Category Archives: Voice of Defenders

MARAPAT BANG IHAMBING SI KAPATID NA EDUARDO V. MANALO (EVM) KAY MOISES?

MARAPAT BANG IHAMBING SI KAPATID NA EDUARDO V. MANALO (EVM) KAY MOISES? LABAG BA SA BIBLIA NA MANAWAGAN SA LIDER NG BAYAN NG DIYOS KUNG NAHUHULOG SIYA SA PAGKAKAMALI?

Kapansin-pansin na ang binibigyan na lang ng diin ng mga One With EVM (OWE) ministers sa isip ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay si kapatid na Eduardo V. Manalo (EVM) ang pinakamahalagang tao sa mundo. Kung bakit ay upang mahikayat nila ang lahat na “walang sinomang maaring pumuna o magtuwid sa kaniya kahit siya ay nakagawa na ng pagkakamali kundi ang Diyos lamang.” Ginagamit ng mga OWE ministers na panakot ang nakatala sa Biblia na nangyari sa mga pumuna o nagsalita laban kay Moises upang magbigay babala o takutin ang mga hindi makatiis pumuna o magsalita ngayon kay Ka EVM. Ipinapapansin nila na hindi sila palalagpasin ni  pagpapaumanhinan ng Diyos.

Walang pag-aalinlangan na pinatawan ng Diyos ng mabigat na parusa ang mga pumuna o nagsalita laban kay Moises kabilang ang mga kapatid niya sa laman. Subalit hindi dahil sa ginawa ng Diyos iyon ay makatuwiran nang ipalagay na gayon din ang gagawin ng Diyos sa mga pumupuna o nagsasalita udyok ng pagmamalasakit kay Ka EVM at sa Iglesia. Maling ipanakot ang pangyayari sa panahon ni Moises dahil sa nakikitang malaking pagkakaiba ni Ka EVM kay Moises. Si Moises ay isang lider na may pagkasi ng Diyos sa buong panahon ng pamamahala niya sa bayan ng Diyos. Bagaman may mga naging pagkakamali rin siya bilang tao ay maituturing siyang isang matuwid at makatarungang lider sapagkat hindi niya kinunsinti ang anumang uri ng katiwalian, hindi niya inapi ang sinuman sa halip ay ipinagtanggol niya ang mga inapi at mga pinagkaitan (Exodo 2:11-12, 16-17).  Ganito po ba si Ka EVM?

Nang parusahan ng Diyos ang mga kapatid niyang si Miriam at Aaron ay hindi niya sila kinasuklaman ni itinaboy sa halip ay kinahabagan at ipinamanhik pa sa Diyos na pagalingin ang kapatid niya na binigyan ng Diyos ng sakit na ketong (Blg. 12:13).  Bakit sa kabila ng pinagsalitaan siya ng kaniyang mga kapatid ay hindi niya sila pinaghigantihan ni pinagmalupitan? Sapagkat maamong-loob si Moises kaya siya ang pinili ng Diyos na manguna sa Kaniyang bayan (Bilang 12:3). Bakas na  bakas sa aksiyong ito ni Moises na siya ay isang lider na mapagpahinuhod.  Ganito po ba si Ka EVM? Bakit ang nakita lang ng mga OWE ministers sa pangyayaring iyon ay ang pagpaparusa ng Diyos pero hindi nila nakita ang napakagandang katangian ni Moises bilang lider sa bayan ng Diyos. Siya’y isang mapagmahal at mapagmalasakit sa bayan maging sa kaniyang mga mahal sa buhay. Pinagtanggol niya ang mga naaapi at ang mga pinagkakaitan.

Marahil ay inip na inip na ang mga OWE ministers at mga kapanalig nila dahil matagal na nilang itinuturo sa buong Iglesia na masama ang paglaban sa pamamahala ay wala pang kapatid sa laman si Ka EVM na tinubuan ng ketong o nasumpa. Wala pa ring mga ministro, mga may tungkulin, at mga kapatid na  tumindig laban sa mga nagaganap na katiwalian sa Iglesia ang binukahan at nilamon ng lupa. Marami-rami na ang mga Defenders ngayon at patuloy pang dumarami. Kung talagang itinuturing ng Diyos na paglaban kay Ka EVM ang pagpuna o panawagan sa kaniya ng mga kapatid niya, ng mga ministro, ng mga maytungkulin at iba pang mga kapatid na nagsalita laban sa katiwalian sa Iglesia, bakit  pagtatagalin pa ng Diyos na igawad sa kanila ang pagpaparusa? Noong pagsalitaan si Moises ng mga pumuna sa kaniya kaagad ay ipinataw ng Diyos ang Kanyang pagpaparusa (Bilang 12:9-10; 16:20-21).

