap ng Namamahala para ipaabot ko ang mensahe sa Ka Teny at sa kapatid nila. Hindi ko alam na nakikipag-negotiate  siya (ang defender) na ipakausap ako sa Ka EVM para sa kapakanan ng Pamilya  na mabigyan ng ikabubuhay at bigyan ng layang mamuhay na hindi tinutugis ng Sanggunian. Nagpanata po ako ukol dito.

Hindi po ako pumayag na over the phone ang aking pakikipagusap sa Ka EVM at kung mangyayari yon ay dapat actual at personal kaya sila ang nag-ayos na sa ibang bansa ako pupunta. Nag-set siya ng meeting na papapuntahin ako doon sa ibang bansa para makipagkita sa Ka EVM at makausap ng personal at sabihin ang layunin ng mga defenders at mapag-usap na ang magkakapatid.  Ako po ay halos pumayag na sana noon dahil sa hirap na dinaranas ng mga magkakapatid sa Tandang Sora lalo na po ng panahong yon (at maging sa kasalukuyan man). Ang isang kundisyon nila noon ay kakausapin ko muna si Ka Jun Santos. Hindi ko po  kinausap si Ka Jun Santos.  Mabigat po ang  sitwasyon noon  para  sa akin dahil noon ay sunod-sunod ang mga panggigipit sa Tandang Sora at halos araw araw din naman ang interogation sa akin.

Ang plano nilang yon na pagpunta ko sa ibang bansa para sa pag uusap ay hindi  nangyari, hindi po niloob ng Diyos. Ito po ay dahil sa noong minsang ininterrogate nila ako naramdaman ko na ako ay ipapakausap na sa Ka EVM dahil sinabi ko na ayaw kong makipag-usap sa kanila kundi sa Ka Eduardo lamang.  Nang  ako ay umuwi ng gabing yon , nag-email kaagad ako at ipinag-paalam ko po sa Ka Teny na malamang na makausap ko na ang  Ka Eduardo na inaakala na isang magandang pagkakataon para maipaki-usap ko na magkausap ang Pamilya. Ang ipinarating po sa akin na sagot ng Ka Teny ay,  “Ang sagot ng mommy ay hindi ka niya pinapayagan at hindi ka rin niya pinagbabawalan. Mag-ingat ka lang daw at ingatan ka ng Ama”.

Nang sumunod na mga araw gaya ng inaasahan  ay muli po akong ipinatawag, habang ako ay pinagsalaysay ay biglang pumasok ang aming Ministro at ipinakausap ako sa Ka EVM over the phone.  Sa aking pakikipag-usap ay aking sinabi ang layunin ng incdefendders  na ito ay sa pangangalaga at pagmamalasakit sa mga kapatid na mga inusig at itinawalag at hindi po paglaban sa Iglesia. Kaugnay ng aming pinag-usapan ay tinanong niya ako kung ano ba ang aking nais na hilingin sa kaniya, at may pasubali pa Siya na, “Basta tandaan mo na sa Iglesia ay walang compromise”. Sinabi ko po sa Ka EVM  na wala po akong hiling  na para sa aking sarili, na ang tanging layunin ko po ay para makiusap sa inyo  na kausapin na po  ninyo ang  Ka Teny at ang inyong mga kapatid , yon lamang po. Hindi po ito nangyari dahil ang sabi ng Ka EVM ay papagsalaysayin ang kanilang Ina at mga kapatid na sila ay dapat na magpapasakop at tatanggapin ang posisyon niya bilang Namamahala ngayon.

Ang binalak ng isang  defender na aking nabanggit ay ipinasok ko din sa aming paguusap ng Namamahala pero hindi na niya binigyan ng pansin. Sa paguusap po naming yon ng Ka EVM ay doon ko rin nalaman na kilala na niya na ako si Bob at ang aking pangangalaga sa defenders. Sinabi sa akin ni Ka EVM na alam niyang lahat ang mga kasama sa incdfenders, kilala na rin ng Sanggunian  dahil ito ay sinabi na ni Lowell “Boyet” Menorca II sa kanila (under duress??). Nabanggit pa ng Ka EVM na galit sa akin si Ka Jun Santos dahil sa pagkabuo ng RTCF ( Restore  The  Church Fund). Doon ko po nalaman na alam pala nila ang mga aktibidad ng mga defenders dahil may kumunikasyon nga si Boyet at Ka EVM lalo na sa Sanggunian.

