Category Archives: Uncategorized

PAGTUTUWID AT “PASASALAMAT” KAY BOBBY FERNANDEZ

PAGTUTUWID AT “PASASALAMAT” KAY BOBBY FERNANDEZ                              By: Isaias T. Samson, Jr.

NOTE: Bobby, hindi ka namamalik-mata sa nababasa mong pagpapasalamat ko sa iyo at sa mga taong nasa likod mo, sapagkat, sa tuwing may ipinopost kayo sa FB, ay lalo ninyong naihahayag na kami sa EGM, ay hindi nagtuturo ng laban sa mga doktrina ng Iglesia gaya ng nakasulat sa pinakalatest na sagot ninyo na: “hindi namin pinagbabawalan ang mga kapatid na sumamba at mag-abuloy.” Para rin sa inyong kaalaman at upang huwag na kayong maghirap pa sa pagba-base sa inyong sariling haka-haka o sa hearsay, ay liliwanagin namin kung ano ang itinuturo namin sa mga kapatid: “Sumunod kayo sa mga TAMANG ipinatutupad sa Iglesia, huwag sa HINDI TAMA o sa anumang labag sa doktrina at wastong tuntunin, upang ang Diyos ay hindi magalit sa atin.

Hindi na kailangan na kayo ay maging si ka Tunying para masagot nang punto por punto ang mga inilahad kong sagot sa nauna ninyong ipinost, subalit sa halip ay inihalintulad ninyo ako kay satanas “dahil sa paggamit (ko) ng mga talata.” Yayamang sinitas ninyo si satanas, ay ipaalala natin sa mga sumusubaybay kung sino siya at sino ang tunay na mga katulad niya. Hindi ninyo binanggit ang isang napakahalagang katotohanan: Na kaya sumisitas ang diyablo ay upang magsinungaling, sapagkat siya ay SINUNGALING at ama ng mga ito, at ang layunin niya ay pumatay ng mga kaluluwa sapagkat siya ay MAMAMATAY-TAO (Juan 8:44).

ILANG KATANUNGAN:

  1. Bakit wala kayong naisagot sa lahat ng aking sinabi, sa halip ay itinulad na lang ninyo ako sa diyablo? Wala ba kayong maisip na kasinungalingan? Ang katulad mo (ninyo) ay isang tao na nang masukol sa paggawa ng masama at walang maikatuwiran, ay minura na lang at siniraan ang nakahuli sa kaniya para mapagtakpan ang kaniyang pagkapahiya at ang katotohanan.
  2. Alin ang kasinungalingan sa mga inilahad kong pangyayari lalo na sa mga talatang ginamit ko na nagsasabing “ang dapat itiwalag ay ang masama” at “huwag makibahagi, sa halip, ay ilantad ang mga gawa ng kadiliman”? Pagiging masama ba at karapat-dapat nang itiwalag agad ang isang kapatid na nagdaramdam, nag-uulat at nagtatanong sa mga nakikita niyang mga gawain na sumisira sa Iglesia?

Ang ilang halimbawa  ng kanilang itinatanong ay ang tungkol sa mga naglalakihang utang sa mga Banko kaya naisanla ang maraming real properties ng Iglesia. Naitatanong din nila kung bakit mangilan-ngilan na lang ang naipatatayong malalaki at magagandang gusaling sambahan at halos lahat ay mga “Barangay chapels” na lang, samantalang hindi lingid sa Iglesia na napakalaking halaga ang natipon sa panahon ni Ka Erdy sa layuning “malipol” na ang mga abang gusaling sambahan, at magkaroon na ang lahat ng mga lokal ng maayos na pinagsasambahan. Hindi rin maiaalis na sila ay magtanong kung saan napupunta ang kanilang mga abuloy at handog dahil kitang-kita nila na maraming ipatatayo sana at sinimulang itinayo na hindi pa matapos-tapos at mapakinabangan ng Iglesia, gaya ng EVM Convention Center na kasabay pang sinimulang itayo ng Phil. Arena.