Dahil sa wala silang nakitang pagpaparusa ng Diyos sa mga itinuturing nilang kaaway kahit abot-abot pa ang kanilang panalangin maging sa panahon ng pagsamba na  sumpain, parusahan at lipulin sila, ang tinatanaw nila ngayon ay ang kaparusahan sa dagat-dagatang apoy. Iyon diumano ang tiyak na sasapit sa mga tinatawag nilang fallen angels, mga makabagong Judas, Restore Tenny Church, at kung anu-ano pang mapanglait na katawagan.  Doktrina na ba sa Iglesia ngayon ang humatol sa kapuwa? Ito na kasi ang karaniwang nasusumpungan maging sa mga ministro, kaya tinutularan naman sila ng mga kapatid sa pag-aakalang ito ang tama.  Ano ang tinitiyak ng Panginoong Jesucristo sa mga palahatol sa kapuwa? Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan. 2 Sapagka’t sa hatol na inyong ihahatol, ay hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo. (Mateo 7:1-2). Hahatulan ng Diyos ang palahatol sa kapuwa.

Magkagayonman, kapansin-pansin na pati ang pagdating ng araw ng paghuhukom ay kinainipan na nila. Hindi na nila mahintay ang pagpaparusa ng Diyos. Si Ka EVM na at ang mga kasangguni niya ang nagpapataw ng mabigat na parusa sa mga pumupuna at nagsasalita sa kaniya dahil sa hindi niya pagkilos laban sa mga katiwalian sa Iglesia. Upang palabasing makatarungan ang ginagawa nilang pagpaparusa ay gumagamit din sila ng mga talata ng Biblia (I Corinto 5:13; II Juan 1:10-11 Amplified), mali naman ang aplikasyon.  Ilan na ang mga itiniwalag nila sa Iglesia? Ilan ang itiniwalag na ay  ginigipit pa, kabilang ang kaniyang sariling ina at mga kapatid sa laman? Nariyang idinemanda, tinakot, binabalaan, at kung anu-ano pang hindi makataong hakbangin, kasama ang patuloy na pananakit ng damdamin. Hindi pa nakuntento roon,  sinira ang mga alaala ng kapatid na Eraño G. Manalo, pati mga tahanan ay winawasak para pasakitan ang naiwang pamilya. Ang lalong masahol ay ang pagtataboy o pagkukulong sa kanila upang siguruhing magiging miserable ang kanilang buhay, at pagkaitan sila ng mga pangunahing pangangailangan.

Sa dami ng mga pagkakamaling nagawa at patuloy pang nagagawa ni Ka EVM at ng mga kasama niya sa pamamahala sa Iglesia ay hahaba ang pagtalakay na ito kung iisa-isahin pa. Ang pagtuunan na natin ng pagtalakay ay ang ikalawang tanong sa paksa na,  LABAG BA SA BIBLIA NA MANAWAGAN SA LIDER SA BAYAN NG DIYOS KUNG NAHULOG SIYA SA PAGKAKAMALI? Paglaban bang maituturing kung ang layunin ng pumupuna ay magtuwid?  Kung masama o mali ang pumuna o magtuwid  kapag ang lider o nangunguna ay nakagawa ng pagkakamali, hindi na sana nagsalita si Apostol Pablo at hinayaan na sana niya Apostol Pedro sa maling ginawa niya noong magtungo siya sa dako ng mga Hentil. (Galacia 2:11-15).

Si Apostol Pedro ay mas matanda sa karapatan o mas nauna sa ministerio kaysa kay Apostol Pablo. Kapuwa sila namahala sa Iglesia, si Apostol Pedro sa dako ng mga Judio, at si Apostol Pablo naman ay sa dako ng mga Gentil. Nakasama ba kay Apostol Pedro ang pagpuna o pagsasalita ni Apostol Pablo sa kaniya? Hindi, kundi siya ay naituwid at hindi na lubusang nakahawa pa sa iba, bagaman may mga nahawa rin sa maling ginawa niya. Hindi minasama ni Apostol Pedro ang pagpuna at pagsasalita sa kaniya ni Apostol Pablo sapagkat iyon ay pagtutuwid ng isang kapamatok na nagmamalasakit, hindi lamang para maingatan ang imahe niya bilang Apostol kundi para maingatan ang imahe ng Iglesia.