Kaya pala sunod sunod ang mga natitiwalag at nagsimula na rin ang mga character assassinations sa akin at sa iba pang defenders maliban doon sa ilang sumama sa grupo ni Boyet ngayon. Nauna dito ang pagkakalagay sa akin sa isang blogspot  at tungkol sa RTCF. Ang pinaka-sentro ng paninira nila ay para magkabaha-bahagi ang mga defenders na naninindigan sa tunay na aral ng Diyos.

Ang hindi po namin alam ng mga kasama ko sa incdefenders, ay si Ka Lowell pala ang noon pa man ay nakikipagugnayan sa Sanggunian (may mga katibayan po ito at ilalabas namin sa tamang panahon). Siya din ang nakikipagusap at nagpaparating ng tungkol sa lahat aktibidad ng defenders at ito ay ipinararating sa kaniyang mga contacts lalo na sa Ka EVM. Inamin ni  Boyet na siya ay may communication kay ka EVM sa isang pagpupulong noon kasama ang mga Ministro (via zoom) na pinangunahan ni Ka Jun Samson (kasama din po ako doon late nga lang akong nakapag-log in). Pero madiin niyang itinanggi ng sabihin ko sa kaniya sa pagpupulong na yon, na siya ang sinabi ng Sanggunian na nag-compromise sa akin,  sinabi niya “kahit mamatay pa ang anak at asawa ko, hindi totoo yon!” (pero tumakas ng may banta daw ang anak niya?? ito ba talaga ang dahilan kaya siya pinatakas ??) Ang mga kawawa na napaniwala, sila ba ang bumabalikat ng gastos ni Boyet sa abroad??Sino?

Kayo na po ang mag-isip kung sino ang ugat ng kaguluhang ito sa gitna ng defenders at bintangan kung sino ang espiya o tinatawag nilang mole. Nakakapagtaka na marami silang itinuturong defenders  at natitiwalag kaagad, pero ang mga kasama ni Boyet na napapakinabangan sa pagso-solicit ng pera ay hindi natitiwalag hanggang ngayon.

Pinagbintangan ako sa social media na ako daw ay naging mole o espiya ng Sanggunian?

FullSizeRender (3)

Hindi nyo po alam ang pinagdaanan ko, at mga isinakripisyo para sa gawaing ito para hatulan  nyo ng ganon na lamang? Huwag po kayong basta maniniwala sa mga paninira at walang patotoo. Opo may ilan sa mga tumayo na nagsasabing defenders diumano subalit nahayag ang mga personal agenda (may ebidensya tayo ng pagbebenta nila sa defenders kapalit o kabayaran sa kanila).

Mag-ingat po tayo, sila ang kasama sa mga pagsisiraan ngayon sa kalipunan ng mga defenders. Ilalabas din po namin ito para malaman ng mga kapatid ang totoong mga sumira sa Iglesia.

molesiboyet

Ganito po ang paninira nila sa akin sa social media maging kay Ka Jun Samson.

Alam po ng Ama ang puso ng inyong lingkod sa gawaing ito, hindi dahil sa kung sino man, hindi para sa tao kundi para sa Diyos. Dahil sa pagmamahal sa Iglesia at paninindigan sa mga aral at katotohanan na ating tinanggap. Walang bagay at katumbas na halaga o pera na kayang ibayad sa aking paninidigan, pag-ibig sa Diyos, pagmamahal sa Iglesia at pagmamalasakit sa kapatid.  Higit pa sa buhay at kapakanan ang nakataya sa paninindigan at prinsipyo kong ito para sa Iglesia.

Matapos po akong matiwalag noong December 2015 ay wala na po akong nakakausap na Ministro sino man sa kanila sa SentralAng mga tunay na Ministro na lamang na nakakausap ko ay  sina Ka Jun Samson at mga kasama na may totoong paninindigan sa katwiran ng Diyos.

Si Bob daw ang nag-compromise sa mga kapatid na nagdeposito ng mga tulong sa Chase Bank kung kaya’t sila ay natiwalag?

