Sagot sa “Contradiction” Daw ni Kapatid na Isaias T Samson Jr.

Hindi po kasama at walang kaugnayan ang EGM sa mga itinuturong bagong aral ng  “small remnant “GPM (ito rin ang  samahan ng  mga dating incsilentnomore) na nagpapanggap na mga defender.

Maging  maingat po ang mga kapatid dahil yong ganong gawain ang paglaban sa Iglesia at pag sira sa doktrina na ating tinanggap sa Sugo ng Diyos sa huling araw.

~Para sa iba pang katotohanan at paglilinaw maari po kayong mag email sa amin sa : [email protected]

 

Ang Tunay na “Small Remnant”

Ang EGM ay pagtitipon ng mga nag mamahal sa Iglesia Ni Cristo na nanghahawak sa katotohanan at paglilingkod sa Diyos.

Ito ay hindi pagtatayo ng bagong relihiyon sa halip ito po ay pangangalaga sa mga kapatid na pinag usig at itiniwalag ng kasalukuyang namamahala sa Iglesia Ni Cristo

Hindi po kasama at walang kaugnayan ang EGM sa mga ginagawa ng grupo ng incsilentnomore or “small remnant “GPM , maging ito ay sa Youtube at Facebook  at mga artikulo o blog na sinulat nila.  Maging  maingat po ang mga kapatid dahil yong ganong gawain ang paglaban sa Iglesia at pag sira sa doktrina na ating tinanggap sa Sugo ng Diyos sa huling araw.

~Para sa iba pang katotohanan at paglilinaw maari po kayong mag email sa amin sa : [email protected]

The TRUE Small Remnant

The Iglesia Ni Cristo in these last days will never be turned away from the faith.
The Ecclesiastical Group Meeting (EGM) is a gathering of those who love the Iglesia Ni Cristo and those who uphold the true words of God and worship Him.

The intent of the EGM is not to establish a new Church, but to help and nourish the souls of the brethren who were oppressed and expelled by the present church administration of the Iglesia Ni Cristo.
We admonish the wrong teachings of those who call themselves defenders,  specifically the group of incsilentnomore  / small remnant group or their live gatherings and online (zoom) meetings; the so-called group prayer meeting -gpm )
EGM has nothing to do with or no association with this group whatsoever or its postings on YouTube, Facebook and articles or blogs.
 Hence, we kindly remind the brethren to be cautious, because their actions are against the Iglesia Ni Cristo that could result in damaging the doctrine that we received from the Last Messenger of God in these last days.
 ~ For  more info  you may send your email to:                                 [email protected]

How Shall They Preach Unless They Are Sent?

The Iglesia Ni Cristo in these last days will never be turned away from the faith.
The Ecclesiastical Group Meeting (EGM) is a gathering of those who love the Iglesia Ni Cristo and those who uphold the true words of God and worship Him.

The intent of the EGM is not to establish a new Church, but to help and nourish the souls of the brethren who were oppressed and expelled by the present church administration of the Iglesia Ni Cristo.
We admonish the wrong teachings of those who call themselves defenders,  specifically the group of incsilentnomore  or their live gatherings and online (zoom) meetings; the so-called group prayer meeting -gpm )
EGM has nothing to do with or no association with this group whatsoever or its postings on YouTube, Facebook and articles or blogs.
 Hence, we kindly remind the brethren to be cautious, because their actions are against the Iglesia Ni Cristo that could result in damaging the doctrine that we received from the Last Messenger of God in these last days.
 ~ For  more info  you may send your email to:                                 [email protected]

Paano Silang Magsisipangaral Kung Hindi Sila Mga Sinugo?

Ang EGM ay pagtitipon ng mga nag mamahal sa Iglesia Ni Cristo na nanghahawak sa katotohanan at paglilingkod sa Diyos.

Ito ay hindi pagtatayo ng bagong relihiyon sa halip ito po ay pangangalaga sa mga kapatid na pinag usig at itiniwalag ng kasalukuyang namamahala sa Iglesia Ni Cristo

Hindi po kasama at walang kaugnayan ang EGM sa mga ginagawa ng grupo ng incsilentnomore or GPM , maging ito ay sa Youtube at Facebook  at mga artikulo o blog na sinulat nila.  Maging  maingat po ang mga kapatid dahil yong ganong gawain ang paglaban sa Iglesia at pag sira sa doktrina na ating tinanggap sa Sugo ng Diyos sa huling araw.