Kung masama ang magsalita o manawagan sa lider sa bayan ng Diyos ay hindi na sana pinagsalitaan ni David si Saul na hari ng Israel nang siya ay nakagawa ng malaking kasalanan laban kay David (I Samuel 24:9-12,16-22).  Bagama’t hari si Saul, hindi nangiming magsalita si David sa kaniya upang ipakilala ang kaniyang pagkakamali, subalit naroon ang paggalang.  Kung nagtikom ng bibig si David ay hindi makikilala ni Saul ang kaniyang malaking kamalian o kasalanan laban sa kaniya. Bagaman maituturing na masamang hari si Saul sa bayan ng Diyos, gayunman ay napahinuhod siya kay David nang ipakilala sa kaniya ang kaniyang mga pagkakamali. Hindi niya minasama ang ginawa ni David na pagsasalita at pagtutuwid sa kaniya.

Bakit minarapat ng may akda na paksain ito? Sapagka’t bago pa nalantad ang mga katiwalian sa Iglesia ay mayroon nang mga kumausap, nagpayo at nagpaabot ng mga puna kay Ka EVM sa pag-asang gagawan niya ng kaukulang hakbang. Pangunahin sa kanila ay ang mismong pinanggalingan niyang pamilya, ang kaniyang ina at mga kapatid, mga ministro, mga maytungkulin, mga kamag-anak, malalapit na kaibigan  at iba pa na tunay na nagmamalasakit sa Iglesia subalit sa halip na pakinggan ay minasama at itinuring pang pakikialam sa pamamahala niya iyon,  na para sa kaniya ay katumbas din ng hindi pagpapasakop at paglaban pa sa kaniya.

Kung nakinig lang si Ka EVM sa mga tunay na nagmamalasakit sa kaniya at sa Iglesia, lalo na sa sariling niyang ina at mga kapatid sa laman, di sin sana ay tiwasay at payapa ang pamamahala niya ngayon sa Iglesia. Di sin sana ay napanatili niya ang katatagan, katiwasayan at kabanalan ng Iglesia.

Ang Ama ang tanging nakababatid kung may nalalabi pang pagkakataon si Ka EVM para ituwid ang kaniyang mga pagkakamali. Si Saul bagaman kinilala ang kaniyang mga pagkakamali ay tuluyan na ring inalis ng Diyos sa pagiging hari (I Samuel 13:13-14), at sa bandang huli ay nagpakamatay siya (II Samuel 1:6-10). Si David na isang matuwid at mapagmalasakit na lingkod ng Diyos ang ipinalit Niya upang pangunahan ang bayang Israel.

Sa mga OWE ministers at mga kapanalig nila na pilit pinagtatakpan ang mga katiwalian sa loob ng Iglesia at ipinamumukha pang naninira lamang sa Iglesia at kumakalaban sa Pamamahala ang mga naghahayag ng katiwalain, sana makapagbukas sa inyong kaisipan ang mga katotohanang inihayag sa akdang ito.

Totoong kay Kapatid na Eduardo V. Manalo nakalaan ang kahalalan  bilang Tagapamahalang Pangkalahatan sa pagpanaw ni kapatid na Eraño G. Manalo dahil siya ang inihalal noong Mayo 6, 1994 at inihanda sa loob ng mahigit 15 taon bilang kahalili. Katumbas sana iyon ng ginawang paghalal kay kapatid na Eraño G. Manalo noong Enero 28, 1953 bilang kahalili ni kapatid na Felix Y. Manalo. Subalit ang mga pangyayari sa loob ilang taon bago pumanaw si kapatid na Eraño G. Manalo at sa halos pitong taon na ngayon mula sa pagpanaw niya ay napatunayang hindi naitaguyod ni Ka EVM ang kahalalang dapat sana ay para sa kaniya. Ang pangunahin sanang makapagpapatotoo ng mga pangyayaring nakapaloob sa mga panahong iyon ay ang naiwang pamilya ni kapatid na Eraño G. Manalo subalit hindi niya sila binigyan ng pagkakataon, sa halip ay pilit na pinatahimik sa pamamagitan ng pagtitiwalag, pagtatakwil at patuloy na panggigipit. Kung nakinig lamang sana si Ka EVM sa mga mahahalagang payo na ipinadala sa kaniya ng Diyos sa pamamagitan ng mga nagsalita at nanawagan sa kaniya ay napanatili sana niya ang katatagan, katiwasayan at kabanalan ng Iglesia.