Wala pong katotohanan yan.  Napag-alaman po namin na may isang defender na nagtatrabaho sa Chase Bank na may access po siya sa mga information ng mga depositors sa RTC. Kinuha niya po ang lahat ng mga pangalan ng mga donors at kanya pong isinumite kay Ka Benefrido Santiago, ninong niya sa kasal. Ito po ay nalaman ko rin dahil doon sa 3rd interrogation sa akin, ay sinabi ni Ka Benefrido sa akin na ang tungkol sa RTC, na noon ay kakabuo pa lamang at iilan pa lamang ang nakakaalam. Ang lalong nakakapagtaka ay tinukoy din niya ang mga pangalan ng signatories sa RTC at ako nga daw ay isa sa mga yaon.

Pinag-iisipan pa po namin kung ang kapatid na ito ay irereklamo sa bangkong kanyang pinagtatrabahuan dahil sa kanyang ginawang “invasion of privacy” at “depositors’ confidentiality” na labag po sa kanyang trabaho at sa batas. Siya rin po ang dahilan kung bakit ang pagkaka-upload ng video ng ka Angel at ka Tenny sa Youtube ay biglaang na i-upload.

Ang Ecclesiastical Group Meeting (EGM) at ang Global Ecclesiastical meeting (GEM) daw ay para manghingi ng pera sa mga kapatid? 

Wala po ng katotohanan ang paratang na  ito. Ang totoo po pagtitipon at pangangalaga ang una at natatanging layunin kung kaya’t nabuo po ang INCDEFENDERS.  Ito po ay nagsimula nang pansamantalang nahinto ang postings ni Antonio Ebanghelista (AE), at nahuli (?) si ka Lowell Menorca II sa Sorsogon at nakulong (?) sa Cavite.  Ayon po ito sa payo ng nangalaga sa atin na nagbilin na hanapin at pangalagaan ang mga inaapi at itiniwalag na mga kapatid na noon po ay patuloy na dumarami ( hanggang sa kasalukuyan ).  Palakasin at payuhan upang maging matatag at makabalik po sa Iglesia pagdating ng angkop na panahon na ipinahintulot ng Ama. Kung ang isang nagbabasa ay nagsusuring mabuti, ang pagtitipong dapat niyang daluhan ay ang EGM/GEM, dahil ang katawagang ito ay ayon sa Ministrong nangalaga sa atin.  Walang abuluyan at wala din pong kinokolektang pera sa  mga pagtitipon (EGM/GEM). Kung mayrooon man pong kusang tulong na finacial noon ay ang RTC Fund po ang nagsaayos. Wala na pong RTC since last year.

Ang mga pangkatin na hindi po nasa ganyang  katawagan ay hindi po natin kasama. Anoman pong pagtitipon meron sila ay dahil na rin sa kahilingan ni Ka Louie Cayabyab na humiwalay sa grupo ng EGM/GEM. Ang  ayaw niya ay ang pangunguna ni Ka Jun Samson na ayon sa kaniya ay self appointed. Sa Norhtern California na lang daw siya. Bagamat mali ay iginalang namin ang desisyon niya, pero parang hindi siya nasiyahan dahil pinag-tatawagan niya ang mga kapatid  sa labas ng Northern California hanggang East Coast. Ang totoo maraming tawag sa amin, reklamo mula sa mga kapatid sa Europe na iniisa-isang tawagan ni Ka Louie para daw sumama sa kanila. Ang paraan daw ay inaatasan niyang manalangin sa panata nila para hindi makatanggi. Nagtatanong ang mga kapatid kung alam daw po ba namin yon. Wala po kaming alam doon. Akala ko po ba ay ang gusto nila ay kani-kanilang grupo na lamang. Katulad daw ng mga unang  Kristiano na nagtatago sa mga katakumba. Ang ginagawa nila ngayon ay kung ano ang ayaw at pinupuna nila noon tungkol sa EGM.

May mga  nalilito ring mga kapatid dahil kapag tinanong daw nila si ka Louie kung nasaan ang leader nilang si Boyet  ang sinasabi daw ni Ka Louie ay nasa California kasama ni Ka Jun Samson. Malaking kasinungaligan po ito. Bakit di alam ni ka Jun Samson na magkasama pala sila ni Boyet? Kung maaari lang po sana na huwag nang manghikayat pa na gumawa ng pagkakabaha-bahagi sa pagitan ng mga Defenders.