~Para sa iba pang katotohanan at paglilinaw maari po kayong mag email sa amin sa : [email protected]

 

WALANG KINALAMAN ANG EGM GROUP SA NAGPAPAKILALANG CHURCH OF CHRIST (SMALL REMNANT)

WALANG KINALAMAN ANG EGM GROUP SA NAGPAPAKILALANG CHURCH OF CHRIST (SMALL REMNANT) AT NANANAWAGANG LUMABAS NA SA IGLESIA NI CRISTO ANG MGA KAANIB NITO

May mga talata sa Biblia na ginagamit ngayon ng bagong usbong na grupong nagpapakilalang Church of Christ (Small Remnant) upang manawagan at hikayatin ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na lumabas na sa Iglesia,  dahil diumano’y natalikod na ito tulad ng naganap sa unang Iglesia, naging OWE (one with EVM) church na at ngayon ay isa na raw kulto.

Ang isa sa mga tatalang ginagamit nila ay ang nakasulat sa Apocalipsis 18:4 na nagsasabing  “Mangangsilabas kayo sa kaniya, bayan ko,upang huwag kayong maramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot”.

Ang grupong ito ay dating masigasig na isinusulong ang “RESTORE THE CHURCH” movement kasama ng iba pang tumindig sa panig ng katotohanan upang ipagtanggol ang Iglesia,  laban sa mga nagsasamantala at sumisira sa kabanalan at kalinisan nito. Ang “rallying cry” na ito ng mga Defenders of the Church ay makikita maging sa mga banners, streamers, placards, t-shirts na ginamit sa panahon ng mga isinagawang “vigils.” Makikita rin ito sa mga artikulong isinulat at ipinost sa social media, at tahasang ipinapahayag ng mga ministrong nangangasiwa ng EGM, na noong simula ay magkakasama pang nagtataguyod ng gawaing  ito.

Sino ang mag-aakala na darating ang panahon na ang malakas na sigaw na “RESTORE THE CHURCH” ay papalitan ng  iba ng sigaw na “GET OUT OF THE CHURCH?” Sino ang nagkaroon ng ganitong panawagan? Ang kabuuan ba ng mga Defenders? Hindi, kundi ang mga humiwalay sa EGM  at nagtatag ng bukod nilang grupo, nagsagawa ng bukod na mga GPM (group prayer meeting), na di naglaon ay nagtatag ng mga LWS (live worship service), tinawag ang kanilang sarili na “FEW REMNANT O REMNANT FEW” at  ngayon ay nagpapakilalang Church of Christ (SMALL REMNANT), at upang makapangumbinsi sa mga nakikinig sa kanila ay gumagamit ng mga talata ng Biblia para isulong ang kanilang itinataguyod na mga bagong aral at paniniwala.

Kaya pala napalitan ng panawagang “GET OUT OF THE CHURCH” ang dating isinisigaw nilang “RESTORE THE CHURCH” ay dahil sa ang alam nilang “restoration” na gagawin ng Diyos ay ilalabas sa Iglesia (na tinatawag nila ngayong OWE church) ang “Small Remant,” sila daw iyon, at doon isasama ng Diyos ang iba pang makikinig at susunod sa kanilang panawagan na lumabas.

Ang mga sumusunod ang dahilan kung kaya tahasang ipinapahayag ng EGM group na wala kaming kinalaman at hindi kami kaisa ng mga nagpapakilalang Church of Christ (Small Remnant) sa kanilang mga ginagawa at itinuturo ngayon :

  1. Taliwas sa aral na tinanggap ng Iglesia ni Cristo mula kay kapatid na Felix Y. Manalo, ang Sugo ng Diyos sa mga huling araw ang bagong pagpapaliwanag ng grupong ito at ng mga napapaniwala nila sa nakasulat sa Apocalipisis 18:4. Totoong sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng anghel na narinig ni Apostol Juan sa isang pangitain nang siya ay nasa pulo ng Patmos na, “Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot. Ang mali o taliwas sa aral na tinanggap sa Sugo ay ang pagtuturo na ito ay hindi hula kundi utos (lang) ng Diyos at ang inuutusan na lumabas ay ang mga kaanib ngayon sa Iglesia ni Cristo dahil natalikod na raw at naging OWE church na.

Bakit mamamali ng pagpapaliwanag gayong tinukoy naman sa hula kung saan pinalalabas ng Diyos ang Kaniyang bayan, ito ay sa Dakilang Babilonia  na naging tahanan ng mga demonio at kulungan ng bawa’t espiritung karumaldumal (Apocalipisis 18:2).

