incdefenders.org ang official na website ng Defenders

Kay Boyet nga ba o sa grupo niya ang incdefenders.org?

Ang mensaheng sagot po na ito ay ipinadala ko sa grupo nina Ka Louie, Nina at Boyet, na pinadaan ko po sa internal email naka kopya po ang mga kinauukulan sa incdefenders, hindi ko po ito pinadaan sa facebook post para na rin po sana sa loob na lang ng incdefenders , pero dahil sa walang tigil na panloloko sa mga kapatid na walang kaalaman, ay ito na rin po minabuti ko na rin pong mabasa ninyo ang katotohanan sa mga inimbentong paninira nila laban sa akin.
Alang alang sa mga kapatid na nailigaw ng kanilang mga nabasang paninira.
——– Original Message ——–
Subject: incdefenders domain credentials
From: <[email protected]>
Date: Wed, February 24, 2016 10:33 pm
To: [email protected], [email protected]
Cc: (email addresses of other recipients had been intentionally deleted)

Ka (Nina) Liezl,

Kumusta ka na. Sana itong email na ito ay makapagbigay ng linaw sa iyo at sa mga kasama mong patuloy na naguusap sa FB para idiscredit ako at ang iba pang kasama naming Defenders. Gusto kong linawin ang tungkol sa website at domain name itself, this is for your complete understanding regarding the domain, para hindi tayo naililigaw ng mga speculations.

Attached din dito ang mga usapan nyo sa social media tungkol sa akin, na sana ay tinanong mo nalang ako dahil nakakatawag ka naman, but instead you guys posted it on facebook and it appeared that you guys are ganging up on me!, kaya ito ay paglilinaw lang sa mga gusto ninyong malaman. Kaya tama na sinunod ko ang sabi sa akin ng Ka Angel kahapon na sa halip na sa FB ay dito na lamang sa email ko ipadaan ang mga mga dapat na linawin.

Kung matatandaan mo nung unang nagka contact tayo through e-mail with Boyet, hindi ko pa ginagamit ang incdefenders, pero yon ay nairegistered ko na bago pa man kita nakilala. Nagsimula yan noong mga unang weeks na naguusap kami ni Boyet (na AE noon – may tiwala pa ako sa kaniya) sinabi niya sa akin kung maari ko daw gawing website na ang blog niya sa wordpress (iglesianicristosilentnomore.wordpress) dahil natatakot siyang baka ito ay mahack. Sabi ni Boyet gawin ko dawiglesianicristosilentnomore.wordpress.com. Ang sagot ko kay Boyet, (kinu-kuya ko pa siya noon) sabi ko, “Kuya kapag silentnomore parang hindi magandang pakinggan lalo na kung mabalik na ang malinis na kalalagayan ng Iglesia“.

Ang silentnomore kako ay parang radical ang dating – samantalang ang ultimate goal natin ay ipag-sanggalang (defend) ang Iglesia at ang aral na tinaggap natin sa Diyos,dapat tayo ay to DEFEND! On the other hand, ang silent-no-more is to ngawa o ingay parang mga aktibista lang. Kaya suggest ko sa kanya hahanap ako ng defend or defenders.

 

That night, nagresearch ako ng pangalan – taken na ang defenders.org – kaya nilagyan ko ng inc kaya naging incdefenders ang domain. Masaya kong ibinalita sa kaniya (kay Boyet) na nakuha ko na ang bagong domain na appropriate sa causeincdefenders.org, nabili ko at naiparegister ko ang incdefenders.org and all toplevel domain/ locked and secured.

Pinagusapan namin ang justification ko, why incdefenders? Dahil sa oath taking form ng officers (kahit anong tungkulin at kahit Ministro) ay ipagsasanggalang ang Iglesia sa mga kumakaaway – to defend the Church against all adversaries. Isa pa ay yong sa awit na 199 na may defend, kung maalala mo may audio pa akong inilagay sa unang design. Na established ko na ang domain at other platform (email and online storage), kaya sabi ni Boyet ay papaano itatawag. Ang sabi ko sa kaniya ay ipaparallel natin habang hindi pa naiba-backup ang silent-no-more at patitibayin ko on the side ang incdefenders na established ko.

Doon ko pa lang naibalita kay Julie na may mga domain na ang cause, ang nakakaalam pa lang noon ay ako si Boyet at si Julie. Ang mga ito ay binanggit ko na rin kay Ka Louie (dahil kaya siya nakasama dito sa cause na ito ay tinawagan ko siya at mula noon ay nakasama na siya hanggang una akong nacompromise dahil sa phone niya – itanong mo yan sa kaniya para naman malaman mo ang totoo).