Nasaksihan rin ng marami, kaya nabuksan ang kanilang isipan, ang ginawa ninyong panawagan na magrally ang lahat ng mga kapatid sa harap ng DOJ at sa Edsa subalit 15,000 lamang ang tumugon at nagtipon na malayong malayo sa inaasahan ninyong milyones o daan-daang libong dadalo bagamat nagawa pa rin ninyong pinsalain ang daloy ng trapiko at maging ang mga negosyo at trabaho ng napakarami. Alam kasi ng karamihan na isinasangkalan lamang ninyo at NAGSISINUNGALING KAYO nang ipakalat ninyo ang balita na pati si ka EVM ay isinama ko sa illegal detention case na aking isinampa   dahil alam nila na laman ng lahat ng mga balita kung sino lamang ang mga kasama sa naturang kaso.

Pilit ninyo silang dinadaya at pinapaniniwala (hanggang ngayon) na ako agad o ako ang naunang nag-file ng kaso samantalang iyon ay ginawa ko lamang pagkatapos na ako’y inyong kasuhan ng libel at makaranas ng walang tigil na pagtugis at harassment.

Maaring napapaniwala ninyo ang marami sa inyong kasinungalingan pero hindi ang mga bukas ang isipan na alam ang mga tunay na nangyayari. Sa patuloy ninyong ginagawa ay patuloy ding dumarami ang nagigising at naitutulak ninyo sa paghihimagsik ng kalooban. BAKIT HINDI NA LANG NINYO ITUWID ANG INYONG PAGKAKAMALI AT TIGILAN NA ANG LAHAT NG KASINUNGALINGAN?

Kapansin-pansin din ang discrepancy o kontradiksiyon sa inyong isinulat na ayon sa inyo ay pananalita kong lahat, tulad ng: “Laging bukang bibig niya sa mga kapuwa niya itiniwalag: ‘kahit tayo’y itiniwalag, KAANIB pa rin tayo sa Iglesia’.” sinundan pa ninyo ng: “Kahit nasa LABAS daw sila ng Iglesia ay may karapatan pa raw sila sa pagsunod sa utos ng Diyos at sa pagtatamo ng kaligtasan.” Napansin niyo ba ang contradiction sa mga sinasabi ninyong sinabi ko? Totoong lagi kong sinasabi na “tayong mga unjustly o wrongly expelled ay mga kaanib pa rin sa Iglesia,” subalit wala akong sinasabing, “Kahit nasa labas tayo ng Iglesia” dahil nga sa ang pananampalataya namin ay hindi kami itiniwalag ng Diyos sa pagiging “kaanib sa Iglesia.”  Tandaan ninyo, ang “taktika” o pamamaraan ni Satanas, ay baguhin, o dagdagan, o bawasan ang kaniyang sinisipi. Buti na lang at sa pagkakataong ito ay hindi ang talata ng Biblia ang inyong binago kundi ang mga salita ko lamang, gayunpaman, hayag na hayag pa rin ang style ni satanas.

Wala kaming “itinuturo na lahat ng natiwalag ay mga kaanib pa rin sa Iglesia dahil tao lamang ang nagtiwalag at hindi ang Diyos,” sapagkat marami na ang natiwalag at dapat matiwalag dahil sa “pamumuhay na labag sa pagka-Cristiano” gaya ng mga gumagawa ng korupsiyon at mga anomalya sa Iglesia. Ang ganiyang uri ng natiwalag ang “nawalan (o mawawalan) ng karapatan sa paglingkod sa Diyos at sa kaligtasan,” hindi ang mga naging biktima ng “unjust or wrong expulsion” dahil sa kanilang pagsasanggalang sa Iglesia at sa katotohanan. Ang halimbawa nito ay nabanggit ko na sa itaas (See: Ilang Katanungan no. 2). Hindi ba’t maging sa kasaysayan ng Iglesia ay may mga naitiwalag na ibinalik din dahil nagkamali sa unang pasya bunga ng maling ulat , impormasyon, o rekomendasyon. Hindi ba ninyo napapansin na karamihan sa mga itiniwalag ninyo ay mga matatagal nang mga kapatid at maytungkulin na kaya di napigilan ang sariling magtanong, o mag-ulat at maghayag ng sama ng loob, ay dahil sa pagmamahal at pagmamalasakit sa Iglesia? Hindi ba hamak na mas marangal at maka-Diyos sila kaysa sa marami dahil marunong silang manindigan sa tama, sukdulang sila ay usigin, gipitin, gawan ng masama, at magsakripisyo ng malaki, di tulad ng marami na natitiis na masalaula ang Iglesia dahil sa takot o pakinabang.