Ito rin ang binabanggit sa hula na bantog na babaeng mapakiapid na nakaupo sa maraming tubig (Apocalipsis17:1,15) at “INA NG MGA BABAENG MAPAKIAPID AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA (Apocalipsis 17:5). Ayon sa pagtuturo ng Sugo, ang tinutukoy sa hula na Dakilang Babilonia, ay hindi ang Matandang Babilonia na pinagharian ni Nabucodonosor, kundi ang babae o Iglesia na laganap sa buong lupa (kaya tinawag na Katolika)  na ang setro ng kapangyarihan ay nasa ciudad ng Roma (kaya tinawag na Romana). Ito ang Iglesia Katolika Apostolika Romana na dito pinalalabas ng Diyos ang bayan Niya.

Sa mga mapangahas na nagtuturo ngayon na ang Apocalipsis 18:4 ay hindi hula kundi utos (lang), tila nalimot nila o baka sadyang ipinalimot na sa kanila ng Diyos na may kakambal o kaugnay na mga hula ito sa ibang aklat ng mga hula.  Ipapaalala naming sa kanila ang isa sa mga hula na siyang saligan ng kahalan ng Sugo at ng Iglesia ni Cristo sa mga huling araw, ang na nakasulat sa Isaias 43:5-6 na nagsasaad na: “ Huwag kang matakot, sapagka’t ako’y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran; Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa;” Marahil naman ay hindi nila kukuwestiyunin na hula ito na tumutukoy sa gawain ng Sugo sa mga huling araw?

Ayon sa tinanggap nating aral sa Sugo at sa naunang namahala sa Iglesia, ang hinuhulaang mga anak ng Diyos na magmumula sa Malayong Silangan (o Pilipinas), sa mga wakas ng lupa o sa mga huling araw (1914) ay manggagaling sa hilagaan at timugan. Ang hilagaan ay kumakatawan sa Protestantismo at ang timugan naman ay kumakatawan  sa Katolisismo. Upang lalo pa nating makita ang pagkakaugnay ng Apocalipsis 18:4 sa hulang ito ay ituloy natin ang pagbasa sa talatang 8 na iniutos ng Diyos sa Kaniyang Sugo na,  “Iyong ilabas ang bulag na bayan na may mga mata, at ang bingi may mga tainga.”

Sino ba ang tinutukoy na mga bulag at bingi na iniutos ng Diyos sa Sugo na ilabas at bakit sila itinuturing ng Diyos na bulag at bingi? Sa Isaias 42:18 at 17 ay mababasa na, “Makinig kayong mga bingi, at tumingin kayong mga bulag, upang kayo’y mangakakita;  Sila ang mga nagsisitiwala sa mga larawang inanyuan, nanagsasabi sa mga larawang binubo, Kayo’y aming mga dios.” Lagumin natin ang pagtalakay na ito upang maging malinaw sa mga may bukas na isip na makababasa ng akdang ito na ang Apocalipsis 18:4 ay hula na natupad sa Iglesia ni Cristo sa mga huling araw na ito sa pagkasangkapan ng Diyos kay kapatid na Felix Y. Manalo.  Ang sabi sa talata, “Mangagsilabas kayo (may maglalabas, hindi kusang lalabas, hindi silang-sila lang ang gagawa ng kanilang paglabas.

Ang maglalabas ay ang Sugong magmumula sa Malayong Silangan sa panahon ng mga wakas ng lupa) sa kaniya (sa Dakilang Babilonia, timugan, mga taong bulag at bingi dahil tumitiwala o sumasamba sa mga larawang inanyuan o diyus-diyosan, sa maiklang salita ay sa IKAR), bayan Ko (ang mga anak ng Diyos na lalaki’t babae na nailabas o nadagit ng Sugo mula sa mga maling relihiyon) upang huwag kayong maramay sa kaniyang mga kasalanan (naging tahanan na ito ng demonio at naging kulungan ng mga karumaldumal na espiritu); at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot (nakatakda na sa walang hanggang parusa ang mga taong sumasamba sa larawan at tumanggap ng tanda sa noo at kanang kamay, ang tanda ng krus (Apocalipsis 14:9-11).

