HUWAG TAYONG PUMAYAG NA MALIGAW

                                                                                                                                                 ENGLISH

AKING IPINAHAHAYAG NA AKO AT ANG AKING MGA KASAMANG MINISTRO SA EGM AY WALANG KINALAMAN SA GRUPONG HUMIWALAY NA SA TUNAY NA IGLESIA. NANININDIGAN KAMI SA NAKASULAT SA BIBLIA NA IPINANGARAL NG KAPATID NA FELIX Y. MANALO AT NG KAPATID NA ERAÑO G. MANALO NA ANG IGLESIA NI CRISTO SA MGA HULING ARAW AY HINDI NA MATATALIKOD (bagamat may mga tatalikod), SUBALIT ITO’Y MAGDARAAN SA MATINDING PAGSUBOK NA ITO NGA ANG MATINDING KASAMAAN NA NAGAGANAP NGAYON SA IGLESIA NA DULOT NG MGA MASASAMANG NANGANGASIWA.

Alam ng nakararami na iniiwasan ko ang paggamit ng social media lalo na kung ito ay tungkol sa pagsisiraan at pagbibintang sa akin. Gayunpaman, may mga tunay na defenders na nagmamalasakit sa akin na nagpapadala ng mga FB screen shot ng mga postings ng paninira sa akin. Sa pagkakatanda ko ay minsan lang akong napilitan na sumagot, at ito ay noong ako ay pinagbintangan na “mole” daw ng Central upang sirain at maghasik ng pagkakabaha-bahagi sa mga defenders. Bagamat may ilan na di tumigil agad ng paninira sa akin ay minarapat ko nang huwag nang sumagot pa sapagkat sapat na sa akin na naihayag ko ang katotohanan at ang pawang katotohanan lamang. Sa awa ng Diyos, marami ang naliwanagan at ang paninira ay unti-unting napawi subalit ngayon ay muling bumangon ang paninira sa akin sapagkat ako naman ngayon ang pinagbibintangan na sumisira sa H20. Marahil, kaya nila ako pinagbibintangan ay sapagkat nagkataon na bago uminit ang isyung ito ay pinagsabihan ko ang mga nangangasiwa sa H20 na huwag itong ikampanya sa panahon ng mga pagpapanata sapagkat ang pakiramdam ng maraming dumadalo ay parang nasa pagsamba sila na walang ginawa ang mga Owe na ministro kundi ikampanya ang abuluyan at handugan. Sinabi ko pa na ang ginagawa nilang paggamit sa 36 TS sa paghingi nila ng donation ay gagamitin ng mga Owe upang pagbintangan at sisihin ang magkapatid na naninirahan doon. Sinabi ko rin sa kanila na bagamat ayaw kong makialam sa pondo ng H20 ay gawin sana nilang transparent ang paghawak nito at makatutulong kung bibigyan nila ako ng information tungkol sa mga pinaggugugulan nito upang masabi ko sa mga nagdududa na maayos ang pangangasiwa sa naturang pondo. Subalit sa halip na sila ay makinig sa payo ay pinag-usapan nila sa kanilang group chat na hindi raw ako dapat humingi pa ng information at pinalabas pa nila ang isang isyu na ang “magkakapatid” raw mismo ang nag-o-audit nito. Gayunpaman, minarapat ko pa ring hindi patulan ang mga paninira manapa ay pinagbilinan ko pa ang mga defenders na huwag nang makisawsaw at sumama sa pagsasagutan. Gayunpaman, ang layunin ng artikulong ito ay hindi upang pahabain pa ang isyu tungkol sa H20 ni upang ipagtanggol ang aking sarili mula sa mga mapanira, manapa ang tatalakayin ko ay ang nangyayari ngayon na lalong malaking panganib sa kaluluwa ng mga defenders.