Totoo na doktrina ang pagpapasakop sa Pamamahala at tama ang mga talatang ginamit niyo upang ito ay patunayan, subalit totoo rin, na nakasulat sa Biblia kung sa anong uri ng mga lider dapat pasakop ang bayan ng Diyos, at iyon, ay sa mga matuwid na tagapanguna, hindi sa masasamang tagapanguna:

“When the godly are in authority, the people rejoice. But when the wicked are in power, they groan.” (NLT: Proverbs 29: 2)      

(Kapag matuwid o maka-Diyos ang nasa kapangyarihan o nangunguna, nagbubunyi ang bayan. Subalit kung ang nasa kapangyarihan ay masama, ang bayan ay dumaraing)

TANONG: Kukunsintihin ba ng Diyos ang masasamang gawa o pasya ng mga nangangasiwa gaya ng karaniwang ginagawa ngayon na “express expulsion and without due (biblical) process” na, sa halip na alisin ang totoong gumagawa ng masama, ang inaalis ay ang nag-uulat sa masasama o nagrereport o kumikwestiyon sa mga bagay na masasama? HINDI BA ANG GAWAING IYAN AY ISANG URI NG PAGPATAY NA GAYA NG GAWAIN NI SATANAS NA PILIT PINAPATAY ANG KALULUWA NG TAO? Sa tingin ninyo kinakampihan o pinagtitibay ng Diyos sa langit ang ganiyang napakasamang gawain dahil lamang sa may pangako  Siya na, “Ang inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit”?

Sa harap ng katotohanang ito, sino ang katulad ni satanas at tinakasan na ng Espiritu Santo? Para maiwasan nating magbintang, bayaan na nating ang makababasa ang mag-isip ng tamang sagot.

Ipagpaumanhin ninyo kung sa pakiramdam ninyo ay mabigat ang mga nasabi ko at nasaktan ko ang inyong ego. Nagbabakasakali lang ako na mananaig pa rin sa inyo ang pagmamahal sa Iglesia (kung may nalalabi pa) kaysa sa ego. Alam ng marami na ako at ang aking mga kasama ay matagal na at nagsisikap na manahimik lalo na sa paggamit ng social media sapagkat ayaw na sana naming makadagdag pa sa pagsira sa Iglesia na kayo mismo sa tulong ng ilang mga naligaw na “defenders” ang gumagawa.

Gayunpaman, pananagutan namin sa Diyos na ilantad ang mga gawa ng kadiliman at ang kasinungalingan. Sana ay makatulong ang mga sagot na ito para mabuksan ang inyong isipan at manaig pa rin ang mabuting budhi. Alam naman nating lahat na hindi lingid sa Diyos ang lahat ng nangyayari maging ang nasa ating puso, isipan, at layunin.

God Alone Can Judge All Mankind

The Iglesia Ni Cristo in these last days will never be turned away from the faith.
The Ecclesiastical Group Meeting (EGM) is a gathering of those who love the Iglesia Ni Cristo and those who uphold the true words of God and worship Him.

The intent of the EGM is not to establish a new Church, but to help and nourish the souls of the brethren who were oppressed and expelled by the present church administration of the Iglesia Ni Cristo.
We admonish the wrong teachings of those who call themselves defenders,  specifically the group of incsilentnomore  or their live gatherings and online (zoom) meetings; the so-called group prayer meeting -gpm )
EGM has nothing to do with or no association with this group whatsoever or its postings on YouTube, Facebook and articles or blogs.
Hence, we kindly remind the brethren to be cautious, because their actions are against the Iglesia Ni Cristo that could result in damaging the doctrine that we received from the Last Messenger of God in these last days.
 ~ For  more info  you may send your email to:
                       [email protected]

SAGOT SA MGA KASINUNGALINGAN AT MALING PARATANG NI BOBBY FERNANDEZ

SAGOT SA MGA KASINUNGALINGAN AT MALING PARATANG NI BOBBY FERNANDEZ    By: Isaias T. Samson, Jr.