Kung pagkatapos na mabasa ang akdang ito at ipipilit pa rin ng ibang mga mangangaral na ang isinasaad sa Apocalipsis 18:4 ay utos ng Diyos sa mga kaanib sa Iglesia ni Cristo upang lumabas sa Iglesia, mayroon muna silang dapat patunayan: una,  kung sino mula sa hanay nila ang isinugo ng Diyos para maglabas sa bayan Niya mula sa sinasabi nilang natalikod nang Iglesia; ikalawa, patunayan nila mula sa mga talata ng Biblia na ang Iglesia ni Cristo sa mga huling araw ang tinutukoy na Dakilang Babilonia; ikatlo, patunayan nila na ang Iglesia ni Cristo sa mga huling araw ay naging tahanan na ng demonio, naging kulungan na ng mga karumaldumal na espiritu, sa mga larawang inanyuan na tumitiwala o sumasamba, tumanggap na ng tanda sa noo at kanang kamay na tanda ng parurusahan.

  1. Ang “restoration” na sa simula pa at magpahanggang ngayon ay ibinabandila na ng EGM group ay sa loob ng Iglesia ni Cristo magaganap at hindi sa labas. Iisa lang ang kawan ng Panginoong Jesucristo (Lucas 12:32; Gawa 20:28 Lamsa; I Pedro 5:1-3), katumbas ng iisa lang ang katawan o Iglesia na may isang pananampalataya at pinapatnubayan ng isang Espiritu (Colosas 1:18; Efeso 4:4-6). Mahirap na bagay ba sa Diyos  na i-restore o  ibalik ang Iglesia sa dati nitong kalagayan? Halos isang daang taong hayag na hayag ang pagtulong, pag-iingat, at pagkasi ng Diyos sa buong Iglesia kaya nga ito naging banal, maayos, payapa  at maluwalhati sa panahon ng mga naunang Namahala. Ngayon pa ba natin pag-aalinlanganan ang kapangyarihan at magagawa ng Diyos para sa Iglesiang minamahal Niya? Hindi ba pinapangyayari lang naman ng Diyos sa ating panahon ang itinakda Niya sa hula na dadalhin Niya ang ikatlong bahagi sa apoy (na tumutukoy sa mga mabibigat na pagsubok.                                                                                                                                                                                                                                    May bibigat pa ba sa mga pagsubok na pinagdadaanan ng Iglesia ni Cristo sa kasalukuyan?) upang dalisayin at subukin na parang pagsubok sa ginto.Huwag nating kalimutan na may kakambal na pangako ang pahayag na ito ng Diyos nang sabihin Niyang, “Sila’y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin” (Zacarias 13:9). Siya rin ang may sabi na, “Dahil sa Sion (Iglesia) hindi ako tatahimik,… hindi ako magpapahinga hanggang sa ang kaniyang katuwiran ay lumitaw na parang ningning, at ang kaniyang kaligtasan ay parang ilawan na nagniningas (Isaias 62:1).” Pinasasabi rin ng Diyos sa anak na babae ng Sion (o sa Iglesia ni Cristo sa mga wakas ng lupa o sa mga huling araw) na, “Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating, narito, ang kaniyang ganti ay nasa kaniya…At tatawagin nila sila, ang banal na bayan, Ang tinubos ng Panginoon, at ikaw ay tatawaging Hinanap, Bayang hindi pinabayaan (Isaias 62:11-12).”

Hindi kailanman tatanggapin ng EGM group na matatalikod o natalikod na ang Iglesia ni Cristo sa mga huling araw. Kung tumalikod man ang kasalukuyang mga namiminuno, at ang maraming mga ministro, mga maytungkulin at mga kapatid na nadaya nila, hindi ang kabuuan ng Iglesia ang natalikod. HINDI NAGING OWE CHURCH NI NAGING KULTO ANG IGLESIA NI CRISTO. Tahasang paglaban sa Diyos at sa mga katotohanang nakasulat sa Biblia ang paniniwalang natalikod na Iglesia ni Cristo na gaya ng naganap sa unang Iglesia. Nasa hula na ang unang Iglesia ni Cristo ay matatalikod (Zacarias 13:7-8) kaya hindi natin kinamulatan o kinagisnan ito. Kung totoo man na may mga indibiduwal na kaanib o mga ministro pa ang tumalikod ngayon, pero hindi ang kabuuan ng Iglesia ang natalikod.

