Totoo po bang binayaran si Ka Bob sa pag aasikaso sa defenders?
Ito po ang kopya ang email ko kay ka Nina, tungkol sa minsang naitulong sa akin ng RTC noon, pagtiyagaan nyo pong basahain at malalaman nyo po ang katotohanan sa mga ipinakakalat ng grupo nila tungkol dito.
——– Original Message ——–
Subject: Immediate Support
From: <[email protected]>
Date: Mon, February 22, 2016 9:22 pm
To: [email protected], [email protected]
Cc: (emails of other recipient has been intentionally deleted)
Hi Sis Nina,
Kumusta na, hoping everything is well. With God’s help I was able to find a job last month. Kagaya ng nasabi ko noon, na ibabalik ko sa cause ang naitulong sa akin when I was in need dahil sa naging situation ko na nawalan ako ng trabaho sometime November last year.
Gusto ko lang sanang linawin ang ating usapan doon sa naipadalang tulong sa akin na 1,500 ito ay naipinadala mo sa akin at nakasabay naman ang 1,500 ( dahil sa paypal process) na ipinadala naman sa akin ni Jermaya (Jesslie K) kaya nag kadalawa yon with total of $3,000. nakatulong naman sa akin yon. Pero yon ay HINDI BAYAD sa aking nagawa sa cause. Ang totoo tinawag mo lang na reimbursement para lang may justification ang pag papadala sa akin ng tulong, dahil ang totoo noong una ay ayaw kong tanggapin dahil marami pa tayong sinu-suportahan noon lalo na sa mga kaso. Kahit na nagipit na ako, after months sa pag aasikaso ko sa incdefenders na more than full-time sa operation aymaraming pag-kakataon na hindi na ako nakakapasok ng tama sa oras dahil maaga at madalas umaga na ako natutulog noon, dahil doon ay natanggal ako sa trabaho, ayaw ko pa rin tumaggap ng tulong noon diba?, pero dahil umabot na sa immediate na kailangan ko ay kaya nag insist kayo na makatulong kayo ng magusap kayo noon ni Julie (may text pa nga ako sa yo nag isangguni mo muna kina Ka Joven at Ka Jun ito dahil pera yan).
Ako’y nagpasalamat noon dahil nakatulong yon sa aking kalalgayan at ipinag papasalamat ko sa Diyos na naging paraan yon at nakatulong sa aking naging sitwasyon noon dahil sa cause.. Ang hindi lamang naging maganda doon sister ay ang kwento na pinalabas mo ako binayaran sa aking nagawa?? pero yon ay inunawa at tiniis ko na lang, dahil totoo namang natulungan ako ng panahon na yon, pero hindi bayad sa mga sakrepisyo at hindi gaya ng tuloy tuloy na tinutulungan na pili mo lang na Ministro. Nang matanggap ko yong naitulong ng RTC sa akin ay sinabi ko sa KaJun na sisikapin kong maibalik ito kapag kaya ko na para maitulong pa sa iba. Hindi ko nilayon na umasa sa RTC alam mo yan, nag kataon lamang na minsan ako ang nangailangan at natulungan naman.
Ka Nina, dahil sa kalalagayang wala na ang RTC na pinang galingan ng minsang naitulong sa akin (na may total amount of $3,000) hindi ko na maibabalik sa account kaya ang nasabing naitulong sa akin, ay ibabalik ko na lang sa paraang pagtulong din, malaki ang pangangailangan ni ka Vince sa case niya, kaya kay Ka Vincent Florida ko na ipapadala at itutulong ito, dahil wala na tayong pang organisasyon na account (gaya ng maayos na RTC noon) para makasiguro tayo na sa cause at pagtulong din pupunta – sa mga tunay na nangangailangan (gaya ko noon na tinulungan)!
Gusto ko rin sanang paki linawin mo sa mga nakausap mong kapatid lalo na dyan sa NorCal na yong tinanggap ko ay hindi stipend, yon ay minsang tulong lang sa akin hindi gaya ng pinapadala natin sa mga Ministro na monthly, particularly ipinapadala mo kay Boyet, Ka Yuson at Ka Roel ( maliban kina Ka JunSam at Ka Joven- dahil wala silang tinanggap kahit magkano- alam mo yan) ganon din sa iba pang nangangailangan ng tulong na ipinaasikaso ko sa inyo noon.