 NOTE: Nagpapasalamat ako sa mga nagpadala sa akin ng ipinost ni Bobby Fernandez.

Minarapat ko na sa pagkakataong ito ay sagutin ang ipinost ni Bobby Fernandez sa kaniyang FB account upang huwag madaya ng kaniyang mga kasinungalingan at maling paratang ang mga nakababasa ng kaniyang ipinost. Nais ko lang ipagpauna, na ang sinasagot ko ay hindi ang kaniyang mga sinasabi tungkol sa “Remnant Few” o “Replacement Group”, kundi iyon lamang mga maling paratang niya sa akin at sa mga kasama ko sa EGM.

Ang mga sagot na ito ay hindi lamang para kay Bobby, kundi, para din sa mga taong nasa likod niya o sa mga nag-utos sa kaniya, sapagkat ang isang ministro ay hindi mangangahas magpost ng anuman nang hindi alam o hindi  iniutos ng mga nakatataas sa kaniya.

MGA PARATANG NI BOBBY AT ANG AMING MGA SAGOT:

  1. “Wala sa puso at isip ang pagpapasakop (sa Pamamahala), kundi ang nais ay sila ang tagapanguna sapagkat nakatuon lang sa sariling pakinabang. Nagagawa nila ito dahil wala na sa kanila ang Espiritu Santo.”

SAGOT:

Hindi ba pagpapasakop at pagmamalasakit sa Pamamahala na lumuluhang idinulog ko at ipinagbigay-alam sa kaniya ang mga nangyayaring korupsiyon at anomalya sa Iglesia para kaniyang maaksiyunan sapagkat nasisira ay ang Iglesia at siya na rin ang sinisisi ng mga nakakaalam? Ang ilan sa mga inilapit ko sa kaniya ay ang mga nangyayaring katiwalian sa pagtatayo ng Philippine Arena; ang tungkol sa fugitive na Koreano na main contractor; mga pandaraya sa pag-uulat ng bilang ng dinuduktrinahan at mga ginagawang Lingap sa Mamamayan pati na ang kurapsiyon sa ginugugol sa mga ito; gayundin, ang ginagawa sa mga abuloy sa abroad na hindi na pinararaan sa tamang proseso at labag sa batas at basta na lamang kinukuha sa mga lokal. Ganiyan ba ang nagnanais na maging “tagapanguna”?

Ang pagpapasakop bang nalalaman ninyo ay ang manahimik at magbulag-bulagan na lamang sa harap ng nagdudumilat na korupsiyon at anomalya na sumisira sa Iglesia tulad ng ginagawa ng marami sa inyo lalo na ng mga high ranking at matatandang ministro? Aminin ninyo na kabilang kayo sa mga nakasaksi at naguusap-usap tungkol sa mga katiwaliang nagaganap sa Iglesia. Pagkatapos ay may tapang pa kayo na sa akin o sa amin ibagsak ang sisi. Alam ninyo at higit sa lahat ay alam ng Diyos, na kaya ako nalagay sa ganitong kalagayan, ay dahil sa pagpapasakop at pagmamalasakit sa Pamamahala ng Iglesia.

Pangsariling pakinabang ba na iwanan ang lahat ng tinatangkilik, lalo na ang mga mahal sa buhay, tiising magtago kung saan-saan dahil may humahanting at gumigipit sa amin, at manganib ang buhay, idemanda (kaya napilitan din akong magsampa ng demanda), at marami pang iba? Kung iniisip ninyo na nagsasamantala ako sa mga kapatid ay hinahamon kita (kayo) na magpakita kahit ng isang matibay na ebidensiya.