Kulang ba ang mga pahayag at mga pangako ng Diyos na nakasulat sa Isaias 62:1, 11-12,  Zacarias 13:9,  na binanggit sa unahan at sa nakasulat sa Apocalipsis 14:12-15 at iba pang mga hula upang patunayan Niyang hindi na matatalikod ang Iglesia ni Cristo sa mga huling araw kundi daratnan na ito ng araw ng paghuhukom? Ang mga nagsasabing natalikod na ang Iglesia, naging OWE church na at naging kulto na ang mga tunay na tumalikod, kaalinsabay ng mga nagsasamantala sa Iglesia at patuloy pang  sumisira sa kabanalan at kalinisan nito.

Siyanga pala, para sa mga nakalimot o hindi nakaaalam kung ano  ang aklat ng Apocalipsis (o Pahayag o Revelation), ganito ang sinasabi sa mismong aklat,  “Ang Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay ng Dios sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga alipin, sa makatuwid ay ang mga bagay na nararapat mangyaring madali: at kaniyang ipinadala at ipinaalam sa pamamagitan ng kaniyang anghel sa kaniyang alipin na si Juan; Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon.  19 Isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo, at ang mga bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari sa darating” (Apocalipisis 1:1,3 at 19). Ano ang babala ng Diyos sa magdaragdag o mag-aalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito? Ang magdaragdag ay daragdgan ng salot, at ang mag-aalis (o magbabawas) naman ay aalisin ang bahagi sa punong kahoy ng buhay at sa bayang banal na nangakasulat sa aklat na ito, katumbas ng hindi maliligtas.

Kaya hindi maliit na kasalanan na pilipitin ang pagpapaliwanag sa mga salita na nakasulat sa aklat ng hulang ito at sa iba pang mga aklat ng hula. Sugo lang, at ang matuwid na pamamahala at ang mga ministrong may patnubay pa ng Espiritu Santo ang makapagpapaliwanag ng tama ng mga hula at ng mga salita ng Diyos na nakasulat sa mga Banal na Kasulatan. Kaya maling pangahasan ninuman na magbigay ng sariling paliwanag o interpretasyon, lalo na kung mangangaral ng iba sa tinanggap sa Sugo at sa naunang Namahala. Ipinatatakuwil ng Diyos ang mangangaral na ang itinuturo ay iba sa itinuro at tinanggap mula sa Sugo (Galacia 1:7-8).

May iba pang mga talata ng Biblia na ipinangunumbinsi ang mangangaral sa Church of Christ (Small Remant) para lumabas na ang mga kapatid sa Iglesia (na tinatawag nilang OWE church) at sumama sa kanila. Ang mga talatang ito ang papaksain naming sa susunod na pagtalakay. Abangan ninyo.

Maawa nawa ang Ama na makatulong ang akdang ito upang mabuksan ang pang-unawa ng mga kapatid na nailigaw ng mga tagapangaral na kanilang pinakikinggan at sinusunod. Pakamahalin nating lahat ang Iglesia at ang pagsunod sa mga dalisay na aral ng Diyos na tinanggap natin sa Sugo at sa Naunang Namahala. SA MGA MAGPAPATULOY PA SA PAGSASAMANTALA AT PAGLILIGAW SA MGA KAPATID SA IGLESIA, HINTAYIN NINYO ANG PAGKILOS NG KAMAY NG DIYOS UPANG ILAPAT ANG KANIYANG KATARUNGAN!

~EGM MINISTERS

Kahit Naligaw Ang Mga Lider Mahalin Pa Rin Ang Tunay Na Iglesia

Ang EGM ay pagtitipon ng mga nag mamahal sa Iglesia Ni Cristo na nanghahawak sa katotohanan at paglilingkod sa Diyos.

Ito ay hindi pagtatayo ng bagong relihiyon sa halip ito po ay pangangalaga sa mga kapatid na pinag usig at itiniwalag ng kasalukuyang namamahala sa Iglesia Ni Cristo

Hindi po kasama at walang kaugnayan ang EGM sa mga ginagawa ng grupo ng incsilentnomore or GPM , maging ito ay sa Youtube at Facebook  at mga artikulo o blog na sinulat nila.  Maging  maingat po ang mga kapatid dahil yong ganong gawain ang paglaban sa Iglesia at pag sira sa doktrina na ating tinanggap sa Sugo ng Diyos sa huling araw.

~Para sa iba pang katotohanan at paglilinaw maari po kayong mag email sa amin sa : [email protected]

Despite The Wayward Leaders Our Love For The True Church Should Not Fade

The Iglesia Ni Cristo in these last days will never be turned away from the faith.
The Ecclesiastical Group Meeting (EGM) is a gathering of those who love the Iglesia Ni Cristo and those who uphold the true words of God and worship Him.