Sa aming panig, HINDI  po kami namimilit kung sino ang dadalo.  Ang pinakamahalaga po sa amin ay maihanda at maisagawa po lamang ang pagtitipon. Kusa at akay po ng pananamapalataya ng dumadalong mga kapatid na nais pong makasumpong ng ibayong kalakasan sa pamamagitan po ng mga salita ng Diyos. Sa ngayon po ay may mga time zones na matatag at patuloy na dumarami ang mga kapatid na sumasama dito dahil sa kasabikang madama ang Espiritu Santo sa mga pagtitipong ating isinasagawa sa pangunguna ng mga Ministro na totoong nagmamalasakit.

Si Bob daw po ang nagmamay-ari ng mga dummy accounts na Amos Escala, Johnny Concepcion, Wei Gonzales, Joseph Gordon Levitt at Filipina Crisostomo?

Ang mga dummy accounts po na mga yan ay hindi po akin.Wala din po akong chat group sa facebook FB, hindi din po kasali sa ano mang group sa FB. Since last year po ay di na ako nakakapag-browse sa FB na gamit ang aking nag-iisang dummy account na Robert Carpio ( di ko na po ito mabuksan dahil di ko na po maalala ang password ).  Gayon pa man, noong nagsimula na po ako sa bagong trabaho ay naging abala na rin po ako sa aking mga ginagawa.  Nalalaman ko na lang po ang mga isyung binabato po sa akin sa pamamagitan po ng mga kasama ko sa gawain.

pseudonym

May ilang defenders po na nagpo post sa FB na nagsasabi ng totoo  pero hindi po nagtatagal at idina down po kaagad ng kabilang grupo gaya ng inyong nakikitang screen shot. Kung ito pong mga sagot na ito ay sa FB natin inilabas  maaring mawala na din ito hindi na mabasa ng mga kapatid na naghahanap ng katotohanan.

Ang malimit po na sinasabi ni Ka Louie sa mga Ministro at sa ilang pagpupulong ay hindi siya naniniwala na si Bob ay mole sapagkat matagal na niya akong kilala. Salamat po naman, kaya lang  ay bakit hindi niya sinasaway ang kaniyang mga kasama sa pagbibintang na ako ay  isang mole o isang espiya (double agent)? At itinatanggi niya na ako ay  naka-ugnay sa nangalaga noon?  Nagtatanong lang po.

Mga mahal naming kapatid, kahit kailan ay hindi ko po itinaas ang aking sarili sa kahit kanino man dahil sa harapan ng Diyos ako po ay walang kabuluhan.  Ako man po ay  hindi ko inakalang  mapupunta sa ganitong kalalagayan, subalit itinuring ko pong malaking biyaya mula sa Diyos ang makabahagi sa gawaing ito. Ang totoo nangliliit po ako sa napaka-dakilang gawaing ito para sa pagsinop at pag-akay sa mga kapatid sa gitna ng unos na nararanasan ng Iglesia ngayon. Hindi po ako Ministro kundi simpleng kaanib lang na nagmamahal sa Iglesia, sa Ministerio at handang ibigay ang buhay para sa kapakanan ng gawain sa layuning mapapurihan ang Ama.

Sa maraming pagkakataon at aktibidad ng Iglesia ay kabahagi po ako at alam po ng ilan sa Sanggunian yan. Kahit maraming dinanas na paguusig at sakrepisyo ay tiniis ko po, naipagtagumpay dahil sa awa at tulong ng Ama. Hindi para magbigay  lugod sa tao kundi yon ay para sa Diyos. Napakasakit po para sa inyong lingkod ang nangyayaring pagsala-ula ngayon sa Iglesia, pang-aapi sa mga kapatid, ito ay alam kong damdamin din ng marami sa atin ngayon kaya narito tayo sa adhikaing ito. Hindi po natin maiiwasan na masaktan at madala ng emosyon dahil sa mga nababasa at nakikitang nangyayari sa kasaluyan, ngunit dapat ay gamitin po natin ang ating pag-iisip akay ng ating pananampalataya. Kagaya po ng naging paalala sa atin ng Ka Erdy noon, ang tunay na Iglesia Ni Cirsto ay nag susuri. Ipinagpapasalamat ko po sa Ama na kahit sa maliit na bahaging ito ay mapatunayan natin sa Diyos na tayoy hindi naduwag na manindigan sa tama at magtapat sa panig ng Diyos at ng Panginoong Hesus.