Hindi ba’t ang pangsariling pakinabang ay iyong ayaw ninyong manindigan sa tama at ipagsanggalang ang Iglesia mula sa mga sumisira dito na namamayagpag loob ng Iglesia, manapa ay napakakasangkapan kayo sa paninira at pag-usig sa mga tunay na nagmamalasakit sa Iglesia, para sa kapakinabangang panlaman?

Wala na raw sa amin ang Espiritu Santo. Nalimutan na ba ninyo ang sinasabi ng Biblia na ang iniiwan ng Espiritu Santo ay ang pumipighati rito, tulad ng mga “nagnanakaw,” ang mga punong-puno ng “kapaitan, kagalitan at panglilibak” na gaya ng ginagawa ninyo at ng inyong mga tagasunod (Efe. 4:28-31). Iniiwan din ng Espiritu Santo ang katulad ng lider na si Saul, sapagkat sa halip na buong higpit at giting na sundin ang utos ng Diyos ay kaniyang nilabag dahil sa pakinabang (I Sam. 15:9).

  1. “Ang sabi ng grupo ni Isaias Samson Jr. ‘restoration’ lang daw ang gagawin nilaire-restore ang Iglesia.”

SAGOT: Dito ay nahahayag ang kasinungalingan ni Bobby at ang katunayan na tumatalakay siya ng isyu na hindi naman niya nauunawaan (II Ped. 2:12). Magpakita ka nga ng katunayan na  sinabi namin na kami ang gagawa ng restoration ng Iglesia. Alam na alam ng mga tunay na nakaririnig sa amin na ang pinagdiriinan namin ay ang Diyos ang magre-restore sa Iglesia sa kalagayang banal at walang dungis upang mahanda sa muling pagparito ng ating Panginoong Jesucristo (Efe. 5:27). Iyon ang aming binibigyang-diin sa panahon ng aming mga EGM upang ang mga kapatid ay huwag mahulog sa paggawa ng mga maling hakbang, at sa pagsasalita ng masama na gaya ng ginagawa ng marami lalo na sa social media na nakasisira lang sa imahe ng Iglesia.

Bobby (at mga kasama mo), sana ay pakalimiin mo ang nakasulat na ito sa II Pedro 2:12:

“Datapuwa’t ang mga ito, na gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol.”

  1. “Kung tapat at totoo ang layunin nila sa kanilang sama-samang paglulunsad noon ng rebelyon …”

SAGOT: Hindi kami naglunsad ng rebelyon. Kung nagrerebelde man ang damdamin ng marami at patuloy pang dumarami, ay dahil sa nakikita nila ang mga kasamaang ginagawa sa Iglesia ng marami sa inyo, tulad ng pag-aabuso at maling paggamit ng abuloy, kunan ng litrato o i-video sa panahon ng pagsamba ang mga pinaghihinalaan ninyo. Naririnig nila ang mga pang-aatake at panalangin ninyo na lipulin na ng Diyos ang mga itinuturing ninyong kaaway, at nadarama ang paglalagay ninyo sa kanila ng “mabibigat na atang” dahil sa mga karagdagang iba’t ibang uri ng donasyon at abuluyan na malimit ay nagagamit lamang sa mga pa-raffle ng mga sasakyan at pamamasyal ng mga ministro sa ibang bansa. Kung kayo ay nagiging mga bingi at bulag na sa mga daing at hinanaing ng mga kapatid, ang marami naman sa kanila ay dilat na dilat ang mga mata sa ginagawa ninyong panggigipit at pananakot sa mga pinaghihinalaan ninyong kaaway ng Iglesia, lalo na ang inyong ginagawa sa pamilya ni Ka Erdy at sa mga nagmamalasakit sa kanila. Nakikita nila na wala kayong kasiyahan sa inyong ginagawa. Itiniwalag na nga at ang iba ay ipinabilanggo pa ninyo, subalit patuloy pa rin ninyong inuusig at ginigipit. Gawain pa ba iyan ng isang Cristiano o kahit ng isang taong nasa katinuan ang pag-iisip? Higit sa lahat, gawain ba iyan ng mga tunay na ministrong nanumpa sa Diyos na kanilang pangangalagaan at ipagsasanggalang ang kawan o ang Iglesia?