We admonish the wrong teachings of those who call themselves defenders,  specifically the group of incsilentnomore  or their live gatherings and online (zoom) meetings; the so-called group prayer meeting -gpm )
The intent of the EGM is not to establish a new Church, but to help and nourish the souls of the brethren who were oppressed and expelled by the present church administration of the Iglesia Ni Cristo.
EGM has nothing to do with or no association with this group whatsoever or its postings on YouTube, Facebook and articles or blogs.
 Hence, we kindly remind the brethren to be cautious, because their actions are against the Iglesia Ni Cristo that could result in damaging the doctrine that we received from the Last Messenger of God in these last days.
 ~ For  more info  you may send your email to [email protected]

SAGOT KAY BOBBY FERNANDEZ AT MARLEX CANTOR

SAGOT KAY BOBBY FERNANDEZ AT MARLEX CANTOR                                                               by  Isaias T. Samson Jr.

Hindi ko agad sinagot ang ipinost mo noong Feb. 13 dahil naghintay pa rin ako ng hinihingi kong punto por puntong sagot mo pagkatapos mong magdahilan na nagkamali ako sa mga petsa ng mga posting mo. Inilagay mo rin sa bandang huli ng salitang, “ITUTULOY.” Iyon pala, ang “itutuloy” mo lang ay ang pagbibintang (ang tawag mo ay “sagot”), na hindi ako nagpasakop sa pamamahala ng Iglesia, at ang pag-iwas mong sumagot sa mga inisa-isa kong problema. Pero inunawa ko na lang na talagang may mga taong napakabagal mag-isip, o walang maisip, at worse, walang ??? Naisip ko rin na baka hindi mo gaanong nauunawaan ang iyong mga isinusulat sa Tagalog kaya itong huling posting mo ay isinalin na ni Marlex Cantor sa English, na katunayan din na hindi ka nag-iisang gumagawa ng iyong mga ipinopost at dinidiktahan ka ng mga handler mo, kaya lang, WALA RIN. Magkahalo tuloy na lungkot at awa ang aking nadama, una, sa iyo dahil alam kong may mga gumagamit sa iyo, ang problema, nagpapagamit ka naman. Sabi nga, “it takes two to tango.” Higit sa lahat, naaawa ako sa mga tinuturuan mong nagmiministro dahil walang matinong sagot at pagsagot na matututuhan sa iyo, kundi, pawang pag-iwas lang sa mga dapat sagutin at ang maging tulad sa robot na may nagpapakilos na iba. Siguro, mag-volunteer ka na lang na magturo sa mga STF students, tutal ang marami sa kanila ay hindi ang ministerial lessons na itinuro ng matitinong tagapagturo ang sinusunod, kundi ang magbiyenan na kanilang pinapanginoon. Bagamat ang marami sa kanila ay hindi natuto ng tunay na ministeryo, punong-puno naman ng hangin o angas ang kanilang katawan dahil umaasang mabibigyan ng mataas na ranggo sa Iglesia kahit na wala o kulang na kulang sa karanasan gaya ng ilang ginawang tagapangasiwa ng distrito dahil lang sa pagiging malapit (kilala mo sila).

Ayon sa iyo, hindi katunayan ng pagpapasakop ang aking ginawang pagdulog sa Pamamahala ng mga korupsiyon at anomalya (“hinaing” ang tawag mo) sapagkat may “nakatago (akong) intensiyon” at hindi ko nahintay ang “buong proseso.”

Sayang, kung hindi niyo lang iniiwasang sagutin ng punto por punto ang mga ipinost kong idinulog ko sa Pamamahala, ay baka naunawaan ninyo na ang mga idinulog ko ay hindi personal na hinaing kundi ang para sa kapakanan ng Iglesia at ng Pamamahala, tulad halimbawa ng mga pandaraya sa pag-uulat sa mga dinuduktrinahan (na alam na alam ninyong nangyayari) at ang masamang reflection nito sa namamahala, higit sa lahat ay sumisira sa Iglesia. Pero kung hindi niyo lang napansin, ay sabihin niyo lang kung gusto ninyong isa-isahin kong muli, at kung gusto ninyo ay idaragdag ko na rin ang mga hindi ko natalakay nang una. Pakiusap lang, tiyakin ninyo na isa-isa ninyong sasagutin o idi-deny man lang ang lahat, upang marami pang makaalam ng mga totoong pangyayari. Siguro naman, iyon ang gusto ng mga nag-uutos sa iyo kaya sinimulan mong muli ang pagpo-post sa FB ng laban sa akin at sa EGM group na umiiwas sana sa paggamit ng FB accounts. Hindi ito pagbabanta, pero kapag nagpatuloy kayo sa pagbibintang ng kung ano-ano, nangangahulugan lang na napapanahon nang malantad ang lahat.