Wala sanang mga Defenders ngayon na nananawagan sa pagbabago o restoration ng Iglesia. Subalit hindi siya nakinig manapa ay nagsawalang-kibo na lamang sa harap ng mga katiwalian at winalang halaga ang mga pagpapayo at pagtutuwid sa kaniya. Kaya sa loob lamang ng halos pitong taon ng pamamahala niya ay ibang iba na ang kalagayan ng Iglesia  kaysa sa panahon ng mga naunang namahala. Ang Iglesia ngayon ay pinaghaharian ng pagkakabaha-bahagi, mga paglalabanan, kapatid laban sa kapatid, pagsusumpaan at pagtatakwilan. Marami ang nalilito sa mga nangyayari at labis na nagdaramdam. May sinasabi ang Biblia tungkol sa uri ng lider pagka ganito na ang kalagayan ng Bayan:

Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama.”                              (Kawikaan 29:2 MB).

Sana ay hindi pa huli ang lahat kay Ka EVM, sa mga kasangguni niya, sa mga OWE ministers at mga kapanalig nila para sa isang ganap na pagbabago, iyong tunay na “restoration” ng Iglesia. Labis na ang pinsalang dulot sa Iglesia ng hindi maayos na pamamahala. Pinakahahangad ng mga Defenders at ito ang lagi naming ipinagpapanata sa Diyos na ang Iglesia ay makabalik sa banal, tiwasay, at maluwalhating kalagayan at matapos na rin ang mga panggigipit sa mga itiniwalag lalo na sa pamilya ni kapatid na Eraño G. Manalo.

Minister of the Gospel

 

 

36 TANDANG SORA AVE.

Para sa marami, ang 36 Tandang Sora Ave., Quezon City ay isang karaniwang address lang. Gayunpaman, para sa INC leadership, ito ang pinagmumulan ng sunod-sunod nilang sakit ng ulo. Ito ang dahilan kaya sa loob ng mahaba-haba na ring panahon ay walang tigil at lalo pa nilang ginigipit ang dalawang anak ng Ka Erdy na sina ka Angel at ka Lottie, ang kanilang mga pamilya at iba pang mga kasama nila. Kabilang dito ang ginawa nilang pagputol sa linya ng kuryente at tubig, paglalagay ng napakatataas na bakod sa paligid ng bawat bahay, pagransack at pagwasak sa tahanan ng Ka Erdy, pagsasampa ng mga kaso laban sa kanila (bagamat hindi naman nila sinusunod ang mga pasya ng hukuman kapag hindi pabor sa kanila), puwersahang pagpasok sa naturang dako at pananakit sa mga nakatira, pagbabawal na magpasok ng mga pagkain at iba pang pangangailangan nila, pagbomba ng sewer pabalik sa bahay, at marami pang iba. Ang isang halimbawa ng hindi sinunod ng mga mapang-api ay ang utos ng Hukuman na ibalik ang kuryente at tubig, at alisin ang nakaharang na guard house at portable toilet sa gate.

36

Ang pinaka-latest sa kanilang panggigipit ay ang ginawa nilang pagwasak sa bakod gamit ang backhoe, pagpasok sa loob ng mga naka-mask nilang mga goons, pagkuha sa mga sasakyan sa loob maging ang hindi nakapangalan sa Iglesia. Upang maisagawa nila ang kanilang hindi makataong layunin ay ginamit nila ang mga guwardiya ng Central at iba pa. Nang dumating si Atty. Trixie na may kasamang isang babae at dalawang “unarmed persons” at hinanap sa kanila ang “court order” at kung mayroon ay kung bakit gabi nila ito isini-served, ay pinasimulan silang saktan ng mga guwardiya na kahit bumagsak na sila sa kalsada ay patuloy pa rin silang pinagtulungan ng mga naka-mask samantalang walang ginawa ang mga pulis kundi ang tumunganga. Hindi man lang tinanong ng mga police ang mga goons kung bakit sa harap nila ay naka-mask ang mga ito. Dinala sa East Avenue Medical Center si Atty Trixie at ang kaniyang mga kasama. Samantala, ang gate sa 36 Tandang Sora Ave., ay iniutos nang i-welding ng mga walang puso at isip na mga mapang-api.