Sa mga nakabasa ng mga paninira sa akin ay huwag po tayong tumingin sa pagkatao nino man. Hindi po ako ang mahalaga, ang mahalaga ay masabi ko po ang katotohanan hindi para kampihan nyo ako kundi ay magkaisa tayo sa paninindigan kasama ng mga kapatid na nagmamahal sa Iglesia.  Sa kalalagayan po ngayon ng Iglesia, hindi po ang defenders and mag-aayos nito, ang Diyos po ang siyang hahatol ng may buong katarungan para sa Iglesia na bayan Niya.  

Alam po natin ang tunay na lingkod ng Diyos ay nagmamahal sa Iglesia, nagtatangol at naninindigan sa katotohanan, hindi matuwid subalit nagsisikap na maging matuwid at tapat sa harap ng Diyos. Hindi nagbibigay lugod lamang sa tao, may malasakit sa kapatid lalo na sa mga nanghihina at inaapi, pinalalakas ang pananampalaya ng mga kapatid, inaakay sa tamang pagsunod. Noon pa man po ay pinayuhan na namin ang defenders na huwag  maki gulo sa social media (FB etc.) Mahinahon at nakakaalam gamitin ng tama ang social media para sa katotohanan at marami ang makinabang. Hindi natin dapat gamitin ang FB sa pag sisiraan. Ito po ang mga katangian ng isang tunay na Iglesia Ni Cristo na natutong sumunod sa Diyos, naninindigan sa aral, may kababaan at hinanahanap ang kapayapaan, nasa isip at nakatanim sa puso na ipagsasanggalang ang Iglesia – ito ang tunay na defender of the truth – incdefenders.

Sa huli po, mga mahal na kapatid matapos ko pong masagot  ang mga akusasyon sa lahat ng mga ito na ibinibintang sa akin sa layunin ng kabilang grupo na sirain ang aking pagkatao para mawalan ng credibility sa mga defenders, huwag po sana nating ipagkamali na ang gawaing ito ay paglaban sa kung kanino man at lalong hindi po ito paglaban sa Iglesia. Ang incdefenders ay para sa Ama at sa Kaniyang Iglesia, kalaban ng mga sumisira sa Iglesia, at sa mga lumalapastangan sa katotohanan na tinanggap natin na nakasulat sa Biblia.  Madalas ko pong sabihin noon na wala akong kabuluhan at magpapatuloy ang gawaing ito kahit wala si Bob dahil ang Diyos ang nakakaalam ng lahat.  Ang Diyos ang nasa unahan ng gawaing ito at maglalagay ang Ama ng mangangalaga at magmamalasakit sa bayan Niya. Hindi po incdefenders ang mag re-restore ng Iglesia, ang Diyos po lamang ang makakagawa ng bahaging yan, sa Kanyang paraan, ayon sa kanyang kalooban at sa panahong Kanyang ipagkakaloob pero kailangan makita ng Ama na nagkakaisa tayo sa paninindigan sa katwiran ng Diyos.

Nais ko pong ibahagi ito sa inyo ang tinanggap ko sa nangangalaga noon kasama ng kaniyang pagpapayo, pagmamahal at pagpapaalala sa plano ng  Ama  sa atin;

Ang Diyos ang nakakaalam kung ano ang plano Niyang inihanda para sa ating ikabubuti, umasa tayong Siya pa rin ang naghahari sa Iglesia. Siya rin ang magtatanggol sa atin sa pamamagitan ng Kaniyang Espiritu.                      Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito’y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.                                                                                                                                                                 Jeremias 29:11 RTPV05

Patuloy po nawa tayong magkaisa sa paggawa ng mabuti at matuwid, tunay na nagmamahal sa Iglesia at sumusunod sa aral. Sa gayon po ay matitiyak natin na sasagutin ng Ama ang atin pong mga pananalangin.  Mahal na mahal po namin kayo.

Maraming Salamat po.

Bob Caleb Allison
     

MGA KATOTOHANAN NA DAPAT BASAHIN AT MALAMAN NG LAHAT LALO NG MGA KAPATID SA IGLESIA NI CRISTO.

