Sagot ng Tunay na Defender kina Michael Sandoval at Boby Fernandez ~ Part 2

Ito po ay  sagot ng EGM  sa mga pag bibintang at paninira ng ilang likong Ministro laban sa EGM Group gamit ang Social Media ( Facebook etc.) at  ang itinayo nilang programa para tapatan ang incdefenders.org at paratangan ng mga maling impormasyon para lalong lituhin ang mga kapatid sa loob ng Iglesia at mapagtakpan ang katiwalian na kasalukuyang nangyayari sa Iglesia.

Ang EGM ay pagtitipon ng mga nag mamahal sa Iglesia Ni Cristo na nanghahawak sa katotohanan at paglilingkod sa Diyos.

Ito ay hindi pagtatayo ng bagong relihiyon sa halip ito po ay pangangalaga sa mga kapatid na pinag usig at itiniwalag ng kasalukuyang namamahala sa Iglesia Ni Cristo

Hindi po kasama at walang kaugnayan ang EGM sa mga ginagawa ng grupo ng incsilentnomore or “small remnant “GPM , maging ito ay sa Youtube at Facebook  at mga artikulo o blog na sinulat nila.  Maging  maingat po ang mga kapatid dahil yong ganong gawain ang paglaban sa Iglesia at pag sira sa doktrina na ating tinanggap sa Sugo ng Diyos sa huling araw.

~Para sa iba pang katotohanan at paglilinaw maari po kayong                                     mag email sa amin sa : info@incdefenders.org