Sabi ninyo “hindi ko nahintay ang buong proseso.” Tamang proceso ba na palisin ng kamay ang dala kong papeles na nagpapatunay na ang kinuhang builder ng Philippine Arena ay isa sa mga “Most Wanted” ng Pulisya sa South Korea sa halip na ipasiyasat? Kung hindi pa lumabas sa media na ang wanted na ito ay ini-released under the custody of Jun Santos ay nanatili sana itong lihim.  Tama bang proseso na ang isang confidential letter ng isang nagmamalasakit na taga-sanlibutan tungkol sa anomalya sa pagpapatayo ng Arena, sa halip na siyasatin ang mga iniulat, ay pinakasuhan pa ang nag-ulat? Tama bang proseso na pagkatapos na iparating ko ang reklamo ng mga Pamunuan at ng mga nasa Pananalapi sa mga lokal sa U.S.A na pinapalitan ng tigwa-one hundred dollar bills ang mga abuloy at hindi na dumaraan sa legal na proseso, kundi, agad-agad ay kinukuha na ng inutusang kumuha, ay pinabayaang magpatuloy kahit na mapanganib na ma-charge ng money laundering ang kinauukulan? Gaya ng nasabi ko na sa itaas, marami pa akong maidaragdag, kung gusto niyo lang.

GAANO BA KATAGAL ANG PROSESONG SINASABI MO? Alam mo ba kung ilang ulit at kung kailan ko pa idinulog sa Pamamahala ang mga problema? Ilang taon akong umasa at matahimik na naghintay ng kahit anong aksiyon, tulad rin ng marami ngayong mga ministro at mga kapatid na patuloy na naghihintay at umaasa na lulunasan o gagawa pa rin ang pamamahala ng kailangang pagbabago sa halip na isisi sa nag-uulat at nagmamalasakit at tawaging mga kaaway ng Iglesia. Ang mga naunang namamahala sa Iglesia, kailan pa man at may mabalitaang anomalya lalo pa kung may nag-uulat ay agad-agad na umaaksiyon dahil ayaw nila na mabahiran ang malinis na imahe ng Iglesia.

Ngayon naman, sa ipinost ninyo ni Marlex, hindi na naman ninyo inaddress ang maraming mga nabanggit ko na, maliban sa paninindigan namin na ang Diyos ang magre-restore sa Iglesia.

“TANONG (NINYO) KAY ITS: Kung totoong dapat nang i-restore ng Diyos ang Iglesia, ano ang papel mo sa kabuuan ng restoration? Sino at ano ka sa sinasabi mong gawaing iyan? Sino ang nagsugo sa iyo? Ang Diyos ba ang nagsabi sa iyo nito? Kung ang Diyos, kailan Niya ito sinabi sa iyo? Pagkatapos ba noong ikaw ay matiwalag o bago ka matiwalag? Nasaan ang hula o patotoo ng Biblia para sa iyo?”

Whoah, hold your horses there, smart guys. Don’t let your imagination run wild. I never mentioned anything about any role that I would play in the restoration, yet you’re quick to ask me if I was sent by God and if there is a prophecy or testimony about me. And then, you followed it up with more questions and baseless commentaries based on pure assumptions. Helloo, do you hear yourselves? You’re supposed to be ministers of God and not commentators. Don’t put your own deceptive words in my mouth.

Pinipilit ninyong itanong kung may “papel” ako at ang aking mga kasamang ministro sa restoration sa kabila ng paninindigan namin na ang Diyos ang gagawa nito. Bahala na kayo kung tatawagin ninyong “papel” ang magpayo sa mga itinitiwalag at inuusig ninyo na huwag silang hihiwalay sa mga tunay na aral na itinuro ng Sugo. Kailangan pa ba ang hula at maging Sugo para magpayo at magmalasakit sa kanila? Kahit sino ang makabasa ng isinulat ninyo ay mapapansin agad na wala na talaga kayong patnubay ng Diyos. Bumabalik sa inyo ang sinabi ninyo na “ang diablo na kaaway ng Diyos ay mayroon ding isinusugo.”