— ABANGAN—-

 

ABOUT 3K RTC ONE TIME SUPPORT

Totoo po bang binayaran si Ka Bob sa pag aasikaso sa defenders?

Ito po ang kopya ang email ko kay ka Nina, tungkol sa minsang naitulong sa akin ng RTC noon, pagtiyagaan nyo pong basahain at malalaman nyo po ang katotohanan sa mga ipinakakalat ng grupo nila tungkol dito.

3k_depSlip

——– Original Message ——–
Subject: Immediate Support
From: <[email protected]>
Date: Mon, February 22, 2016 9:22 pm
To: [email protected][email protected]
Cc:  (emails of other recipient has been intentionally deleted)

Hi Sis Nina,
Kumusta na, hoping everything is well. With God’s help I was able to find a job last month. Kagaya ng nasabi ko noon, na ibabalik ko sa cause ang naitulong sa akin when I was in need dahil sa naging situation ko  na nawalan ako ng trabaho sometime November last year.
Gusto ko lang sanang linawin ang ating usapan doon sa naipadalang tulong sa akin na 1,500  ito ay naipinadala mo sa akin at nakasabay naman ang 1,500 ( dahil sa paypal process) na ipinadala naman sa akin ni Jermaya (Jesslie K) kaya nag kadalawa yon with total of $3,000. nakatulong naman sa akin yon. Pero yon ay  HINDI BAYAD sa aking nagawa sa cause. Ang totoo tinawag mo lang na reimbursement  para lang may justification ang pag papadala sa akin ng tulong,  dahil ang totoo  noong una ay ayaw kong tanggapin dahil marami pa tayong sinu-suportahan noon lalo na sa mga kaso.  Kahit na nagipit na ako, after months sa pag aasikaso ko sa incdefenders na more than full-time sa operation aymaraming pag-kakataon na hindi na ako nakakapasok ng tama sa oras dahil maaga at madalas umaga na ako natutulog noon,  dahil doon ay natanggal ako sa trabaho, ayaw ko pa rin tumaggap ng tulong noon diba?,  pero dahil umabot na sa immediate na kailangan ko ay kaya nag insist kayo na makatulong kayo ng magusap kayo noon ni Julie (may text pa nga ako sa yo nag isangguni mo muna kina Ka Joven at Ka Jun ito dahil pera yan).

Ako’y nagpasalamat noon dahil nakatulong yon sa aking kalalgayan at ipinag papasalamat ko sa Diyos na naging paraan yon at nakatulong sa aking naging sitwasyon noon dahil sa cause.. Ang hindi lamang naging maganda doon sister ay ang kwento na pinalabas mo ako binayaran sa aking nagawa??  pero yon ay inunawa at tiniis ko na lang, dahil totoo namang natulungan ako ng panahon na yon, pero hindi bayad sa mga sakrepisyo at hindi gaya ng tuloy tuloy na tinutulungan na pili mo lang na Ministro. Nang matanggap ko yong naitulong ng RTC sa akin ay sinabi  ko sa KaJun na sisikapin kong maibalik ito kapag kaya ko na para maitulong pa sa iba.  Hindi ko nilayon na umasa sa RTC alam mo yan, nag kataon lamang na minsan ako ang nangailangan at natulungan naman.

Ka Nina, dahil sa kalalagayang wala na ang RTC na pinang galingan ng minsang naitulong sa akin (na may total amount of $3,000)  hindi ko na maibabalik sa account kaya ang nasabing naitulong sa akin, ay ibabalik ko na lang sa paraang pagtulong din, malaki ang pangangailangan ni ka Vince sa case niya, kaya kay Ka Vincent  Florida ko na ipapadala at itutulong ito, dahil wala na tayong pang organisasyon na account (gaya ng maayos na RTC noon) para makasiguro tayo na sa cause at pagtulong din pupunta – sa mga tunay na nangangailangan (gaya ko noon na tinulungan)!
Gusto ko rin sanang paki linawin mo sa mga nakausap mong kapatid lalo na dyan sa NorCal na yong tinanggap ko ay hindi stipend, yon ay minsang tulong lang sa akin hindi gaya ng pinapadala natin sa mga Ministro na monthly, particularly ipinapadala mo kay Boyet, Ka Yuson at Ka Roel ( maliban kina Ka JunSam at Ka Joven- dahil wala silang tinanggap kahit magkano- alam mo yan) ganon din sa iba pang nangangailangan ng tulong na ipinaasikaso ko sa inyo noon.