Si Maggie Noypi – ang unang nag post ng tungkol sa identity ng cause bilang mga INCDEFENDERS sa Facebook. Sabi niya doon ay mula ngayon ay tatawagin na tayong incdefenders hindi kung ano-ano. Pero yong grupo ay nagreact dahil ayaw nila ng bagong tawag (kundi ako nag kakamali yung user names na Xander, at si Katnize pati yata si Aristeo ay nag comment , sabi nila dapat ay “warriors” na palagi nilang mga tawag sa sarili nila o kaya daw “guardians”! Mahabang paliwanagan yan noon kung bakit incdefenders… sabi ko kay Ka Julie nasabi ko na yan kay AE, nabili ko na ang domain, officially registered na, certified and secured na. Kung ayaw nila pwede nilang huwag gamitin at hayaan ko na lang magexpired or kapag maayos na Iglesia pwedeng gamitin ang domain sa website para sa mga debate or kung ano pang pandefend sa Church at doctrines natin.

Tumulong na sa akin si Julie sa expenses ng pagcreate ng mga web design & hosting and tools and some other expenses (NOTE : sa webdesign etc. hindi sa domain). Nagkaroon ako noon ng conference bridge platform para makausap ko kayo. Hanggang sa makatulong na si MJ (Arvin) sa mga pag-create at pag post ng mga images para sa verses at minsan ay pinag eedit ko siya at pinagpupuyatan namin yon. Inoffer ni Ka Louie ang assistance ni MJ dahil alam niyang ako lang mag isa ang gumagawa ng lahat. Nakatulong naman siya noong una, pero ang mga design tools at subscriptions na yon ay nascrap ko na, wala na yong dati. Nagbago na ang layout at itong huli hanggang ngayon, ay may maayos akong mga katulong sa web content.
Kung maalala mo ang video ng panawagan ni Ka Angel yon ang naging pinaka official na launching ng incdefenders.org (naka test link pa nga in the first day (wix.com.bobcarp1o), dahil yong mga unang layout ay hindi appropriate sa event na ilabas ang video) noong July 2015.
Noong makausap ko na ang nangangalaga sa atin ay pinalagyan niya ng Bible verse, sinabi ko kay ka Louie, at kami ng nangangalaga sa atin ang naghanap ng aangkop na verse, may mga pinagpilian kami. Then, napili ng nangangalaga sa atin ang Jude 1:3 mula doon nag karoon na ng talata ang theme natin – kaya and domain as logo ay may subtitle na Defenders of the Truth. Itong mga katotohanan na ito ang paulit ulit kong sasabihin sa tuwing aking ipapaliwanag ang mga ito dahil ito ang totoo. Hindi ako mag babago ng pananaw dahil ito ang totoong nangyari. Alang alang sa Iglesia at sa mga kapatid na nagkaroon ng kalituhan sa mga pangyayari magsisilbing bahagi ito ng katotohanan at history.

Pinagisipan nyo ako ng masama at siniraan sa pamamagitan ng mga tsismis at mga spekulasyong mali!! Pumapatay kayo ng kasama nyo dahil sa inggit? Nananahimik ako at patuloy kong sisikapin maging mahinahon alang alang sa Kapayapaan at Pag-ibig na utos ng Diyos. Kaya panalangin ko maging matatag ako, pero bilang tao ay may hangganan din yon. Kailan man hindi ako papanig sa mali, ang inaakala kong totoong kasama ay hudas pala! May prinsipyo ako, lalaban ako at maninidigan sa tama hanggang sa huli, ang Diyos ang hahatol sa atin.

Ang nakakapagtaka, sino at kaninong kaisipan na sa iyo o kay Boyet ang domain, dumating ka at nakasama ko sa paguumpisa ng incdefenders (pangangalaga) ay established na ang platform. Sino ba si Bong Ponce hindi ko pa siya kilala at hindi ko pa siya nakikita, bakit kung magkwento sya sa Facebook e para bang kilalang kilala ako, kung makapag salita e akala mo may napakalaking utang sa kaniya ang magkakapatid (sirs at mam) at ang cause na ito. Ang lakas ng loob na sabihin na ibalik o iturn over sa inyo ang username at password domain?? Ano bang alam niya dito? Ano bang nagawa na niya sa cause bukod sa magdaldal at manira sa Facebook directly sa akin?? Inaanak daw siya ni Ka Lottie, anong kinalaman ng pagiging inaaanak niya dito sa cause? Pang name drop lang? Natanggap ko at nabasa ang mga usapan nyo tungkol sa akin sa FB maging mga iba pang thread na ipinararating sa akin. Para kayong mga nangbu bully sa FB (di ba pinayuhan na tayo tungkol dyan?)

