Ang Iglesia ni Cristo sa mga Huling Araw ay Hindi na Matatalikod.

Ang EGM ay pagtitipon ng mga nag mamahal sa Iglesia Ni Cristo na nanghahawak sa katotoahanan at paglilingkod sa Diyos.

Ito ay hindi pagtatayo ng bagong relihiyon sa halip ito po ay pangangalaga sa mga kapatid na pinag usig at itiniwalag ng kasalukuyang namamahala sa Iglesia Ni Cristo.

Bahagi ng pagtutuwid sa maling itinuturo ng mga nagpapakilalang  defenders, ito ay ang grupo ng incsilentnomore or GPM  (Louie Cayabyab, Lowell Menorca,Rolando Dizon at mga kasama nila).

Hindi po kasama at walang kaugnayan ang EGM sa mga ginagawa ng grupo ng incsilentnomore or GPM , maging ito ay sa Youtube at Facebook  at mga artikulo o blog na sinulat nila.  Maging  maingat po ang mga kapatid dahil yong ganong gawain ang paglaban sa Iglesia at pag sira sa doktrina na ating tinanggap sa Sugo ng Diyos sa huling araw.