Ang mga pangyayaring nabanggit sa itaas ang dahilan kaya para sa mga defenders, ang 36 Tandang Sora Ave., ay naging simbulo at nagpapaalala ng karahasan at mga panggigipit na nararanasan ngayon hindi lang ng mga nakatira doon kundi ng lahat ng mga inuusig at itinitiwalag ng kasalukuyang mga nangangasiwa sa Iglesia. Ito ay naging sagisag na rin ng pag-aaksaya nila sa mga abuloy at handog ng mga kapatid. Na sa halip na magamit sa pagtatayo ng magagandang gusaling sambahan ay ginagamit sa mga pagsasampa ng mga demanda at pagbabayad ng malaki sa mga kilalang law firm at pagwasak sa maaayos na gusali tulad ng naging tahanan ng Ka Erdy na dapat sana ay ipriniserved at magsilbing tagapagpaalaala ng kaniyang mga pagsasakit sa Iglesia sa loob ng 46 na taon.

Bagamat walang “valid justification” na maibibigay sa anumang gawain ng mga mapang-api, ang pangunahing dahilan ng patuloy nilang panggigipit sa mga anak ng Ka Erdy ay dahil sa iniisip nila na mula nang manawagan ang ka Angel ng tulong dahil sa pangamba sa kanilang kaligtasan ay sila ang nag-uutos sa mga defenders ng mga dapat gawin lalo na ang paghahayag sa mga katiwaliang kanilang ginagawa. Unang-una, sa mga pinaggagagawa ng mga OWE (One With EVM) ay pinatutunayan lamang nila na kayang-kaya nga nilang gumawa ng mga karahasan at mga bagay na labag sa batas kaya may katuwiran ang pamilya ng Ka Erdy na manawagan noon na sila ay tulungan sapagkat sila ay nanganganib. Ikalawa, walang sinuman sa mga defenders na makapagsasabing inutusan sila ng magkakapatid na gawin ang ganito at gawin ang ganoon. Ito ay alam maging ng mga OWE sapagkat sa kabila ng napakahigpit nilang pagsubaybay sa mga nasa Tandang Sora (kabilang na sa kanilang means of communication), ay wala silang mailabas na concrete proof na ang magkapatid ay nag-uutos na gumawa ng mga bagay na makasisira sa Iglesia o sa kanilang panganay na kapatid. Wala rin silang maipakitang patotoo na ipinahayag mismo ni ka Angel o ni ka Mark na sila ang inihalal ng Ka Erdy upang mamahala sa Iglesia. Ang gawain daw ng mga defenders ay naka-focus lang sa Tandang Sora at dahil lang sa magkapatid.

Hindi ba naisip ng mga mapang-api na hindi lang ang mga defenders ang nakatutok sa nangyayari sa 36 Tandang Sora kundi maging ang maraming mga kapatid at mga taga-sanlibutan? Ito ang isa sa tunay na dahilan kaya patuloy ang pagdami ng mga silent defenders. Na kaya nagkakagulo ay sapagkat sila mismo ay lagi ring nakatutok sa mga nasa Tandang Sora, at walang tigil sa papa-plano kung papaano nila sila pipinsalain? Napakadali namang unawain at patawarin ninyo ako kung sabihin kong mga bobo na lang ang hindi makakaunawa at mga bulag o nagbubulag-bulagan ang hindi makakita sa nangyaring panggigipit sa mga nakatira doon. Sabihin nang sa paningin ng mga OWE ay masasama ang mga nakatira doon, subalit, tama ba na palibutan nila ng pagkataas-taas na bakod ang bawat bahay na halos hindi na makahinga ang mga nakatira pagkatapos na sila ay putulan ng kuryente at tubig? Tama ba na pahirapan nila ang pagpapasok ng mga basic supplies tulad ng pagkain at tubig, at lubos na ipagbawal ang pagdedeliver ng diesel at kunin pa ang mga generators? Tama ba ang ginawa nilang pananakit sa abogada na may pahintulot ng batas na dumalaw sa kliyente anumang oras niyang naisin?

Kung sasabihin nila na ang mga nasa Tandang Sora ay hindi na mga kaanib sa Iglesia dahil mga tiwalag na kaya hindi dapat tulungan manapa ay itinuturing na nilang kaaway, ay bakit nagagawa nilang gumastos ng milyon-milyong piso para tulungan at bigyan ng pagkain ang daan-daang libo ring hindi mga kaanib sa Iglesia na ang marami ay mga mang-uusig? Ito ba ay pakitang-tao na lang, o dahil sa Guiness Book of World Records, o para pagtakpan ang kanilang masasamang gawa? Hindi ba’t utos ng Diyos na ibigin kahit ang mga kaaway? Higit sa lahat, ugaling Cristiano pa ba o ugaling tao pa ba ang kanilang ginagawa sa pamilya ng Ka Erdy na minahal niya at inarugang mabuti noong siya ay nabubuhay pa? Ang kaguluhan at kahihiyang dulot ng mga nangyayari sa Tandang Sora ay pilit nilang isinisisi sa mga nakatira doon at sa mga defenders na ang tanging layunin ay makatulong sa mga inaapi. Gayunpaman, …