Kung maalala mo, noong interrogation ko na nakausap ko ang Ka EVM, nang malaman ni Ka Eduardo kung sino ako dahil sinabi daw sa kaniya ni Boyet kung sino ang tunay na Bob at anong role ko. Sinabi din niya na ako ang may-ari ngincdefenders.org at platform. Hindi ba sinabi ko sa inyo na yon ang pilit na hiningi sa akin ng mga huling interrogation at pamimilit sa akin?? Hindi ko ibingay! Una, content at design na lang ang minamanage ko, ang domain access ay ibinigay ko kay Julie. Ngayon sino ang nag uutos kay Bong Ponce na kunin ang domain sa akin? Ikaw ba o si Boyet? Kanino nyo ibibigay.? Matutulad din ba ito saiglesianicristosilentnomore.wordpress.com na ibinigay ni Boyet ang password sa Sanggunian, pati mga email ng lahat defenders ibinigay ni Boyet sa Sanggunian (under duress daw!?)

Ang itinatanong ng mga Defenders ay ito; Alam ba kaya ng nasa #36 (Ka Lottie & Ka Angel) ang mga pinopost ninyong mga paninira sa mga defenders sa Socila Media? Samantalang tuloy-tuloy ang payo nila na huwag mag sasalita ng hindi maganda sa FB! Alam ba ng magkakapatid ang mga TOTOONG nangyayari na paninira ninyo sa akin at sa mga tunay na Defenders? Alam ba nila na pinag-tatawagan ninyo nina ka Louie isa-isa ang mga Defenders sa bawat bansa at east coast para siraan lamang ako? Pinapayagan ba nila ang paghihingi ninyo ng pera sa mga kapatid pasa sa personal na pangangailangan ni Boyet? Alam ba din nila na kayo ang nag initiate ng meeting sa zoom para lang ipahiya daw si Bob? Nasabi mo rin ba sa kanila, na kayo nina Boyet at Ka Louie ang nagumpisa ng pagkalito at pagkabaha bahagi ng incdefenders at alisin ang pagtitipon (EGM)?

Tawagin nyo na lang ang grupo nyong warriors guardians kung yan ang gusto nyo, dahil yan naman ang mga katawagan  sa mga sarili nyo noon sa silent-no-more.  Baka yan ang aangkop sa inyo dahil humiwalay na nga kayo nina Ka Louie sa incdefenders and we respect your decision at sanay maging malinaw na kami (incdefenders) ay walang kinalaman sa mga pinag gagawa ng grupo ninyo nina Boyet lalo na ang panghihingi ng pera sa mga kawawang kapatid.

Kung ayaw ng grupo nyo sa akin at sa mga kasama namin ay hindi na mahalaga yon, wala akong magagawa kung yon ang abot ng pananampalataya nyo. Pero magpapatuloy ang incdfenders kahit iniwan nyo at siniraan kami. Hindi sila sumsunod sa cause na ito dahil kay Bob ang incdefenders ay hindi si Bob ito ay para sa pag akay sa mga kapatid at makabalik sa malinis na Iglesia, sumusunod sila at nakikipag kaisa at manindigan sa tama! Hindi tatakpan ang mali! Ganyan ang totoong Defender, ang incdefenders!!

Magpapatuloy ang incdefenders.org sa malinis na simula gaya ng iginabay ng nangangalaga sa atin. Pawang katotohanan at aral ng Diyos ang lalabas sa website na yan, hindi paninira, hindi kasinungalingan. Ang incdefenders.org ay hindi paglaban o pagsira sa Iglesia, ito ay para sa mga kapatid na naghahanap ng lakas at liwanag ng katotohanan. ibibigay ko lamang ito sa dapat na kau-kulan sa malinis at mapayapang Iglesia.

Ang Diyos ang tunay na Defender ng Iglesia Ni Cristo kagaya ng turo sa atin, tayo ay defenders ng katotohanan sa pamamagitan ng pagsunod sa aral ng Diyos na hindi nagbabago sa pagtakbo ng panahon (Jude 1:3). Sa tulong at awa ng Ama ay patuloy pa na palalakasin itong website na ito para makapag palakas sa mga kapatid, pakinabangan nila at maging daan ng pagkaunawa sa tama, pagpapanatili ng Pag-ibig at magkaroon ng paggalang sa bawat isa.
To sum it up, na establsihed ang incdefenders domains without you and Boyet!
Pasensya ka na kung mahaba ito, pero kailangang masabi ito para sa ikalilinaw ng lahat. Maraming salamat sa oras mo.

Ka Bob
incdefenders.org                                                                                                                                                                                 incdefenders.net                                                                                                                                                     Defenders of the Truth

READ MORE…