We feel your deep sadness for the passing away of TITA AYDS. Many of us have known her for quite sometime. How can we ever forget her kindness, her being shy, and her controlled but genuine smile? What will linger most in our memory is the fact that she never failed to be on the side of Mommy Tenny assisting her wherever she goes. Although equally many are those who do not know her personally, yet “Tita Ayds” as she is fondly called by many has became a very familiar name because of the good things they hear about her.
We have no doubt that God willed that she be laid to rest, to spare her from further sufferings caused by the miseries that beset the Church and you, her loved ones. We pray to God that her demise will not be used by your oppressors to increase the pain and persecution you are now experiencing, instead, you’ll be given the opportunity to mourn her death. May our loving Father console your grieving hearts. PLEASE ACCEPT OUR HEARTFELT CONDOLENCES.
“For I am already being poured out as a drink offering, and the time of my departure is at hand. I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith. Finally, there is laid up for me the crown of righteousness, which the Lord, the righteous Judge, will give to me on that Day, and not to me only but also to all who have loved His appearing.” (II Timothy 4:6-8)
FROM THE DEFENDERS
TAOS-PUSONG PAKIKIRAMAY SA MGA NAULILA NG KAPATID NA AIDA ” Tita Ayds ” VILLANUEVA VIÑA
Dama po namin ang inyong kalungkutan sa pagpanaw ni TITA AYDS. Marami sa amin ang nakakakilala sa kaniya. Hindi namin malilimot ang kaniyang kabaitan, ang kaniyang pagiging tahimik, at ang tipid subalit mula sa puso niyang mga ngiti. Higit sa lahat na mananatili sa aming ala-ala ay ang sa tuwi-tuwina’y pag-alalay niya kay Mommy Tenny saan man sila magtungo. Marami rin ang bagama’t hindi siya kilalang personal ay familiar na sa kanila ang pangalang “Tita Ayds” dahil sa pawang magagandang naririnig nila tungkol sa kaniya.
Wala kaming alinlangan na itinulot na ng Diyos na siya ay pagpahingahin upang di na madagdagan pa ang paghihirap ng kaniyang kalooban dahil sa mga nakikita niyang kaganapan sa Iglesia at labis na paghihirap at pagpapahirap sa inyong mga mahal niya sa buhay. Dalangin namin na ang kaniyang kamatayan ay hindi magamit sa lalong panggigipit sa inyo kundi mabigyan kayo ng pagkakataon na ipagluksa ang kaniyang pagpanaw. Nawa ay aliwin ng kapangyarihan ng Ama ang namimighati ninyong damdamin.
TANGGAPIN PO NINYO ANG TAOS PUSO NAMING PAKIKIRAMAY.
“Sapagka’t ako’y iniaalay na, at ang ang panahon ng aking pagpanaw ay dumating na. Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa Kaniyang pagpapakita.” (II Timoteo 4:6-8)
MULA PO SA MGA DEFENDERS