Marami pa akong mababanggit pero alam kong alam niyo na rin ang mga nangyayari sa Iglesia. Ang totoo, kaya nga idinulog ko sa Pamamahala ang mga kurapsiyon at anomalya na nabanggit ko na sa itaas ay dahil noon pa man ay marami na ang nagdaramdam na nauuwi sa paghihimagsik ng damdamin dahil walang aksiyon para ang mga ito ay sugpuin. Sa halip, ang pilit ninyong sinusugpo at pinarurusahan ay ang mga kapatid na nagmamalasakit sa Iglesia—mga matatanda nang kapatid at mga maytungkulin na napakalaki na ng puhunan sa pagmamalasakit sa Iglesia.

Kung inaakala ninyo na karamihan sa mga “defenders” ay naligaw na, ay nagkakamali kayo sapagkat iilan lang mga mga yaon kaya lamang parang marami ay dahil maiingay sila sa social media.

NGAYON, MASISISI BA NINYO KUNG MARAMING NAGREREBELDE ANG DAMDAMIN? HINDI MATATAPOS ANG GULO SA IGLESIA HANGGA’T IPINAPASA NINYO ANG SISI SA IBA. SANA AY MAISIP NINYO NA KUNG MAYROONG DAPAT SISIHIN AY ANG INYONG SARILI.

Kapansin-pansin din na ang binibigyan niyo lamang ng pansin ay ang “pagkakaiba” ng paninindigan namin sa ibang grupo ng mga “defenders,” subalit pinakakaiwas-iwasan ninyong banggitin ang aming ikinaiiba. Bakit? Natatakot ba kayo na malaman ng lahat na ang mga aral na aming tinitindigan at ipinagtatanggol ay ang mga tunay na aral na itinuro ng Sugo sa mga huling araw, ang kapatid na Felix Y. Manalo, at buong giting na itinaguyod ng Kapatid na Eraño G. Manalo? Nangangamba ba kayo na mahayag at mapatunayan na hindi kami kalaban ng Iglesia at ng kaniyang mga aral gaya ng inyong ipinangangalandakan sa buong Iglesia sa layuning lasunin ang kanilang mga isipan, udyukang magalit sa amin ang mga kapatid at i-justify ang di makatarungang pagtitiwalag ninyo sa amin? Ang dapat kasing itiwalag ayon sa Biblia ay “ang mga masasamang tao” (I Cor. 5:13), at hindi ang ayaw “makibahagi sa mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman,” o ang mga “sinasawata o inilalantad” ang mga masasamang gawa (Efe. 5:11).

Kung naghahanap kayo ng mga “guilty” at lumabag sa mga aral na ito, ay  hindi niyo na kailangang magpakalayo-layo pa. Humarap na lang kayo sa salamin at tumingin sa inyong paligid at marami kayong makikita.

“At ngayon pa’y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa’t punong kahoy nga na hindi nagbubungang mabuti ay pinuputol at inihahagis sa apoy.” (ADB: Mateo 3:10)

 “Kayo nga’y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi” (ADB: Mateo 3:8)

 “Datapuwa’t ayon sa iyong katigasan at iyong pusong hindi nagsisisi ay nagtitipon ka sa iyong sarili ng poot sa kaarawan ng kapootan at pagpapahayag ng tapat na paghuhukom ng Dios” (ADB: Romans 2:5)

 

Ang Masasamang Lider at Hindi Ang Tunay na Iglesia ang Babagsak.

Ang EGM ay pagtitipon ng mga nag mamahal sa Iglesia Ni Cristo na nanghahawak sa katotoahanan at paglilingkod sa Diyos.

Ito ay hindi pagtatayo ng bagong relihiyon sa halip ito po ay pangangalaga sa mga kapatid na pinag usig at itiniwalag ng kasalukuyang namamahala sa Iglesia Ni Cristo.