Nagtataka lang ako na itong minsang naitulong sa akin ay para bang naging malaking issue at pinalabas mong palagian yon?! Samantalang talaga namang ginagawa natin na tulungan ang mga nangangailangan na kasamang defenders, ang totoo mas malalaking amount pa ang ipinadala natin, pero walang issue at usap usapan na kagaya ng mga ginawa mong kwento at pag papa-sama sa akin, naki isa pa sa iyo ang mga ibang tao at nag pahaba ng kwento hanggang pag tsismisan ako sa social media, para ano?? para gumawa ng baha-bahagi?. Alam mo naman na hindi totoo yong mga usapan tungkol sa perang naitulong bakit hindi ka magsalita ng totoo, nagtatanong lang ako na kasama kana ba sa mga nag-sisinungaling para makakuha ng simpatya?
Dahil ikaw ang may hawak ng pondo at ako lang ay naging kasama sa paglagda ng registration ng RTC. Pero hindi ako ang may hawak ng pondo, di ba’t nasa iyo kaya kapag may panga-ngailangan si Boyet ay ikaw ang nangangasiwa kaagad agad noon, at alam mong halaos lahat ng pondo ay naipapadala mo lang sa panga ngailangan ni Boyet…papano yong ibang Ministro talaga??
Ganon pa man ay nakaraan na yon, pinag paumanhinan ko na ang mga taong nanira sa akin na mga kasama nyo, dahil dala din sila ng mga maling impormasyon na ginawa patungkol sa akin. Gusto ko lang linawin ito dahil hindi maganda ang epekto ng ginawa mo na kapag nakaharap ka sa kausap mo ay maayos pero, iba naman pala ang sinasabi mo kapag nakatalikod ka na, lalo na kapag kausap mo si Ka Lottie iba ang naipaparating mo kabaliktaran sa totoong nangyayari.
Hindi ganyan ang pagka kilala ko sa yo ng mag umpisa ang incdefenders. Ka Nina, magpaka totoo tayo dahil ang gawaing ito ay pagtindig sa totoo at pag hahayag ng katotoahanan (ebidensya) laban sa kasamaan na ginagawa nga mga tiwali sa Iglesia. Hindi pagsisiraan, lalong hindi pag papasikat sa kung kanino man – yan ang payo ng nangangalaga sa atin, alam mo yan simula ng magkasama tayo sa gawaing ito. Kung ganyan ang makikita sa atin wala tayong ipinag kaiba sa alam nating mali ang ginagawa, sa nangyayari para wala ng Pag-ibig sa atin nagiging kapaluluan, pag mamagaling at pataasan ng ego — hindi ganyan ang ipinayo sa atin.
Nananhimik lamang ako pero patuloy ang paninira ninyo sa akin, sanay wala ka doon sa mga magugulong yon, ikaw ang nakaka alam ng tama. Palagi nating sinasabi sa Ama tayo hindi tayo sa tao. Kaya nga ang payo sa atin ay huwag mang hawak sa sariling nalalaman na inaakalang tama dahil tayo ay may pagkukulang at may kasiraan, sino ba sa atin ang matuwid? Ang Diyos ang nakaka kita ng puso natin, ang Ama din ang maghahayag ng mga yon.
Thank you for your time reading this message, at sana manatili tayo sa katapatan ng paninindigan sa tama at pagsasanggalang sa katotohanan, magpapatuloy ang incdefenders at sa pagsunod sa tama, sumaway sa mga gumagawa ng hindi magandang usapusapan laban sa kapwa. Makita tayo ng Diyos sa pag iibigan at pag sasabi ng totoo, dahil ang sinisikap nating bigyang lugod ay ang Diyos hindi ang sino mang tao.
Salamat muli sayo.
P.S. Fund is on its way Ka Vincent will receive it ASAP.
Ka Bob
incdefenders.org
incdefenders.net
Defenders of the Truth