Sa isang posting ni Liezl Diaz Deocampo ay sinabi niya na, “It’s time for us to leave the OWE Church behind (ang tinutukoy ay ang INC) and (to) move on towards the true service expected from us by our Lord and by our God.” Sa isa naman nilang text blasts ay ganito ang kanilang ipinakakalat: “It is better for the silent defender to leave OWE because their worship service is abomination to God.”

attachment-1-1

Ito na rin ang dati nang ipinakakalat at ngayon ay patuloy na ikinakalat ng mga ministrong nangunguna at nangangasiwa sa kanila sa ginagawa nilang pagtatatag ng mga live na pagsamba (at may Sta. Cena pa), at maging sa ilan nilang FB postings. Sinasabi nila na ang mensaheng ito ay ang mismong nilalaman ng “tagubilin” sa kanila. Kung ito ay totoo ay kapansin-pansin ang isang napakalaking pagkakaiba sa “tagubilin” at sa kanilang ipinakakalat. Sa “tagubilin” ay walang karugtong na “Church” ang “Owe” samantalang sa kanilang ipinakakalat ay na-emphasized nila na dapat ay layuan o iwan na ang “Church” o ang Iglesia. Ang paghikayat na ginagawa ng grupong ito sa mga kapatid na paghiwalay sa Iglesia ay pagtuturo ng pagtalikod. Samakatuwid, ang dati nilang ipinangangalandakan na restoration ay naging separation.

Ang nangyayari ngayon, kung sinasabi man nila na sila ay sa restoration pa rin ng Iglesia ay may contradiction sa kanilang sinasabi at nabigyan nila ng ibang pakahulugan ang salita sapagkat ang restoration (na nangangahulugang to repair or renovate) ay dapat sa Iglesia o sa loob gawin at hindi sa labas na gaya ng kanilang ginagawa ngayon. Ito ang dahilan kaya sama-sama tayong lahat sa paglalantad ng mga maling gawain sa Iglesia sa layuning magkaroon ng pagbabago at ito ay maibalik sa kaayusan at kabanalan (restoration). Ang dahilan ng mga nagsusulong ng “separation” ay, “the services they (the OWES) do is an abomination … (thus) members should get out of the untrue and the abominable.” Totoong maraming mga ministro at mga kaanib na OWE ang “untrue” at ang kanilang mga gawain ay “abominable” o kasuklam-suklam, subalit ang Iglesiang katawan ni Cristo ay namamalaging “true” o tunay at hindi kasuklam-suklam sa Diyos sapagkat ito ay nilinis ng dugo ni Cristo. The premise they use to justify their action is extremely faulty, unscriptural and dangerous. Faulty, because the abomination of the OWE ministers and members does not necessarily render the only true Church false. For hundreds of years, Israel was led by many evil leaders and kings many of whom have tried to mislead the Israelites, but they remained as God’s chosen people until the time that the whole Israel turned away from God. Tandaan natin ang doktrina na ang Iglesia ay ang “kulungan” ng mga tupa. Ang kumukulong sa mga tupa ay ang mga aral ng Diyos. Bagamat maraming mga tupa na nailigaw (owe members) ng mga “upahang pastol” (OWE ministers) ay di nangangahulugan na ang kulungan ay wala nang kabuluhan at lahat ng naiwang mga tupa sa loob ng kulungan ay dapat na ring palabasin. Ang itinuturo ng grupong ito na ang buong Iglesia ay naitalikod na ay “unscriptural,” sapagkat ito ay tahasang paglabag sa doktrinang itinuro ng Sugo, ang Kapatid na Felix Y. Manalo, at ng Kapatid na Eraño G. Manalo. Nakasulat sa mga hula ng Biblia na ang Iglesia Ni Cristo ang huling grupo o bahagi ng Iglesia, (wala nang ika-apat), na aabutan na ng Araw ng Paghuhukom kaya hindi na ito matatalikod (Zech. 13:7-9; Gawa 2:39; Apoc. 14:12-15). Ito ang dahilan kaya maging ang grupong ito ng mga tinatawag na mga “defenders” ay dating bukang bibig ang katagang “Restoration” subalit ngayon, sa aminin man nila o hindi, ay hinihikayat na nila ang kanilang mga kasama at ang iba pang mga kaanib na humiwalay (separation). Ito ay “dangerous” sa mga napapaniwala (nadaya) nila sapagkat ang pagsunod sa maling aral ay mangangahulugan ng kapahamakan sa Araw ng Paghuhukom.

