SAGOT KAY BOBBY FERNANDEZ AT MARLEX CANTOR by Isaias T. Samson Jr.
Hindi ko agad sinagot ang ipinost mo noong Feb. 13 dahil naghintay pa rin ako ng hinihingi kong punto por puntong sagot mo pagkatapos mong magdahilan na nagkamali ako sa mga petsa ng mga posting mo. Inilagay mo rin sa bandang huli ng salitang, “ITUTULOY.” Iyon pala, ang “itutuloy” mo lang ay ang pagbibintang (ang tawag mo ay “sagot”), na hindi ako nagpasakop sa pamamahala ng Iglesia, at ang pag-iwas mong sumagot sa mga inisa-isa kong problema. Pero inunawa ko na lang na talagang may mga taong napakabagal mag-isip, o walang maisip, at worse, walang ??? Naisip ko rin na baka hindi mo gaanong nauunawaan ang iyong mga isinusulat sa Tagalog kaya itong huling posting mo ay isinalin na ni Marlex Cantor sa English, na katunayan din na hindi ka nag-iisang gumagawa ng iyong mga ipinopost at dinidiktahan ka ng mga handler mo, kaya lang, WALA RIN. Magkahalo tuloy na lungkot at awa ang aking nadama, una, sa iyo dahil alam kong may mga gumagamit sa iyo, ang problema, nagpapagamit ka naman. Sabi nga, “it takes two to tango.” Higit sa lahat, naaawa ako sa mga tinuturuan mong nagmiministro dahil walang matinong sagot at pagsagot na matututuhan sa iyo, kundi, pawang pag-iwas lang sa mga dapat sagutin at ang maging tulad sa robot na may nagpapakilos na iba. Siguro, mag-volunteer ka na lang na magturo sa mga STF students, tutal ang marami sa kanila ay hindi ang ministerial lessons na itinuro ng matitinong tagapagturo ang sinusunod, kundi ang magbiyenan na kanilang pinapanginoon. Bagamat ang marami sa kanila ay hindi natuto ng tunay na ministeryo, punong-puno naman ng hangin o angas ang kanilang katawan dahil umaasang mabibigyan ng mataas na ranggo sa Iglesia kahit na wala o kulang na kulang sa karanasan gaya ng ilang ginawang tagapangasiwa ng distrito dahil lang sa pagiging malapit (kilala mo sila).
Ayon sa iyo, hindi katunayan ng pagpapasakop ang aking ginawang pagdulog sa Pamamahala ng mga korupsiyon at anomalya (“hinaing” ang tawag mo) sapagkat may “nakatago (akong) intensiyon” at hindi ko nahintay ang “buong proseso.”
Sayang, kung hindi niyo lang iniiwasang sagutin ng punto por punto ang mga ipinost kong idinulog ko sa Pamamahala, ay baka naunawaan ninyo na ang mga idinulog ko ay hindi personal na hinaing kundi ang para sa kapakanan ng Iglesia at ng Pamamahala, tulad halimbawa ng mga pandaraya sa pag-uulat sa mga dinuduktrinahan (na alam na alam ninyong nangyayari) at ang masamang reflection nito sa namamahala, higit sa lahat ay sumisira sa Iglesia. Pero kung hindi niyo lang napansin, ay sabihin niyo lang kung gusto ninyong isa-isahin kong muli, at kung gusto ninyo ay idaragdag ko na rin ang mga hindi ko natalakay nang una. Pakiusap lang, tiyakin ninyo na isa-isa ninyong sasagutin o idi-deny man lang ang lahat, upang marami pang makaalam ng mga totoong pangyayari. Siguro naman, iyon ang gusto ng mga nag-uutos sa iyo kaya sinimulan mong muli ang pagpo-post sa FB ng laban sa akin at sa EGM group na umiiwas sana sa paggamit ng FB accounts. Hindi ito pagbabanta, pero kapag nagpatuloy kayo sa pagbibintang ng kung ano-ano, nangangahulugan lang na napapanahon nang malantad ang lahat.
Sabi ninyo “hindi ko nahintay ang buong proseso.” Tamang proceso ba na palisin ng kamay ang dala kong papeles na nagpapatunay na ang kinuhang builder ng Philippine Arena ay isa sa mga “Most Wanted” ng Pulisya sa South Korea sa halip na ipasiyasat? Kung hindi pa lumabas sa media na ang wanted na ito ay ini-released under the custody of Jun Santos ay nanatili sana itong lihim. Tama bang proseso na ang isang confidential letter ng isang nagmamalasakit na taga-sanlibutan tungkol sa anomalya sa pagpapatayo ng Arena, sa halip na siyasatin ang mga iniulat, ay pinakasuhan pa ang nag-ulat? Tama bang proseso na pagkatapos na iparating ko ang reklamo ng mga Pamunuan at ng mga nasa Pananalapi sa mga lokal sa U.S.A na pinapalitan ng tigwa-one hundred dollar bills ang mga abuloy at hindi na dumaraan sa legal na proseso, kundi, agad-agad ay kinukuha na ng inutusang kumuha, ay pinabayaang magpatuloy kahit na mapanganib na ma-charge ng money laundering ang kinauukulan? Gaya ng nasabi ko na sa itaas, marami pa akong maidaragdag, kung gusto niyo lang.
GAANO BA KATAGAL ANG PROSESONG SINASABI MO? Alam mo ba kung ilang ulit at kung kailan ko pa idinulog sa Pamamahala ang mga problema? Ilang taon akong umasa at matahimik na naghintay ng kahit anong aksiyon, tulad rin ng marami ngayong mga ministro at mga kapatid na patuloy na naghihintay at umaasa na lulunasan o gagawa pa rin ang pamamahala ng kailangang pagbabago sa halip na isisi sa nag-uulat at nagmamalasakit at tawaging mga kaaway ng Iglesia. Ang mga naunang namamahala sa Iglesia, kailan pa man at may mabalitaang anomalya lalo pa kung may nag-uulat ay agad-agad na umaaksiyon dahil ayaw nila na mabahiran ang malinis na imahe ng Iglesia.