Hindi po kasama at walang kaugnayan ang EGM sa mga ginagawa ng grupo ng incsilentnomore  at sa mga ipinangangaral nila sa kanilang group prayer meetings (GPM), maging ito ay sa Youtube at Facebook  man o mga artikulo at  blogs na sinulat nila.  Maging  maingat po ang mga kapatid dahil yong ganong gawain ang paglaban sa Iglesia at pag sira sa doktrina na ating tinanggap sa Sugo ng Diyos sa huling araw.

~Para sa iba pang katotohanan at paglilinaw maari po kayong mag email sa amin sa :    [email protected]

Dapat na Nakatuon ang Pansin sa Gawaing Itiniwala ng Diyos

Ang EGM ay pagtitipon ng mga nag mamahal sa Iglesia Ni Cristo na nanghahawak sa katotoahanan at paglilingkod sa Diyos.

Ito ay hindi pagtatayo ng bagong relihiyon sa halip ito po ay pangangalaga sa mga kapatid na pinag usig at itiniwalag ng kasalukuyang namamahala sa Iglesia Ni Cristo.

Hindi po kasama at walang kaugnayan ang EGM sa mga ginagawa ng grupo ng incsilentnomore or GPM , maging ito ay sa Youtube at Facebook  at mga artikulo o blog na sinulat nila.  Maging  maingat po ang mga kapatid dahil yong ganong gawain ang paglaban sa Iglesia at pag sira sa doktrina na ating tinanggap sa Sugo ng Diyos sa huling araw.

 

~Para sa iba pang katotoahan at paglilinaw

maari po kayong mag email sa amin sa : 

[email protected]

Why Others Lose Hope

The Iglesia Ni Cristo in these last days will never be turned away from the faith.
The Ecclesiastical Group Meeting (EGM) is a gathering of those who love the Iglesia Ni Cristo and those who uphold the true words of God and worship Him.
The intent of the EGM is not to establish a new Church, but to help and nourish the souls of the brethren who were oppressed and expelled by the present church administration of the Iglesia Ni Cristo.

We admonish the wrong teachings of those who call themselves defenders,  specifically the group of incsilentnomore or GPM namely Louie Cayabyab, Lowell “Boyet” Menorca II, Rolando Dizon and their allies.
EGM has nothing to do with or no association with this group whatsoever or its postings on YouTube, Facebook and articles or blogs.
Hence, we kindly remind the brethren to be cautious, because their actions are against the Iglesia Ni Cristo that could result in damaging the doctrine that we received from the Last Messenger of God in these last days.
~ For  more info  you may send your email to:
                       [email protected]

HERESY OR HEARSAY?

This is our take on the article “Marc’s Heresy – Remnant Few Take Two” from the website incdefendersnomore.

The said article started with the “remnant few” issue which allegedly confirms that the said doctrine originated from Ka Marc Manalo, but at the same time admitting,  that Ka Angel Manalo did not have its blessings, support or endorsement.

Hang on a minute … the GPM/incsilentnomore group headed by Jon Dizon, Lowell Menorca, Louie Cayabyab and their supporters are the ones preaching that doctrine, shared to them by Jeriel Nemis whom they claim is the emissary of Ka Marc. This is now the reason the OWEs are accusing the two brothers, Ka Marc in particular of being behind the controversial doctrine.

Is there any proof that Ka Marc himself proclaimed that the defenders are now the remnant few mentioned in Isaiah 1:8-9? Who is the source of this “information”? Did those who made the article consult or get the info from leaders or members of the GPM/incsilentnomore group? It would be unfair to leave everyone guessing and for the innocent defenders to be accused of promoting a doctrine not taught by Brother Felix and Brother Eraño Manalo.

It is crystal clear that EVM’s men continue to demean, tarnish the names of his two younger siblings by dragging them once again, as they have done in the past, into this controversy. But it also can’t be denied that the people behind the (GPM/incsilentnomore) have to bear a great part of the blame for using the two brothers’ names especially Ka Marc’s in their latest claim that they are the “remnant few”.