Nagtataka lang ako na itong minsang naitulong sa akin ay para bang naging malaking issue at pinalabas mong  palagian yon?! Samantalang talaga namang ginagawa natin na tulungan ang mga nangangailangan na kasamang defenders, ang totoo mas malalaking amount pa ang ipinadala natin, pero walang issue  at usap usapan na kagaya ng  mga ginawa  mong kwento at pag papa-sama sa akin, naki isa pa sa iyo ang mga ibang tao at nag pahaba ng kwento hanggang pag tsismisan ako sa social media, para ano?? para gumawa ng baha-bahagi?. Alam mo naman na hindi totoo yong mga usapan tungkol sa perang naitulong  bakit hindi ka magsalita ng totoo, nagtatanong lang ako na kasama kana ba sa mga nag-sisinungaling para makakuha ng simpatya?
Dahil ikaw ang may hawak ng pondo at ako lang ay naging kasama sa  paglagda ng registration ng RTC.  Pero hindi ako ang may hawak ng pondo, di ba’t nasa iyo kaya kapag may panga-ngailangan si Boyet ay ikaw ang nangangasiwa kaagad agad noon, at alam mong halaos lahat ng pondo ay naipapadala mo lang sa panga ngailangan ni Boyet…papano yong ibang Ministro talaga??
Ganon pa man ay nakaraan na yon, pinag paumanhinan ko na ang mga taong nanira sa akin na mga kasama nyo, dahil dala din sila ng mga maling impormasyon na ginawa patungkol sa akin.  Gusto ko lang linawin ito dahil hindi maganda ang epekto ng ginawa mo na  kapag nakaharap ka sa kausap mo ay maayos pero,  iba naman pala ang sinasabi mo kapag nakatalikod ka na,  lalo na kapag kausap mo si Ka Lottie iba ang naipaparating mo kabaliktaran sa totoong nangyayari.
Hindi ganyan ang pagka kilala ko sa yo ng mag umpisa ang incdefenders.  Ka Nina, magpaka totoo tayo  dahil ang gawaing ito ay pagtindig sa totoo at pag hahayag ng katotoahanan (ebidensya) laban sa kasamaan na ginagawa nga mga tiwali sa Iglesia.  Hindi pagsisiraan, lalong hindi pag papasikat sa kung kanino man – yan ang payo ng nangangalaga sa atin, alam mo yan simula ng magkasama tayo sa gawaing ito.  Kung ganyan ang makikita sa atin wala tayong ipinag kaiba sa alam nating mali ang ginagawa, sa nangyayari para wala ng  Pag-ibig sa atin nagiging kapaluluan, pag mamagaling at pataasan ng ego — hindi ganyan ang ipinayo sa atin.
Nananhimik lamang ako pero patuloy ang paninira ninyo sa akin, sanay wala ka doon sa mga magugulong yon, ikaw ang nakaka alam ng tama. Palagi nating sinasabi sa Ama tayo hindi tayo sa tao. Kaya nga ang payo sa atin ay huwag mang hawak sa sariling nalalaman na inaakalang tama dahil  tayo ay may pagkukulang at may kasiraan, sino ba sa atin ang matuwid? Ang Diyos ang nakaka kita ng puso natin, ang Ama din ang maghahayag ng mga yon.

Thank you for your time reading this message, at sana manatili tayo sa katapatan ng paninindigan sa tama at pagsasanggalang sa katotohanan, magpapatuloy ang incdefenders at sa pagsunod sa tama,  sumaway sa mga gumagawa ng hindi magandang usapusapan laban sa kapwa. Makita tayo ng Diyos sa  pag iibigan at pag sasabi ng totoo, dahil ang sinisikap nating bigyang lugod ay ang Diyos hindi ang sino mang tao.
Salamat muli sayo.

P.S. Fund is on its way Ka Vincent will receive it ASAP.

Ka Bob
incdefenders.org
incdefenders.net
Defenders of the Truth

3k_depSlipReceipt4KVF