Kaya raw kailangan ang live na pagsamba na may kalakip na salaping handog at pagbabasbas ay dahil kulang raw at di maituturing na pagsamba sa Diyos o pagtitipon ang ginagawang EGM ng mga defenders kung wala ang mga ito. Mali ba ang sinabi ng mga apostol sa I Cor. 14:26 at 15 na ang pagkakatipon ay binubuo ng pag-awit, pananalangin, at pagtuturo ng mga salita ng Diyos? Ang nakakatulad ng ating pagsamba ngayon ay ang pagsamba ng mga kauna-unahang lingkod ng Diyos na bagamat walang handog na salapi ay may handog naman sila na mga hayop na susunugin. Ang atin namang handog ngayon ay ang ating sarili na buhay at kaaya-aya “na siyang katampatan nating pagsamba” sa Diyos (Roma 12:1). Hindi man itinataas ng ministro ang kaniyang mga kamay sa pangangasiwa ng EGM ay tinatanggap pa rin ng mga dumadalo ang basbas ng Diyos lalo na sa panahon ng pananalangin at ito’y pinatutunayan ng malakas Niyang kapangyarihan na nararanasan ng mga dumadalo.

Sa pamamagitan ng artikulong ito ay

AKING IPINAHAHAYAG NA AKO AT ANG AKING MGA KASAMANG MINISTRO SA EGM AY WALANG KINALAMAN SA GRUPONG HUMIWALAY NA SA TUNAY NA IGLESIA. NANININDIGAN KAMI SA NAKASULAT SA BIBLIA NA IPINANGARAL NG KAPATID NA FELIX Y. MANALO AT NG KAPATID NA ERAÑO G. MANALO NA ANG IGLESIA NI CRISTO SA MGA HULING ARAW AY HINDI NA MATATALIKOD (bagamat may mga tatalikod), SUBALIT ITO’Y MAGDARAAN SA MATINDING PAGSUBOK NA ITO NGA ANG MATINDING KASAMAAN NA NAGAGANAP NGAYON SA IGLESIA NA DULOT NG MGA MASASAMANG NANGANGASIWA.

Sinasampalatayanan namin na ang Diyos ang magbibigay wakas sa mga masasamang lider nito at sa kanilang masasamang mga gawa upang ang Iglesia ay maibalik sa kaayusan at kabanalan. Sumasampalataya rin kami na itinulot ng Diyos na malagay kami sa ganitong kalagayan na itinakuwil ng kasalukuyang pamamahala upang pangalagaan ang mga  tunay na defenders upang sila ay mamalaging masunurin at namumuhay ng ayon sa mga aral ng Diyos at pagdating ng araw na ang Iglesia ay maibalik na sa kaayusan at kabanalan ay pangungunahan namin ang mga tunay na defenders na itinakuwil ng kasalukuyang pamamahala sa pagbabalik sa tunay na Iglesia upang patuloy na maghanda para sa kaligtasan.

 Sa lahat ng mga “silent defenders,” hindi po namin kayo hinihikayat na kusang humiwalay sa Iglesia. Hinihikayat namin kayong ipagsanggalang ang Iglesia sa paraang manindigan kayo sa tama at huwag sumunod sa maling itinuturo ng mga naligaw na ministro. Kung kayo’y itiwalag at alisin sa talaan ng Iglesia dahil sa inyong paninindigan, so be it. Sampalatayanan ninyong iyon ay itinulot na ng Diyos gayunpaman, hindi Siya ang nagtiwalag sa inyo sapagkat labag sa Kaniyang aral na ang itiwalag sa Iglesia o alisin sa talaan ay ang naninindigan sa tama at sumasalungat sa masama.I Cor. 5:13 Ang dapat alisin o itiwalag ay ang gumagawa ng masama. Dahil dito, manalig kayo na hindi Niya kayo pababayaan.

 Sa lahat ng mga defenders, maging matiyaga tayo at huwag mawawalan ng pag-asa. Ang pakikibaka natin sa kasamaang naghahari sa Iglesia ay gawain ng Diyos kaya ilagak natin sa Kaniya ang ating lubos na pagtitiwala. Inaasahan Niya na ipagsasanggalang natin ang Iglesia kaya patuloy natin na ilalantad ang masasamang ginagawa ng mga ministro at mga kaanib na OWE na sumisira sa Iglesia subalit huwag tayong pumayag na ito ay mauwi sa paghiwalay o pagtatatag ng panibagong Iglesia. KAAWAAN NAWA NG ATING PANGINOONG DIYOS ANG ATING MGA KALULUWA.

– Isaias T. Samson Jr.