 

panggipit

Ang kitang-kitang mga karahasan at panggigipit na ginagawa nila sa mga nasa 36 Tandang Sora ang dahilan kaya lumaki ang problema at lalong naglagay sa Iglesia sa malaking kahihiyan. Maaari bang hindi makita ang mga nagtataasang bakod, ang guard house, at portable toilet na iniharang nila sa gate at sinasakop na ang bahagi ng kalsada? Sino ang hindi makapapansin sa ginawa nilang ilang ulit na pagra-rally hawak ang mga placards at gamit ang megaphone sa harap mismo ng 36 Tandang Sora upang palayasin ang mga nakatira roon, o ang pagpigil nila sa mga delivery ng basic necessities ng mga nasa loob, pagkuha sa mga generator at diesel at pananakit sa mga babae at batang gustong pumigil sa kanila? Sino ang naglagay uli sa kahihiyan sa Iglesia, at di makapapansin nang buwagin nila ang bakod sa pamamagitan ng backhoe, saktan sila Atty. ng mga naka-masks na goons, basagin ang windshield ng isang sasakyan ng isang defender na nagdulot ng heavy traffic sa naturang kalsada? Marami pa silang ginawa na labag sa batas ng tao at higit sa lahat sa batas ng Diyos na hindi nailingid sa mga mata ng tao.

replacement

Ang mga ganito bang masasamang gawa ang patuloy na ididipensa ng mga nagsasabing sila ay mga Iglesia ni Cristo? Mabuti na lang at hindi na lumalabas sa kanilang bibig ang mga katagang “AKO’Y IGLESIA NI CRISTO,” sapagkat ang bukang-bibig na nila ngayon ay “I AM ONE WITH EVM,” at halos hindi na rin nila ginagamit (lalo na ng mga ministro) ang official seal at gayundin ang flag ng Iglesia, manapa, ang gamit na nila maging sa Pasugo ay ang “thumbprint na OWE.”

Alang-alang sa kapayapaan at upang hindi na lalo pang mabilad sa kahihiyan ang Iglesia, at kung tunay na ito ang hinahangad ng lahat, ay mag-ugaling tao na lang (kahit hindi na ugaling Cristiano) ang lahat. Kung hindi makasusunod sa batas ng Diyos ay kahit sa batas man lang ng gobyerno. Bakit hindi na lang hintayin ng lahat ang final na desisyon ng Hukuman sa mga kaso lalo na ang tungkol sa kung sino ang tunay na may karapatan sa naturang property. Maliban na lang kung totoo na ang 36 Tandang Sora ay kabilang sa mga pag-aari ng Iglesia na nakasangla na at malapit nang mailit ng Bangko.

 

 

 

 

 

 

SAGOT NI KA JUN SAMSON SA IPINOST SA IGLESIA NI CRISTO FACEBOOK ACCOUNT

Kapansin-pansin na nitong nakaraang ilang araw ay isang “lumang recording” tungkol sa naging sagot ko sa isang nagtanong sa meet and greet portion ng EGM ang ipinakalat ng isang Iglesia ni Cristo facebook account. OK na po sana kung ang record lang ng tanong at sagot ang kanilang inilabas, subalit ang kapansin-pansin ay ang kanilang paunang komentaryo na ang layunin ay dayain ang makababasa lalo na ang hindi na mag-aabalang makinig sa mismong recording. Sa timing pa lang ng pagpo-post ng naturang recording ay kaduda-duda na. Ang ini-record nilang pag-uusap kung hindi ako nagkakamali, ay noon pang September 2015 subalit pagkalipas pa ng maraming buwan nila ito inilabas. Sa ugali nilang mapang-espiya at mapanira, kung noon pa man ay may napuna na silang mali sa aking naging sagot, ay tiyak na hindi na nila pagtatagalin pa ang paglalabas nito. Marami akong maaaring banggitin na katunayan ng ugali nilang pagbaluktot sa katotohanan, subalit sa pagkakataong ito, ay dalawang halimbawa  na lamang ang aking ibibigay. Una, bagamat alam na alam nila na ang RTC fund ay para sa gastusin ng mga gawain ng mga defenders ay pilit nilang itinanim sa isipan ng mga kapatid na ito raw ang katunayan na nagtatag na kami ng sariling Iglesia. Ikalawa, ang pagbulusok ng abuluyan sa Iglesia ay dahil daw sa pinagbabawalan namin ang mga kapatid na mag-abuloy ng malaki kahit alam nila at ng nakararami na ito ay isang uri ng “protesta” ng mga kapatid dahil sa nakikita nilang mga anomalya sa Iglesia.

