Tumanggap daw si Bob ng Lexus sa Sanggunian?

Tumanggap daw si Bob ng  Lexus sa Sanggunian kapalit ng mga pangalan ng itiniwalag? 

 

Nakakalungkot isipin na ganito ang gawain ng taong ito na nagsasabi ng defenders daw sila, Itong mga taong ito ang nagsasabi na naninindigan para sa Iglesia?  Bakit puro paninira sa kapwa ang laman ng isip na inilalabas sa socila media kagaya nito. Maraming pong kagaya ng mga ito na hindi  nakaka intindi  kung ano pangyayari pero sila yong maraming naipapalabas na kathang isip para sirain ang EGM.

Anthony Sinungaling

Paninira po ito at akusasyon ng kabilang grupo  para siraan ang patuloy na dumadaming dumadalo sa EGM. Ang paninirang ito ay para siraan ang credebility ni Ka Bob kasabay na tinakot ang mga dumadalo sa EGM ayon sa kanila kapag nakita ay matitiwalag dahil nakukuha daw ang e-mail address at IP address at location – Hindi po totoo ito.

Note:  Ang tinatawag po na webinar ay seminar po on the web, na ang mga dumadalo ay para lamang nanonood ng telebisyon.  Hindi po namin nakikita ang viewers.  Ang nakikita lamang ay ang mga usernames ng mga dumadalo na karamihan ay mga pseudonyms lamang.  Kahit po ang Ministrong nagtuturo ay hindi rin po nakikita ang mga dumadalo.  Malaman nyo lamang po ang webinar ID ay malaya na pong makakapanood ang viewers.  Hindi po totoo na nakikilala namin ang mga dumadalo na may viewing capacity na 500 attendees sa bawat EGM.

Si Bob ay biktima ng mga mapanira sa social media.

lexus_soc_med

Ang Lexus po na binabanggit ay isang second hand na biniyaya po ng Ama sa akin at buwan-buwan ko pong hinuhulugan galing sa aking suweldo (hindi ko hiningi kanino mang tao).  Madali lang pong makakuha ng sasakyan dito sa Amerika basta po may pang down payment at may trabaho ay mabilis maaprubahan ng financing agency.  Eto po ang proof ng aking receipt of car purchase/loan. Ipinalabas po ng grupo ni Boyet sa social media ang paninirang ito sa layunin na masira ako at mapaniwala ang mga inosenteng kapatid na huwag ng  dumalo sa EGM.

lexus

 

      Read More