Ngayon naman, sa ipinost ninyo ni Marlex, hindi na naman ninyo inaddress ang maraming mga nabanggit ko na, maliban sa paninindigan namin na ang Diyos ang magre-restore sa Iglesia.
“TANONG (NINYO) KAY ITS: Kung totoong dapat nang i-restore ng Diyos ang Iglesia, ano ang papel mo sa kabuuan ng restoration? Sino at ano ka sa sinasabi mong gawaing iyan? Sino ang nagsugo sa iyo? Ang Diyos ba ang nagsabi sa iyo nito? Kung ang Diyos, kailan Niya ito sinabi sa iyo? Pagkatapos ba noong ikaw ay matiwalag o bago ka matiwalag? Nasaan ang hula o patotoo ng Biblia para sa iyo?”
Whoah, hold your horses there, smart guys. Don’t let your imagination run wild. I never mentioned anything about any role that I would play in the restoration, yet you’re quick to ask me if I was sent by God and if there is a prophecy or testimony about me. And then, you followed it up with more questions and baseless commentaries based on pure assumptions. Helloo, do you hear yourselves? You’re supposed to be ministers of God and not commentators. Don’t put your own deceptive words in my mouth.
Pinipilit ninyong itanong kung may “papel” ako at ang aking mga kasamang ministro sa restoration sa kabila ng paninindigan namin na ang Diyos ang gagawa nito. Bahala na kayo kung tatawagin ninyong “papel” ang magpayo sa mga itinitiwalag at inuusig ninyo na huwag silang hihiwalay sa mga tunay na aral na itinuro ng Sugo. Kailangan pa ba ang hula at maging Sugo para magpayo at magmalasakit sa kanila? Kahit sino ang makabasa ng isinulat ninyo ay mapapansin agad na wala na talaga kayong patnubay ng Diyos. Bumabalik sa inyo ang sinabi ninyo na “ang diablo na kaaway ng Diyos ay mayroon ding isinusugo.”
SABI NINYO SA AKIN: “Lagi mong ginagamit ang Efeso 5:27 upang patunayan na kailangan nang i-restore ang Iglesia dahil ang sabi mo nawala na ito sa uring maayos, tunay at banal.”
“TANONG (NINYO PA) KAY ITS: Noon bang gamitin ng Sugo at ng Kapatid na Eraño Manalo ang Efeso 5:27, ang ibig bang sabihin sa panahon nila ay wala na sa uring tunay, maayos at banal ang Iglesia kaya kailangan na itong i-restore? Kaya noon pa pala ay ganito na ang tingin mo sa Iglesia? Kung sasabihin mong hindi, lumalabas hindi malinis ang iyong budhi sa paggamit ng talata.”
SAGOT KO: Saan at kailan ko sinabi na nawala na sa pagiging tunay ang Iglesia? You’re putting your own words again in my mouth. FORCE OF HABIT? Kayo mismo ang nagpatotoo na kinokontra ko ang itinuturo ng Remnant few group na ang Iglesia sa mga huling araw ay natalikod na, kaya alam ninyo na naninindigan kami na tunay ang Iglesia Ni Cristo. Ang lagi ko (naming) sinasabi, ang Iglesia Ni Cristo ay ang tunay na Iglesia na ihaharap kay Cristo sa araw ng Paghuhukom kaya dapat na ito ay maibalik (restore) sa lubos na kaayusan at kabanalan, walang dungis at kapintasan tulad ng nakasulat sa Efeso 5:27. Hindi nawala ang pagiging tunay ng Iglesia dahil lamang sa ito ay labis na ninyong dinungisan at patuloy pang dinudungisan
Pakiusap lang, humanap kayo ng matalino sa mga kasamahan ninyo (kung mayroon pa), to point out and make you understand, how faulty and ridiculous your argument or logic (assumption is the appropriate word) is. Ibang iba ang kalagayan noon ng Iglesia sa kalagayan ngayon. Noon ay bantay sarado ng mga namamahala at ng kanilang mga tapat na kasama ang Iglesia (kabilang na siguro ang tatay mo Bobby). Hindi sila pumapayag na makapamalagi ang sinoman lalo na sa hanay ng mga ministro, kung nasusumpungan sila sa mga paglabag o anumang anomalya. Hindi nila kinunsinti ang kurapsiyon o mga pag-uulat na mali ng sinomang ministro o manggagawa. Kaya nila laging ginagamit ang Efeso 5:27 ay upang mahikayat ang lahat na mabuhay ng may kabanalan, at maituwid ang nahuhulog sa paggawa ng masama. Tama kayo sa pagsasabing, “Alam na alam (ko) na kinakasangkapan ng Diyos ang (matuwid na) Pamamahala sa pagdadala sa Iglesia sa kasakdalan …” gaya nga ng Sugo at ng Kapatid na EGM. Samakatuwid, kung may pagre-restore man noon, iyon ay upang mai-restore ang mga naligaw na kaanib ng Iglesia. Hindi ba kayo ang bumabaluktot sa mga sinasabi ko para palitawin na “hindi malinis ang (aking) budhi sa paggamit ng talata?”
You cannot deceive all members. As Abraham Lincoln said: “You can fool all the people some of the time and some of the people all the time, but you cannot fool all the people all the time.” Specially God’s people.
SINO NGAYON ANG MANDARAYA O SINUNGALING AT MGA ANAK NG DIABLO?
“Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito.” (ADB: John 8: 44)