Ngayong nakapag-isip na sila (ang bagal naman) kung paano nila babaluktutin ang kanilang ini-record na usapan ay ipinasya nilang ilabas na ito. Isa-isahin po natin ang kanilang pandaraya:

  1. Nang tanungin daw ako “ukol sa mag-asawang natiwalag na sa INC pero gustong maihandog ang kanilang anak ay hindi (raw ako) makasagot, bagkus ang ginawa (ko) na lamang ay tumawa at magbiro.”
  1. Nang ako ay tanungin kung ano ang batayan sa Biblia, sinabi ko na hindi pinagtitibay sa langit ang pagtitiwalag sa mga defenders subalit wala daw akong maibigay kundi “nagpalusot” na lang daw ako na basahin na lang ang isang artikulo sa incdefenders.org. Ito raw ay nagpapatunay na ang aming mga sinasabi ay “batay lamang sa opinyon o kuro-kuro at hindi sa nakasulat sa Biblia.” Kung hindi raw pinagtitibay sa langit ang pagkakatiwalag sa akin ay dapat daw na pangasiwaan ko ang paghahandog sa bata? Ito raw ay katibayan na hindi na kami bahagi ng tunay na INC.

SAGOT: Kaawa-awa po ang mga nag-post ng mga ito dahil dalawa lang ang kahulugan nito: Hindi sila marunong umunawa o ayaw talaga nilang unawain ang kanilang mga ipino-post dahil labis na silang nakubabawan ng kanilang “amang” sinungaling at ng kanilang layunin na patuloy na dayain ang mga kapatid.

Totoong ako’y nagbiro sa layuning pagaanin ang damdamin ng mga kapatid na labis nilang inapi subalit ito ay hindi nangangahulugan na “hindi ako makasagot.” Kung pinakinggan lang nilang mabuti at inunawa ang recording ay hayag na hayag na sinagot ko ang katanungan. Ang pagsasabi ko na basahin na lang ng mga kapatid ang isang artikulo tungkol sa expulsion na ipinost sa Incsilent Nomore na sinundan ko pa ng pagsasabing naroroon ang mga sagot na talata, ay katunayan na nasagot ang katanungan sa maikling kaparaanan upang mabigyan ng pagkakataon ang iba na makapagsalita. Kaya ang aking sagot ay hindi isang opinyon o kuro-kuro. Ang OPINYON ay ang sinabi nilang hindi ko raw nasagot ang katanungan.

Ang hamon nila na ihandog ko ang bata kung totoong hindi pinagtitibay sa langit ang pagkakatiwalag sa akin (at sa mga kasama kong ministro), at kung hindi raw, ito ay katibayan na hindi na kami bahagi ng tunay na INC, ay isa pa ring uri ng pagliligaw sa mga inosente at isa  na namang pain o bitag na gusto nilang gamitin laban sa amin. Isa itong pagliligaw sa mga inosente sapagkat kung ginagamit lang nila ang kanilang isip ay naunawaan sana nila na ibang-iba ang situwasyon ng mga defenders ngayon sa dati nilang situwasyon noong sila ay hindi pa itinitiwalag at pinag-uusig. Kung bakit ay sapagkata ang EGM ay ginagawa sa pamamagitan ng ZOOM meeting at hindi namin kilala kung sino-sino ang dumadalo roon at kung nasaan silang bahagi ng daigdig. Ang hamon nila ay isang pain o bitag laban sa amin upang kung gawin namin ito o ang iba pang mga gawaing pang-Iglesia ay magamit nilang “patotoo” sa kanilang paratang na kami ay humiwalay na sa INC o nagtatag na ng sariling Iglesia.

Katunayan, ang ginagawa naming EGM na pilit nilang binabantayan at sinisira ay matagal na nilang ginagamit na “patotoo” na nagtatag na nga raw kami ng sariling Iglesia dahil may sarili na kaming “pagsamba” na “katulad” ng ginagawa sa loob ng Iglesia. Ito ay sa kabila ng katotohanan na ang EGM ay walang kalakip na handugan, doxologia, pagbabasbas, at iba pa, kundi pag-awit lamang ng ilang bilang, pananalangin, at pagpapaala-ala sa mga dumadalo ng mga aral na tinanggap ng tunay na Iglesia mula sa Sugo ng Diyos sa mga huling araw.