Why put the blame on the two brothers – Ka Angel and Ka Marc, every time there is an issue or anything they believe they can use against the defenders?  Why is it them who are always the target of their (OWE) unfounded accusations when in fact they have kept their silence from the very beginning in all the accusations hurled against them?.

The problem is, there are so called defenders (GPM/incsilentnomore) who often use or habitually use the names of the two brothers (name dropping) to convince other defenders of anything they share with them, and that’s a fact!  incsilentnomore group continuously  teach about their being the remnant few, thus, dragging Ka Marc’s name to the controversy, though without a word coming from his mouth.

Interestingly, claiming to be the Remnant or the Chosen Few is not something new. Remember the group of aspiring Ministers called the New Gen(s) headed by Jojo de Guzman and his cohorts who went against the leadership of Ka Erdy and were expelled by him? They were the first to claim they are the chosen few, and now, the GPM or silentnomore group claims to be the Remnant few. Is it a mere coincidence? By the way, “The Game of Thrones” has been the favorite of the leaders of the OWE. Ironic isn’t it?

The OWE and the GPM/incsilentnomore , are using Ka Angel and Ka Marc’s name in two different ways and perhaps with two different intentions, but unfortunately, with the same end result, that is, to further and completely damage the image of the two brothers in the eyes of the brethren.

The OWE also accused Ka Marc of planning to announce that he is the true TP of the Church duly chosen by Brother Eraño G. Manalo. How did they know? Are they keeping a “secret” which they are afraid might be revealed in the near future that is why they want to preempt whatever trouble it may cause them?  What is it that frightens, thus, propels them to maliciously spread never-ending issues and accusations against Ka Angel and Ka Marc?

None of the brothers have officially said anything, that is why the continued process of vilifying them makes no sense.

Why not respect their silence or just let the two brothers speak for themselves if ever that time would come? Only then when we shall know if ever there are things to be revealed.

In the face of all these unfounded accusations, no one can blame if someone asks,Is there a conspiracy to destroy the two silent brothers? If there is, WHY?”

NOTE: The rest will be discussed in the next article.

 

Ang KATOTOHANAN at PAGKAKAISA na Dapat Maunawaan ng mga Defenders

This video is available in English version ==> click here to watch

Pagtutuwid sa maling itinuturo ng mga nagpapakilalang  defenders, ito ay ang grupo ng incsilentnomore or GPM  (Louie Cayabyab, Lowell Menorca,Rolando Dizon at mga kasama nila). Hindi po kasama at walang kaugnayan ang EGM sa mga ginagawa ng grupong nabanggit, maging ito ay sa Youtube at Facebook  at mga artikulo o blog na sinulat nila.  Maging             maingat po ang mga kapatid dahil yong ganong gawain ang paglaban sa Iglesia at pag sira sa doktrina na ating tinanggap sa Sugo ng Diyos sa huling araw.

Ang EGM ay pagtitipon ng mga nag mamahal sa Iglesia Ni Cristo na nanghahawak sa katotoahanan at paglilingkod sa Diyos.

Ito ay hindi pagtatayo ng bagong relihiyon sa halip ito po ay pangangalaga sa mga kapatid na pinag usig at itiniwalag ng kasalukuyang namamahala sa Iglesia Ni Cristo.

The True Servants of God …. EGM110517

The Iglesia Ni Cristo in these last days will never be turned away from the faith.
The Ecclesiastical Group Meeting (EGM) is a gathering of those who love the Iglesia Ni Cristo and those who uphold the true words of God and worship Him.
The intent of the EGM is not to establish a new Church, but to help and nourish the souls of the brethren who were oppressed and expelled by the present church administration of the Iglesia Ni Cristo.
We admonish the wrong teachings of those who call themselves defenders,  specifically the group of incsilentnomore or GPM namely Louie Cayabyab, Lowell “Boyet” Menorca II, Rolando Dizon and their allies.
EGM has nothing to do with or no association with this group whatsoever or its postings on YouTube, Facebook and articles or blogs.
Hence, we kindly remind the brethren to be cautious, because their actions are against the Iglesia Ni Cristo that could result in damaging the doctrine that we received from the Last Messenger of God in these last days.