SABI NINYO SA AKIN: “Lagi mong ginagamit ang Efeso 5:27 upang patunayan na kailangan nang i-restore ang Iglesia dahil ang sabi mo nawala na ito sa uring maayos, tunay at banal.”

“TANONG (NINYO PA) KAY ITS: Noon bang gamitin ng Sugo at ng Kapatid na Eraño Manalo ang Efeso 5:27, ang ibig bang sabihin sa panahon nila ay wala na sa uring tunay, maayos at banal ang Iglesia kaya kailangan na itong i-restore? Kaya noon pa pala ay ganito na ang tingin mo sa Iglesia? Kung sasabihin mong hindi, lumalabas hindi malinis ang iyong budhi sa paggamit ng talata.”

SAGOT KO: Saan at kailan ko sinabi na nawala na sa pagiging tunay ang Iglesia? You’re putting your own words again in my mouth. FORCE OF HABIT? Kayo mismo ang nagpatotoo na kinokontra ko ang itinuturo ng Remnant few group na ang Iglesia sa mga huling araw ay natalikod na, kaya alam ninyo na naninindigan kami na tunay ang Iglesia Ni Cristo. Ang lagi ko (naming) sinasabi, ang Iglesia Ni Cristo ay ang tunay na Iglesia na ihaharap kay Cristo sa araw ng Paghuhukom kaya dapat na ito ay maibalik (restore) sa lubos na kaayusan at kabanalan, walang dungis at kapintasan tulad ng nakasulat sa Efeso 5:27. Hindi nawala ang pagiging tunay ng Iglesia dahil lamang sa ito ay labis na ninyong dinungisan at patuloy pang dinudungisan

Pakiusap lang, humanap kayo ng matalino sa mga kasamahan ninyo (kung mayroon pa), to point out and make you understand, how faulty and ridiculous your argument or logic (assumption is the appropriate word) is. Ibang iba ang kalagayan noon ng Iglesia sa kalagayan ngayon. Noon ay bantay sarado ng mga namamahala at ng kanilang mga tapat na kasama ang Iglesia (kabilang na siguro ang tatay mo Bobby). Hindi sila pumapayag na makapamalagi ang sinoman lalo na sa hanay ng mga ministro, kung nasusumpungan sila sa mga paglabag o anumang anomalya. Hindi nila kinunsinti ang kurapsiyon o mga pag-uulat na mali ng sinomang ministro o manggagawa. Kaya nila laging ginagamit ang Efeso 5:27 ay upang mahikayat ang lahat na mabuhay ng may kabanalan, at maituwid ang nahuhulog sa paggawa ng masama. Tama kayo sa pagsasabing, “Alam na alam (ko) na kinakasangkapan ng Diyos ang (matuwid na) Pamamahala sa pagdadala sa Iglesia sa kasakdalan …” gaya nga ng Sugo at ng Kapatid na EGM. Samakatuwid, kung may pagre-restore man noon, iyon ay upang mai-restore ang mga naligaw na kaanib ng Iglesia. Hindi ba kayo ang bumabaluktot sa mga sinasabi ko para palitawin na “hindi malinis ang (aking) budhi sa paggamit ng talata?”

You cannot deceive all members. As Abraham Lincoln said: “You can fool all the people some of the time and some of the people all the time, but you cannot fool all the people all the time.”  Specially God’s people.

SINO NGAYON ANG MANDARAYA O SINUNGALING AT MGA ANAK NG DIABLO?

“Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito.” (ADB: John 8: 44)

 

The Kind Of Leader That We Should Submit Ourselves To

The Iglesia Ni Cristo in these last days will never be turned away from the faith.
The Ecclesiastical Group Meeting (EGM) is a gathering of those who love the Iglesia Ni Cristo and those who uphold the true words of God and worship Him.

The intent of the EGM is not to establish a new Church, but to help and nourish the souls of the brethren who were oppressed and expelled by the present church administration of the Iglesia Ni Cristo.
We admonish the wrong teachings of those who call themselves defenders,  specifically the group of incsilentnomore  or their live gatherings and online (zoom) meetings; the so-called group prayer meeting -gpm )
EGM has nothing to do with or no association with this group whatsoever or its postings on YouTube, Facebook and articles or blogs.
 Hence, we kindly remind the brethren to be cautious, because their actions are against the Iglesia Ni Cristo that could result in damaging the doctrine that we received from the Last Messenger of God in these last days.
 ~ For  more info  you may send your email to:                                 [email protected]