Bakit hindi ang pag-ukulan nila ng pansin at puna ay ang mga itinuturong leksiyon sa EGMs? Dahil ba sa alam nilang walang mali sa mga itinuturo sa EGM sapagkat ang mga yaon ay nakasalig sa mga aral ng Diyos na nakasulat sa Bibilia na itinuro mismo ng Sugo ng Diyos sa mga huling araw?

Ang bawat hakbang na kanilang ginagawa ay pawang desperate move. Ang katulad nila ay taong nahulog sa kumunoy na habang kumikilos ay lalong lumulubog. Idalangin na lang natin sa Diyos na wala na silang mahila pang mga kapatid sa kinalugmukan nilang kumunoy.

Narito ang bahagi ng naturang artikulo tungkol sa pagtitiwalag

EXPEL THE WICKED PERSON FROM AMONG YOU

All members of the Church dread the thought of being expelled, because to us, it is equivalent to death sentence and worse. What with all the expulsions, left and right being imposed by the members of the Sanggunian, who will not be scared and intimidated? Although I have touched on this subject in the past and in my very recent blog, let me remind you of what is truly written in the Bible. The Bible says in I Cor. 5:13, “Remove the evil person from your group.” No doubt that the “evil person” expelled from the Church are also expelled in heaven as Christ Himself testified to in Matthew 18:18. We also believe that he who does not remain until the end will not be saved, instead, will suffer the eternal condemnation. Unfortunately, like what the false prophets did after the death of the apostles, the members of the Sanggunian began to distort the implementation of this doctrine to sow fear in the hearts of the faithful. Anyone accused of questioning the rampant corruption they commit will readily be punished and expelled, reminiscent of the dark ages when any person accused of heresy, was readily sentenced to die at the stake. Well, at least many of those who were sentenced to die undeniably went against the ruling faith during that time. But how about now?

Many of those who were expelled did not go against any of the doctrine of the Church. Many of them were officers (like the Vasquez family in Long Beach, Ca.), very active members and supporters of the Church until the time they were expelled. For what reason were they expelled? For asking questions about the corruptions they hear and sometimes witness being committed by the Sanggunian members today. Since when, and where in the Bible does it say that asking questions for the purpose of knowing the truth, thus, avoid weakening in the faith, became a grievous sin punishable by expulsion? As ministers of God(?) administering the Church, they are commanded and expected by Him to lovingly and patiently show their concern for His people. In Ezek. 34:16, God requires the leaders of His people “to look for those that are lost, bring back those that wander off, bandage those that are hurt, and heal those that are sick.” But sad to say, the only portion of this divine instruction that the Sanggunian members consistently and are so eager to execute is “to look for those that are lost.” They do it not to bring the lost back by explaining and proving to them that the alleged corruptions are not true, but to interrogate and intimidate them, then force them to admit their “guilt” to serve as basis for their expulsion. What these Sanggunian members are doing are obviously against the teachings of God. THEIR ACTIONS AND DECISIONS ARE NOT SANCTIONED BY GOD because His doctrine is crystal clear: “Remove theevil person from your group.”

“REMOVE THE EVIL PERSON FROM YOUR GROUP.” To ask question and look for an answer is not evil. Even King David asked questions to God as if he was blaming Him for his predicaments, but his questions were not counted against him by God. To point out and report the corruptions committed by the Sanggunian members is not evil in God’s sight. It is not an act of going against the Church Administration as the Sanggunian members allege and insist. Rather, it is an act of protecting and defending the Church and the Administration from ministers who are not serving Christ but their own belly. Ministers who are in high places and powerful, corrupting not only the finances of the Church but even the doctrines and rules taught and implemented in the Church from the time of Brother Felix Y. Manalo. Like the lying spies sent by Joshua to Jericho, these conniving ministers are not truthful to our beloved Executive Minister. They are trying to keep him in the dark by telling him that everything is alright when in fact they know that ministers and members of the Church are now heavy ladened and complaining because of the heavy yet unnecessary weight they continuously placed upon their shoulders such as selling tickets, t-shirts, and other forms of memorabilia. They tell our beloved leader that there are millions of people joining the Church when in reality those whom they claim are joining the Church were told to sign the R3-01 forms in exchange for goody bags and their number is far from millions.

THESE ARE THE MINISTERS WHO ARE EVIL AND MUST BE REMOVED NOT ONLY FROM THEIR POSITIONS OF POWER BUT FROM THE CHURCH ITSELF. They are the true cause of the troubles being experienced by the Church today.